Nagulantang ako ng may tumawag sa phone ko. Aarrrgh ano ba yan ang aga aga nangiistorbo sarap sarap ng tulog ko eh.
"Hello!! Sandra, what happened to you? Bakit di ka na bumalik sa shop kahapon, ang tagal namin naghihintay dun!" sermon ni Dara. Kahit kailan ang ingay ng babaeng to kung hindi ko lang to mahal e tinakwil ko na siya bilang bestfriend.
"Uhmmm.. I'm sorry sumakit kasi tyan ko kaya nauna na ko. Sorry." palusot ko.
"E bakit di ka man tumawag? Sige puntahan kita dyan bye." haaaay.
DARA'S POV
Ano ba yan napakatagal ni sandra kanina pa kami dito naghihintay almost 30mins. na siyang di bumabalik."Hoy Drake, tawagan niyo nga si Sandra!" nagaalala na ko sa kanya baka kung ano na yung nangyari.
"Hamo babalik din yun baka naligaw lang!" halata namang nagaalala din siya bakit di na lang niya gawin pinapagawa ko nakakainis naman.
"Hintayin na lang natin siya mga 5mins. pa pero kapag di siya dumating umalis na tayo tapos Dara tawagan mo siya tomorrow morning, okay?" nginitian ko na lang si Stanley. Tsse, may pagkaconcern at bait din pala tong mokong na to.
--
Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kahapon, sana panaginip lang yung nangyari kaso hindi eh. Totoong iniwan ulit ako ni Gin, siguro kailangang tigilan ko na siya. I have to move on, alam kong hindi na siya babalik sakin. He didn't love me anymore. Goooossh! Naiiyak nanaman ako. Napatingin ako sa phone na may isang unknown number na nagtext.
Unknown:
I'm sorry sa nangyari kahapon, I miss you.I know na siya yung nagtext. Pero ayoko na Gin. Pagod na kong umasa at masaktan sana dumating na yung lalaking magmamahal sakin ng totoo.
"Ma'am Elliana, Nandyan po si Miss Dara." Sabi ni nanay pacing.
"Okay, Baba na ko." Tinototoo nga ni dara pagpunta dito.
Hindi pa nga pala ko nagpapakilala no? Sorry kung sa chapter 3 na haha. Ang drama ko kasi umikot na lang kay Gin yung story. Pero hindi! Btw, I'm Elliana Sandra G. Aquino nagiisang lang akong anak. I'm 17 years old maganda at sexy naman ako. Pak na pak. Kahit sa pagiintroduce ko sa sarili ko e maging masaya naman ako.
Nakita ko si dara na nanunuod ng tv sa ibaba. Tsse, gusto ko pa naman magmuni-muni mag-isa eh. Sabihin ko kaya sa kanya yung totoong nangyari maniniwala kaya siya?
"O ano nangyari sayo?" Di man lang nakatingin sakin si Dara. Busy siya sa panunuod ng spongebob at kumakain ng popcorn. Seriously? Spongebob?
"Wala naman." Malamig kong sabi.
"What the- i don't believe you. Alam kong may nangyaring hindi maganda. So tell me what happened." Naiirita niyang sagot. I know i know kailangan ko ng sabihin baka sumabog tong babae to.
"Okay, fine. Nakita ko si Gin, so sinundan ko siya sa parking lot. Pero wala nabigo lang ako." haaaay. Alam kong mahirap tanggapin yung nangyari wala eh.
"WHAAAAAAT?! You're kidding me. Di na babalik dito si Gin." Naguguluhan niyang sagot, parang may alam silang lahat na hindi ko alam.
"Eh bakit ka ba gulat na gulat? Nakausap ko talaga siya. And sabi niya hindi na niya ko mahal." Naiiyak nanaman ako. Si dara kasi eh!!
"Hey, don't cry my little bratty bestfriend!" Pagbibiro niya.
"What did you say?! Tss. Okay lang ako, nagmomove-on na nga ako eh." Yes, magmomove on na ko kahit mahirap gawin.
"Nako, buti naman natauhan ka na kay Gin." Nagiwas siya ng tingin, nanuod uli siya ng spongebob at kumain ng popcorn.
Alam kong may tinatago sila sakin, at ayaw nilang malaman ko. Kailangan malaman ko yun! Ayoko naman magmukhang tanga na lang habangbuhay no. Kailangan kong gumawa ng paraan.
Nagayang pumunta ng mall ngayon si Mindy, hilig niya talagang magshopping mga rich kid talaga eh. Mindianna Cortez anak ni Freddy Cortez ang pinakamayamang businessman sa buong pilipinas. Nako hindi ko alam kung magkano nagagastos neto sa araw araw, 3 silang magkakapatid. David Cortez, ang panganay nila masungit pero mabait naman. Kenneth Cortez, mabait, caring at sweet. Sabihin na nating dream boy. Nako perfect guy siya!
"Ano nga pala nangyari sayo nung isang araw? Hindi ka na bumalik alalang alala sayo si Dara."
"Oh well, mahabang kwentuhan to." Nagaya akong pumunta sa isang coffee shop para ikwento kay Mindy yung buong nangyari.
"So ano?" Uminom siya ng Christmas Cookie Frap at tumingin sakin. Seryoso yung pagkakatingin niya, mukhang alam na niya ibig kong sabihin.
"Nakita ko si Gin at-" sabi na eh.
"WHAAAAT? Are you serious? Hindi na babalik si Gin dito." Halatang gulat na gulat si mindy sa sinabi ko. What the hell is happening!

BINABASA MO ANG
Starting new Love
De TodoThis is my first story. Sana magustuhan niyo! :D iniba ko yung title ng story. Sorry! Thankyou sa mga nagbabasa ng story kahit alam kong corny. Hihi!