Lisa's Pov
Sinugod agad nila ako ng mga tanong pagkalapit na pagkalapit ko sa kanila..
"Lisa sino yun" agad naman na tanong ni Sana.
"Jowa mo ba yun" tanong naman ni Seulgi..
"Ba't di mi sya pinakilala sa amin" dagdag naman ni Joy..
"Naka move on ka na ba kay T-.." Tanong sana ni Nayeon pero hindi na nya na natuloy ang sasabihin ng tinitigan ko sya ng masama.. agad naman silang natahimik.
Huminga muna ako nang malalim bago sila sinagot..
"Una sya si Jennie Kim nakabungguan ko kahapon at ang nakapulot sa cellphone ko.. Pangalawa hindi ko sya jowa.. pangatlo hindi ako FC para ipakilala sya sa inyo.. baka isipin pa nung nababaliw ako at ang pang huli ay ayoko ng pag usapan.." saad ko at saglit na tinitigan si Nayeon..
Ang isa rin kasi sa pinaka ayaw ko ay ang pag usapan ang tungkol sa ex ko kaya ganoon nalang ang naging reaction ko nung muntikang banggitin ni Nayeon ang pangalan nya.
Naging magkakaibigan na rin kasi kami dito kaya alam nila na nagkakagusto ako sa mga babae at alam din nila ang sekreto ko, bale ang kapatid ko lang at ang mga kaibigan ko ang nakakaalam.
Nagpapasalamat nga ako kasi tinanggap nila ako, pero nung unang umamin ako ay medyo nagka ilangan kami pero nung nagtagal eh naging maayos naman ang samahan namin.
Magsasalita pa sana ako ng biglang may humila sa akin patalikod pagtingin ko ay walang iba kundi ang pandak kung kaibigan na si Jisoo..
"Hello sa inyo" .. bati nya sa apat
"Jisoo Annyeong!., Lisa balik na kami sa post namin".. saad nila habang isa-isa silang nag alisan.
Guilty.. Isip isip ko.
Alam kasi nila na ayaw na ayaw kung pinag uusapan ang ex ko at yun na nga muntik pang masingit kanina.
"Lisa!! Kamusta na pala kapatid mo.. pasensya ka na nasira kasi phone ko kahapon kaya di mo ko macontact" agad nitong sabi
"Unnie.. ayos na sya nagpapahinga lang sa bahay.. nasira pala phone mo, kaya pala" tugon ko dito
"Oo.. nalaman ko kay Bambam yung nangyari dumaan kasi muna ako sa kanya bago dito."
"Sya nga pala Lisa.. malapit na pasukan nakabili ka na ba ng gagamitin nyong magkapatid" dagdag na tanong nito..
Oo nga pala muntik ko nang makalimutan. Iskolar pala ako sa JnK University, isang pribadong eskwelahan kung saan pumapasok din sina Jisoo, Chaeng at Bambam.
Ito na ang huli naming taon sa Kolehiyo at kaming apat ay maggragaraduate sa Kursong Business Ad.
Dapat ay graduate na si Jisoo dahil nauna sya sa amin ng dalawang taon pero dahil nakahiligan nyang magtravel ay nagstop sya ng 2 years.
Biniro ko pa nga ito noon na baka sinadya nyang magpahuli para lang maging kaklase nya si Chaeng at pagkatapos nun namula sya na parang kamatis.
May gusto kasi sya kay Chaeng noong freshmen pa at sa tingin ko ay ganoon din yung isa pero sadyang torpe talaga tong kaibigan ko kaya walang progress sa kanila.
"Kung di ka pa nakakabili dinala ko na yung mga sobrang nabili ko kahapon. Napadami kasi kami ng biniling gamit ng pinsan ko eh. Halos kunin nya lahat ng matipuhan nya kesyo daw cute o kaya naman maganda yung design eh hindi naman sya yung gagamit." Naiiling nitong sabi.
BINABASA MO ANG
Her Obsession (Jenlisa)
RomanceSa isang madilim na kwarto kung saan nakatayo ang isang magandang dilag at ang kukunting ilaw na nanggagaling sa isang lamp shade ang nagbibigay liwanag sa madilim na kwarto. Isa isa nyang pinagmamasdan ang mga litrato na naka dikit sa dingding, la...