9:30 am Wednesday
LT's POV ( Third person )
Nagmamadaling pumara ng taxi. Nakasuot sya ng long sleeves pero nakatupi ang mga manggas nito hanggang sa siko at naka- pencil skirt tapos naka heels ng mga 4 inches. Oh diba! Sexy ng ate mo!Malelate na kasi sya sa presentation nya with her co- agents kaya nagmamadali. By the way she is part of an Insurance Company. Kaya magaling syang mag sales talk, every kind of people eh nakakagaangan nya ng loob. At dahil yan sa positive outlook nya.
Maganda na.
Mabait pa.
Matalino na.
Masayahin pa.
At in fairness ang ganda ng smile nya.
She has the most beautiful smile sabi nga ng iba.
Kaya lahat ng clients nya eh anlalaki ng iniinvests sa kanya. Pero take note she was still single until now.
She was a perfect girlfriend. Kaya hanap nya ay ang kanyang knight in a shining and shimmering armor.
Balik na po tayo sa pagmamadaling pumara ng taxi.
Habang may hawak na papers and folders for her report. May katawagan naman sya sa cellphone.
Kaya di nya masyadong nakikita kung sino man ang kasalubong nya sa daan,
At sa wakas may huminto ng taxi! Pero traffic pa din! Pero push lang daw!Yan si LT! Malakas ang fighting spirit! Wonderwoman yan eh! Bago makasakay sa taxi.
Nabangga pa sya ng di kilalang lalaki. Ang eksena slow motion.
Akala nyo sparks na no!
Tsura ni Kuya! Mukhang holdaper na hinahabol! Syempre di pa sya!Edi yan na nga nagmamadali si LT na pulutin ang mga papers ng biglang may sumakay na di ulit kilalang lalaki sa taxi na pinara nya!!! Hay naku!
Syempre sya ang nakapara nun kaya sumakay din sya!
Eto na ba ang tinatawag nilang sparks? Sa kalagitnaan talaga ng traffic?
....
10:00 am Wednesday
Gabby's POV ( Third Person )
Normal na araw lang ito para sa isang katulad ni Gabby.Gigising.
Kakain.
Lalabas.
Hahanap ng chicks.
Pag nagsawa lalayas.
Aalis. Papakasaya nanaman. Paulit ulit lang.
Sya na kasi ata ang pinakaswerteng tao sa planetang earth.
Macho Gwapito.
Madiskarte.
Tisoy and ampula ng lips.
At higit sa lahat sumusweldo kahit di nagtratrabaho. Ewan ko ba sa mga magulang neto. Sya kasi ang kaisa isang tagapagmana ng kumpanya. Kung kelan nya gustong pumasok eh nagagawa nya.He was a perfect boyfriend. Pero #MedyoBadBoy.
At ang hanap nya ay ang babaeng magpapatino sa kanya.Mag aalasdyes na. Gigimick nanaman si 'tol! Paglabas nya. Traffic. Tinatamad nanaman sya mag drive. Kaya humanap sya ng taxi. Nakita nya ang isang taxi na nakahinto sa tabi. Sa gilid nun ay may isang babaeng nagmamadaling pulutin ang mga papeles na dala nya.
Akala nyo tutulungan no! Eh bad boy ata itong si Gabby eh! Inunahan pa sa pagsakay sa taxi! Pero yung babae nakasakay din!
Sparks na ba ituuu?
...