Jem's POV
Pinauwi na muna ako ng boss ko dahil inaapoy nako ng lagnat. Kailangan ko na daw munang magpahinga. Uminom nako ng gamot.
11. Dumating na si Dana.
"You're here--" gulat niyang sabi sabay bihis.
"Anong nangyari sayo?. Gosh, you're hot. I mean not you--I--you--you are but--inaapoy ka ng lagnat. Uminom ka na ba ng gamot?."
"Oo."
"Kumain ka na?."
"Mamaya na."
"Hindi, wait. Ipagluluto kita. I'll be right back."
Ayun nagluto ng soup.
"Say aaah--"
"Dana, ako na. Kaya ko. May lagnat lang ako, hindi ako pilay.." Kuha ko at kumain na.
"..wala ka bang trabaho ngayon?."
"Tapos na. May rehearsals lang kami para sa ramp."
"Sobrang dali siguro ng buhay nyong magaganda."
"Ay grabeee. Jem, maganda ka."
"Tsk. Echosera."
"Totoo nga."
Silence.
Nakatitig lang kami sa isa't isa. I looked away kasi medyo awkward na.
"Kumain ka na. Masamang nagpapalipas ng gutom." Sabi ko nalang sa kanya.
"S-sige. Basta tawagin mo ko pag may kailangan ka. Andito lang ako." Sabi niya at lumabas na.
..
Dana's POV
Ano yun? Hmm.
Kriiiing kriiiing kriiiing
It's my mom calling again. Inend ko like I usually do.
FF
9pm.
"Jem, time for meds." Gising ko sa kanya. Bumangon naman siya at ininom agad ito.
"How are you feeling na?."
"Masakit parin ang ulo ko. Saka Dana, ang lamig."
"Pinatay ko na yung aircon--"
"Tabihan mo ko."
"Huh?."
"Nilalamig ako Dana. Di ka pa ba matutulog?."
"Eh tinatapos ko pa yung ty--"
"Please--" she held my hand.
"S-sige na nga. Ililigpit ko muna yung laptop." At ayun nga, tinabihan ko na siya.
"Oh? Akala ko ba tabi lang? What's with the cuddle?." Tanong ko rito.
"Ang lamig kasi talaga."
"Baka nananyansing ka lang ah. Naku Jem--"
"Sira. Ba't naman kita tatiyansingan? Tsk. Napakamalisyosa mo naman."
"H-hindi lang kasi ako sanay."
"Bakit? Di nyo ba to ginagawa ng friends mo before sa tuwing may sleepover kayo?."
"Hindi."
"Bakit?." Tingin niya sakin.
"Well, I don't have friends."
YOU ARE READING
THE BRUAL EFFECT
FanfictionDana struggles with the idea that her boyfriend married someone else. Because of the embarrassing scene she did in his wedding reception, she decided to run away from home and stay with a stranger. Little did she know that this stranger will change...