Lisa's Pov
Lumipas ang Pasko at Bagong taon kasama ang asawa ko, kapatid ko, mga pamilya ni Jennie at ang mga kaibigan namin... Mababait ang mga pinsan ni Jennie at palatukso rin ang mga ito. Karamihan sa kanila ay mga babae kaya todo bantay ito sa akin..
Mag aapat na buwan narin syang buntis at may baby bump narin sya.. tuwang tuwa nga ito at mangiyak ngiyak itong ipinapakita sa akin..
Kung nagtataka kayo kung ano ang nangyari sa New Zealand... Syempre nag kaayos kami ng asawa ko...
**Flashback**
Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at isang maganda at napaka among mukha ni Jennie ang una kong nasilayan. Nakayakap ito sa akin at may iilang hibla ng buhok ang nakatakip sa mukha nito at agad ko itong inipit sa likod ng kanyang tenga...
Hinaplos haplos ko ang maliit nitong mukha at tinanggal ang mga natitirang bahid ng luha... Gumalaw muli ito pero di naman nagising mukhang napagod kakaiyak.. napabuntong hininga nalang ako ng muling maalala ang nangyari... Hayssss.. dapat di ko na iniisip yun..
Tinanggal ko ang nakapulupot nitong kamay sa akin ng todo ingat para hindi ito magising at dahan-dahang lumabas ng kwarto...
Nang tignan ko ang oras ay pasado alas Dose na pala kaya pala kumakalam na ang sikmura ko lalo na't hindi kami nakakain kanina dahil sa nangyari..
Pumunta na ako sa kusina para magluto at siguradong gutom na rin si Jennie pagkagising nun..
Habang nagluluto ay naisip ko na naman yung kwarto... Hindi ko parin lubos maisip na ganoon ang tatambad sa akin at hindi ko parin maiwasan ang matakot... Pero alam ko namang walang gagawing masama si Jennie..
Pilit ko lng iniwawaksi ang mga iniisip ko nang biglang may yumakap sa akin.. Dahil sa gulat ay muntik ko nang mapaso ang kamay ko.. Ganoon na ba kalalim ang iniisip ko at di ko namalayan na nagising na pala sya..
Pinatay ko na ang niluluto ko dahil luto narin naman ito at agad syang hinarap..
"I thought you already leave.." sagot nito at naksubsub parin sa akin..
"Paano ako aalis eh na sayo passport ko" pagbibiro ko pero hindi ito natawa at mukhang sineryoso pa nya ito.. dahil humigpit ang pagkakayakap nya sa akin..
Bumuntong hininga muna ako bago muling magsalita..
"Jen sabi ko naman sayo.. hindi ako aalis, hindi kita, kayo iiwan" saad ko at inihiwalay sya sa akin
"Aren't you scared of me... You don't think I'm crazy.."
Oo natatakot ako pero hindi na nya kailangang malaman yun.. dahil ano nalang ang mararamdaman nya pag nalaman nyang ang sarili nyang asawa ay takot sa kanya...
"Of course not.. hindi ako natatakot sayo at hindi ka baliw ok.. wag na wag mong iisipan yan" at hinaplos ko ang mukha nito..
"Pero Jen I want you to be honest with me... May tinatago ka pa ba sa akin.?" Tanong ko.. ayokong mag karoon na naman kami ng di pagkakaintindihan.. pag nagkataon..
"Nothing Love that's all.. I promise I won't keep secrets to you from now on"
"I won't keep secrets to you too" sagot ko sa kanya at napangiti ito..
"Pero Jen gusto kong alisin lahat ng mga litrato dun sa kwarto.. " saad ko at agad itong tumango
"Thank you Love.. Thank you for accepting me.. thank you for everything" at muli akong niyakap..
BINABASA MO ANG
Her Obsession (Jenlisa)
RomanceSa isang madilim na kwarto kung saan nakatayo ang isang magandang dilag at ang kukunting ilaw na nanggagaling sa isang lamp shade ang nagbibigay liwanag sa madilim na kwarto. Isa isa nyang pinagmamasdan ang mga litrato na naka dikit sa dingding, la...