Sparks

210 5 0
                                    

LT : Manong sa INC building po!

Gabby : ahmm.. Sa Robins Resto!

( sabay sa pagsabi )
LT : Hoy!! Nauna kaya ako!

Gabby : Excuse me! ( tinanggal ang shades ) Nauna ako miss- is!

LT : Hoy lalake! Wala pa akong asawa!! Kaya hwag mo akong ma misis misis dyan! Ako kaya ang unang pumara nh taxi na 'to! Saka nagmamadali ako no! May presentation pa kaya ako!

( walang tigil sa kasasalita pero cute pa rin )

Gabby : Oh! Chill ka lang! Sorry na! Andami mo naman sinabi! Sabay na lang tayo! ( kindat at sabay tumataas ang dalawang kilay ng paulit ulit ) dadaan rin naman sa Resto bago sa building nyo eh! Saka matatanggihan mo ba to! ( sabay hawi ng buhok )

LT : Gwapong gwapo ka na nyan sa sarili mo? Nakakahiya naman sayo!! Pano kung ayoko?!?!

Gabby : Ayaw mo? ( nakaharap kay LT )

LT : A Y O K O ! ( tumalikod ) manong pababain mo na nga tong lalaking to!

Gabby : Ako talaga?! Eh ako nga yung unang sumakay dito!!

LT : Ako na lang ang bababa!! ( binubuksan na ang pinto )

Gabby: Sige! traffic pa naman! Wala ka ring masasakyan!

LT : ( deadmabels.. Pumasok ulit sa taxi ) hmmmm.. ( biglang napatulala dahil pagharap nya eh
bumungad ba naman agad ang mukha ni Gabby ) Ano ba yang mukha mo!! Nakahambalang!

Gabby : ( Ngumisi lang at bumalik sa pwesto )

Manong Driver : Ano ba?!! Kanina pa kayo ah! Naririndi na ako!! Bumaba nga kayo!!

Ang ingay ingay!!!! Bayad nyo!?!!

LT : Bayad mo daw?!! ( paalis na )

Gabby : Anong ako?! Akala ko ba nauna ka sa taxi na 'to?

LT : Di ba sabi mo ikaw? Edi ikaw magbayad!!

( Napailing si Gabby at napahugot ng pera )

( Si LT naman naghahanap ng masasakyan )

Gabby: Manong eto na yung bayad! Sa inyo na yung sukli nakakahiya kasi dito sa babaeng 'to eh!

( Napalingon si LT at inisnaban si Gabby..binaling ang tingin sa kalsada para makahanap ng taxi )

Perfect Match ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon