Ano ba yan napakatagal nila Dara kanina pa ko naghihintay, kahit kailan talaga ang tagal nilang gumayak magsasabi ng time pero di naman sumusunod. Haaays! Lagi na lang silang late. Makaupo nga muna, tapos biglang may pumasok na dalawang couple na sobrang sweet. Sa Starbucks kasi kami madalas pumunta ni Gin, namiss ko siya bigla. Pero alam kong babalikan niya ko, umaasa at naghihintay pa rin ako sa kanya. Maya maya tumatawag si Dara.
"Hello! Saan ka ba! kanin pa kami nila Drake nandito sa Figaro!!" hindi agad ako nakasagot, nasa iniisip ko kasi si Gin. FIGARO!? Ba't sila nandun?
"ha?! ano nasa Starbucks ako!" oo nga no, bakit ba ako nasa Starbucks! Haaaynako ang tanga tanga mo, wag mo munang isipin si Gin.
"Ano ka ba naman Sandra, pwede bang kalimutan muna si Gin!! Pumunta ka na nga dito!" Sermon ni Dara sakin, lagi na niya yun sinasabi bakit di na lang niya ko suportahan. Ganun na lang ba ko nagpapakatanga kay Gin?
Tumayo na ko, sa sobrang pagmamadali ko nabunggo ako ng lalaking di naman katangkaran, kasing tangkad niya si Gin. Haaaynako puro ka na lang Gin nabunggo ka na nga eh siya pa din nasa isip mo. ABA BUGOK TO AH! HINDI MAN LANG MAGSORRY NILAYASAN BA NAMAN AKO!?
"HOY! Ikaw, ganyan ka ba pinalaki ng magulang mo hindi ka man lang marunog-" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko nung nakita ko siya, GIN!? Is that you?! Hindi siya yan, No way! Namamalik mata ka lang, dahil sa kakaisip mo sa kanya.
"What? Why are you staring at me? May dumi ba ko sa mukha, Miss?" Ang taray naman neto, sabi na eh hindi si Gin yun, pero magkamukha sila ni Mr. Sungit. Gin, bumalik ka na please, mababaliw na ko sa kakaisip sayo.
"Nabunggo muna nga yung tao nakuha mo pang gumanyan, Hindi ka man lang magsorry!!" sa sobrang inis ko nabulyawan ko siya. Nakakahiya man pero nakakainis eh, hindi man lang siya nagsorry sumabog na nga mga gamit ko sa lapag!
"Ooopps, Sorry miss. Okay na?" What the f! Hindi na lang ako umimik at umalis na lang ako. Nakakainis yung lalaking yun ha, lagot ka sakin kapag nagkita ulit tayo! BWISIT!
After 5mins. nakarating na din ako sa Figaro, hinanap ko agad sila. Finally, nakita ko na din. So ayun nahuli nanaman ako sa chismax ng mga kaibigan ko. Sila lang yata yung maingay dito eh halos yung iba busy sa mga ginagawa nila. Lumapit ako at sabay upo ng nakasimangot, hindi ko talaga makakalimutan yung lalaking yun. Pero infairness ang gwapo niya. Kamuka niya talaga si Gin, hindi kaya si Gin yun? Pero hindi eh. Kasi kung siya yun makikilala niya ko. I miss you Gin, come back to me!
"Bakit ang tagal mo poks, naghihintay ka nanaman sa Starbucks? Hindi na babalik si Gin!" sabay tawa ni Stanley, napakasama talaga ng bugok na to, palibhasa wala pang sineryosong babae kaya hindi niya alam yung nararamdaman ko. Inirapan ko na lang si Stan.
"Oo nga, ba't ba ang tagal mo?" Takang tanong ni Dara.
"Eh kasi sa sobrang kakamadali ko, nabunggo ako ng lalaki. Nakipagaway pa ko! At kamukha niya si Gin guys!" halatang nagulat sila sa sinabi ko. Alam ko na kung ano yung iniisip nila.
"No way, hindi na babalik yung Gin, Sandra. Nahahallucinate ka lang!" pagaalalang sinabi ni Mindy. E ano naman kung nahahallucinate lang ako?
"Wag muna kasing isipin si Gin." seryosong sabi ni Drake. Sanay na ko dyan kay Drake, lagi na lang seryoso samantalang sila Stan puro kabugukan na lang sinasabi sakin imbes na icomfort ako. Wala eh, ganyan naman talaga ang barkada.
Kailan ka ba kasi babalik Gin, miss na miss na kita. Hindi ka mawala sa puso't isip ko, sana paggising ko hindi na kita maisip. Sana may isang lalaking mamahalin ako higit sa pagmamahal na binigay mo sakin at lalong lalo hindi niya ko iiwanan na parang pusa na nilagay sa isang kahon at iniwan na lang nang basta basta siguro kapag nakapagpaliwanag ka na ng maayos, makakamove-on na ko sayo. Hindi ko maiwasan na hindi isipin si Gin sa araw araw, natamaan ako sa kanya ng sobra. Tanga naman ni kupido pumana. Nakakainis lang! Nakita kong may isang lalaking nakatingin sakin mula sa labas. Sino kaya yun?
BINABASA MO ANG
Starting new Love
De TodoThis is my first story. Sana magustuhan niyo! :D iniba ko yung title ng story. Sorry! Thankyou sa mga nagbabasa ng story kahit alam kong corny. Hihi!