Lisa's Pov
Nagdaan ang mga mga buwan at mas naging malapit kami ni Jennie, mas naging komportable akong kasama sya. Hindi pa rin nawawala ang pagkaselosa nito kung tutuusin mas tumindi pa nga pero pilit ko nalang syang iniintindi dahil kahit na anong paliwanag ko sa kanya ay parang wala syang naririnig..
Unti-unti na ring gumagaling ang kapatid ko sa katunayan nga ay pwede na daw syang bumalik sa pag-aaral. Tinanong ko sya kung gusto pa nyang ipagpatuloy o tumigil nalang muna sya para magpagaling ng husto pero tumutol sya kukuha nalang daw sya ng summer classes para maibawi nalang daw ang nawalang araw... Pumayag na lang din ako kung yun talaga ang gusto nya..
At ngayon nga ay nakarating kami sa Uni.. agad ko silang pinagbuksan.. ihahatid ko na sana si Somi ng pigilan nya ako..
"Ate.. wag nyo na akong ihatid.. dumeretso na kayo sa klase nyo" pagpigil nya sa akin magpupumulit pa sana ako ng dumating ang Kaibigan niyang si Aria..
"Aria ikaw na bahala sa kapatid ko ha.. nagiging Big girl na kasi kaya ayaw na nyang hinahatid ko sya" saad ko at namula naman tong kapatid ko..
"Ate.. naman ehhh" nahihiyang sabi nito.. natawa nalang kami sa inasta niya..
"O sya.. magpatuloy na kayo"
"Bye ate.. bye Ate Jennie" paalam nya.. "Cge po mauuna na po kami" paalam din ni Aria.. Sinundan ko nalang sila ng tingin at nagpapasalamat sa Diyos dahil nagiging maayos na nga ito..
"Love let's go" paghila ni Jennie sa akin at nagpatuloy na rin kami..
"Love.."
"Hmmm"
"How many children you want" bigla nyang tanong kaya napatigil ako sa paglalakad..
"Jennie.. bakit mo naman yan natanong at isa pa ang bata pa natin para dyan" sagot ko dito.. nagulat kasi ako sa tanong nya eh ang bata pa talaga namin para magkaroon ng pamilya eh hindi pa nga kami nakakagraduate..
"I just want to ask," sagot nya..
"Jen.. wag na muna nating isipan yan ok.. atsaka nasa school tayo hindi ito ang tamang lugar para pagusapan yan" pagpapaliwanag ko.. nag aalala rin kasi ako kung paano ko ipapaliwanag na meron akong bagay na meron din sa mga lalaki..
"Ok" sagot nalang nya..
"Lisaaa!!" Siga ng sa likod ko pagtingin ko ay sila Jisoo pala..
"Kayo pala.. tara sabay na tayong pumasok.. teka nasaan si Bambam" pansin ko kasi na wala ito..
"Mahuhuli daw sya.. may dadaanan pa daw kasi" tumango tango nalang ako..
Habang naglalakad ay nagkukulitan ang dalawa sa harap namin.. at Todo pick up lines naman itong si Jisoo kaya yung isa ay ayun pulang pula na ang mukha.. natatawa nalang ako sa kasweetan nila..
Napatingin ako kay Jennie na todo pa rin ang hawak sa kamay ko.. Pansin ko kung pano magbago ang ekspresyon nya alam ko na naiinggit ito sa nakikita dahil minsan lang akong maging sweet sa kanya.. pero kahit na ganoon ay palagi nya pa rin akong inaasikaso at ang kapatid ko..
Tutal wala naman kaming pasok mamayang hapon ay yayain ko nalang syang lumabas mamaya... Naalala ko na hindi ko man lang sya niyayang kumain sa labas ni isa dahil mas pinagtuunan ko ng pansin ang pag aalaga sa kapatid ko..
Habang hinihintay ang prof namin ay kinausap ko ito..
"Jen" tawag pansin ko sa kanya.. at tumingin naman sya sa akin..
BINABASA MO ANG
Her Obsession (Jenlisa)
RomanceSa isang madilim na kwarto kung saan nakatayo ang isang magandang dilag at ang kukunting ilaw na nanggagaling sa isang lamp shade ang nagbibigay liwanag sa madilim na kwarto. Isa isa nyang pinagmamasdan ang mga litrato na naka dikit sa dingding, la...