Chapter 17

10.1K 209 1
                                    

Lisa's PoV

Nandito kami ngayong lahat sa Cafeteria at kasalukuyang naglalunch. Napagdesisyonan namin ni Jennie na sabihin sa kanila ang balita ngayon pero parang ako nalang yata ang magsasabi sa kanila dahil busy tong asawa kong kumain. Sinabi din pala nya sa akin na alam na rin ni Jisoo dahil sya ang sumama sa kanyang magpacheck up..

"Guysss.." saad ko para tawagin ang attention nila busy rin kasi sila sa paglantak ng mga binili nila..

"May gusto sana akong sabihin sa inyo" pagpapatuloy ko..

"Ano yun ate" saad ni Somi.. sya ang unang nagtanong..

"Mukhang seryoso yan ah.." Dagdag naman ni Bambam.. tahimik lang si Jisoo at Chaeng na naghihintay sa sasabihin ko,  habang ang asawa ko ay yun ayaw mag paistorbo.. kaya hinawakan ko ang kamay nito at ngumiti lang sya sa akin...

"Uhmm.. ano Buntis si Jennie" saad ko at saktong nakasubo na si Bambam kaya nasamid ito. Agad naman syang inabutan ni Chaeng ng tubig..

"Totoo Lisa?" Tanong ni Bam ng makabawi ito.. Tumango lang ako.. Kita ko rin ang gulat sa mukha ng kapatid ko habang yung dalawa ay nakangiti lang.. mukhang nasabi na ni Jisoo kay Chaeng..

"Seryoso.. so ginawa nyo na yung ano.. nakailang rounds kayo.." pilyo nitong sabi at kami naman ang muntik masamid... kaya agad ko itong binatukan kung ano-ano pinagsasabi nya eh.. nandito pa naman kapatid ko..

"Ate.. talaga.. so magkakaroon ng baby sa bahay" masayang sabi ni Somi.. kaya napangiti nalang ako.. mahilig kasi sya sa bata.. Napatingin ako kay Jennie na nakangiti narin..

"Somi.. ilang buwan pa yun.." natatawa kong sabi sa kanya..

"Excited na ako ate.. sana maging kasing cute ko yung baby" sabi nito kaya napatawa nalang kami sa sinabi nya..

"Pero.. Lisa and Jen Congrats" sabi ni Bambam

"Salamat Bam.." sagot ko..

"Lisa.. iingatan mo tong Si Jendeuk ha.. kundi ipapapingot talaga kita kay Chaeng" saad nito.. natawa nalang ako kasi ginamit pa nya yung GF nya para manakot..

"Unnie.. wag ka mag alala.. mahal na mahal ko tong asawa ko.." saad ko at hinalikan ito sa pisngi.. napangiti nalang sya at nagpatuloy ng kumain..

"Lisa.! not in front of my salad" pagalit na saad ni Chaeng.. kaya natawa nalang kami sa kanya..
.
.
.
.

Nandito na kami sa bahay ng biglang mag aya si Jennie..

"Love.. I'm craving for Ice Cream" pagpapacute nito..

"Pero malapit na gumabi.. baka lamigin ka.." saad ko..

"No.. it's ok.. Love please~.." saad nito at hinawakan pa ang kamay ko..

Napabuntong hininga nalang ako, wala din lang naman akong magagawa kukulitin at kukulitin nya ako pag di ako pumayag.

"Sige.. pero ako na ang bibili, mag grogrocery na rin ako"  sagot ko sa kanya..

"No.. I want to come with you.."

"Pero Love.. baka mapagod ka.." pag aalala ko.. baka kasi makasama sa kanya..

"I'll be alright love.. so let's go" saad nito at nauna ng pumasok sa sasakyan.. Hayssss.. ang kulit nya talaga..

"Somi.. gusto mo bang sumama" sigaw ko nasa loob na kasi sya..

"Wag na ate.. baka magmukha akong chaperone .." saad nito at lumabas para makapag usap kami ng maayos.. Natawa nalang ako sa sinabi nya..

"Pero may gusto ka bang ipabili.."

Her Obsession (Jenlisa) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon