Di namalayan ni LT na nasa likod lang niya si Gab.
Tirik ang araw habang ang ingay ingay ng paligid. Panay ang busina ng mga sasakyan. Halatang pawis na ang dalawa sa sobrang init. ( gorgeous pa din si LT! handsome pa rin naman si Gab)
Nagsimula ng mahilo si LT. Pero pinipilit nya pa rin na kayanin.
Napansin naman yun ni Gab.
Tinanong nya si LT.Gabby : Okay ka lang miss?
LT : Bakit? Ano naman kung di ako okay?! ( with her taray voice )
Gabby : Concern lang ako. ( sungit naman nito! Matumba ka sana! )
Di na kinaya ni LT ang hilo. Nalanghap na ata nya yung mga usok sa kalye. Bigla na lang syang na out of balance at..
At..
Gabby : Oh miss!!
Buti na lang at nasalo siya ni Superman! Este ni Gab.
Nakasandal na ngayon si LT sa dibdib ni Gabby. Nagsalita naman si LT with her mahinhin na boses.
LT : Wait lang nahihilo ako! ( Biglang napahawak sa braso ni Gab )
Gabby : Oh miss! Baka buntis ka?!? ( with matching titig kay LT )
LT : Ano ka ba? Hindi no? Wala kaya akong boyfriend! Saka ang init init oh! Nalanghap ko na ata lahat ng usok dito! Di mo pa ba ako isasakay ng taxi! Hilong hilo na ako!
Gabby : Malay ko ba?! Ngayon lang tayo nagkita! (Sa ganda mong nyan wala ka pang boyfriend)
Nawalan na ng malay si LT. ( jussskoooo! )
Binuhat na sya ni Gab at dinala sa pinakamalapit na ospital. Tinakbo nya yun habang buhat si LT dahil traffic nga at walang masakayan.
( Di ba superman talaga ang peg! )
At the hospital...
Gabby : Nurse! Pakiasikaso naman to oh! Nawalan ng malay kanina eh!
Nurse : Oh! Tulungan nyo kami! May pasyente!
Gabby : Salamat!
At dinala na si LT para ma check na ng Doctor.
Sa kabilang sitwasyon..
Hinahantay na pala si LT ng kanyang mga clients at co- agents.
Di na mapakali ang bestfriend/assistant nyang si Juliana.
Juliana : Asan na kaya si Victoria? ( btw Victoria ang tawag sa kanya sa office )
Antagal naman nya? Anong oras na! San nanaman kaya napadpad yun?
Client 1 : Miss Juliana where is Miss Victoria? We are waiting here for hours?
Juliana : Ah sir.. Na traffic lang po siguro pero mayamaya andito na yun.
Tinawag si Juliana ng boss nila.
Juliana : Naku Lord!
Boss : Juliana asan na ba si Ms. Tolentino antagal tagal nya! Kanina pa naghihintay ang mga clients! Sa kanya pa naman nakasalalay yung malaking perang i-iinvests ng mga 'to!Juliana : Sorry sir. Just wait for a minute sir, I will try to call her.
Lumabas si Juliana para tawagan si LT na nasa ospital ngayon.
Dialing Victoria's number...
..ring..ring..ring..ring..
Juliana : Victoria come on.. Answer your phone..
At the hospital..
Naririnig ni Gab na parang may tumatawag kay LT.
Si LT naman wala pa ring malay. Pero eto malupet....Gab was holding her hand..mahigpit.. ( kilig kilig xD )
Biglang dumating si Doc.
Gab : Kamusta sya Doc? Anong problema ( parang boyfriend mag alala )Doc : She's okay. Nahilo lang sya. I think di sya nakakain. She look pale. Teka, girlfriend mo ba sya?
Gabby : Ah eh.. OPO Doc! ( with the big smile on his lips )
Doc : oh bat pangiti ngit ka pa dyan! ( si LT nagigising na) bilhan mo na ng pagkain yung girlfriend mo!
Si LT dumilat na. Narinig pa ata nya yung sinabi ni Doc na ' GIRLFRIEND MO '
LT : A- asan ako? Ospital ba to? Ba't ako andito? Saka sinong girlfriend mo? Saka teka! Ba't mo hawak yung kamay ko?
Gabby : Andami mo namang tanong! Kakabalik lang ng malay mo. Nahimatay ka po kanina.
Sobrang init kasi saka sabi di Doc di ka daw ata nakakain. At dinala kita dito. Binuhat kaya kita no! Ang gaan mo pala!
LT : ( Speechless at iniba ng direksyon ang tingin )
Gabby : Wala ka man lang bang sasabihin?LT : Ah S-- salamat. Salamat kanina. ( napansin nya na hawak pa in ni Gab yung kamay nya ) Ah.. Excuse me! Yung kamay ko!
Gabby : Ay sorry! Okay ka na ba? I think pwede ka na lumabas eh. Mukhang nagugutom ka. Gusto mo kain tayo? Treat ko!
LT : Ah salamat pero nakakahiya eh. Ngayon pa nga lang tayo nagkita eh.
Gabby : Sige na! Treat ko naman eh! Bahala ka! Balita ko masarap daw yung food dun sa resto malapit dito!
LT : Sige na nga! Tutal nagugutom na talaga ako..
Inalalayan naman ni Gab si LT habang sinusuot nito ang shoes nya.LT : thank you!
Gabby : tayo na? Este tara na! Puntahan na natin yung resto. ( Holding Hands while walking ang naganap )