Chapter 6: Tsismis

14 4 2
                                    

Dedicated to: Hinami-chaneu

After 3 months...

Lumipas ang mga buwan at naging abala kami sa trabaho sapagkat naging patok ang kanilang negosyo. Marahil mabulaklak ang mga salita ni Zac sakin noon pero pinanindigan niyang may nararamdaman talaga siya sakin kaya di siya nagsasawang ligawan ako at iparamdam saking may pakialam siya.

Papunta na sana ako sa ground floor para kunin ang mga files na papapirmahan ko kay Zac nang tawagin ako ni Ysa.

"Uy Maireeee!!!" umalingawngaw ang boses nito at napatingin sa gawi niya ang iilang empleyado.

"Yes Ysa anoooong atin?" bungad ko agad sa kanya.

"Bes maupo ka nga muna diyan. Chikahin mo nga ako hahaha." ayan na naman ang ngiti niyang yon.

Naupo ako saglit para kausapin siya para tumigil nadin ang bibig niyang armalite. Napakadaming tanong.

"Tungkol ba saan ang ikukwento ko," nagmamaang-maangan kong sabi.

"Sus ikaw talaga bes! Wala kang maipagkakaila sakin. Ang gusto ko lang malaman ay kung totoo ba ang chismis na nililigawan ka ni Sir LZ?" dire-direstong sabi nito.

"Ganito kasi yan kasi.

"Oo nililigawan ko siya. At paanong nakarating sa inyo ha?" boses lalaki ang nagsalita sa likuran namin at alam ko ang boses na yun.

Nagulantang si Ysa maging ako at naaligaga itong napatayo.

"Ay good afternoon po Sir. Sorry po kung natanong ko po yun kay Maire. Knina pa po ba kayo jan Sir. Sorry po kung tsismosa ko." napapayukong sabi nito.

"It's okay. Don't worry hindi kita bibigyan ng consequence sa ginagawa niyong pagchichikan on working hours but I insist sana wag na maulit pag nasa trabaho. Gawin muna ang mga dapat gawin. Okay back to work na. Maire asan na ang mga papeles na isasign ko?" malumanay nitong sabi.

Tumango nalang si Ysa kay Zac saka bumalik sa pagtitipa sa keyboard ng computer.

Agad naman akong nagkibit-balikat kay Zac at naunawaan niya naman ang ibig kong sabihing kukunin ko palang sa baba.

Sinamahan niya akong kunin ang mga files at nung nasa elevator na kami ay inaasar-asar ako nito. Mabuti nalang at wala kaming mga kasabay na empleyado kung hindi'y nakakailang talaga.

"Hindi ko pa nga inaannounce na I'm courting you nakadating na agad sa kanila. Hmm may tenga nga talaga ang balita." tatawa-tawa ito sa akin.

"Zac eh bat ka kasi andun. Girls talk kaya yun." asar ko pabalik sa kaniya.

Napatiim-bagang ito sabay tumawa.

"Working hours po kasi. Nagmamasid-masid lang ako tapos nadinig ko sa hallway boses ni Ysabel."

Napatawa ako bigla dahil totoo nga namang kahit malayo ka pa sa mismong area na may nagkukwentuhan ay madidinig mo na ang alingawngaw ng boses niyon.

After kong makuha ang mga files ay pinasign ko nadin agad yun sa kaniya.

Naging busy nadin kami dahil andaming upcoming meeting ni Zac.

🏵️🏵️🏵️🏵️

My schedule is so hectic kaya naman sobrang sakit na ng utak ko sa pag-iisip ng mga advertisement and to follow marketing strategies for the product. Mabuti nalang at nandiyan malapit sa kanan ko si Maire atleast I'm inspired in doing my job.

She's the type of a simple but very special girl. Kasi pag naiisip ko yung mga panahong natrapped kami until now mas lalong nadadagdagan yung nararamdaman ko sa kanya. Natutuwa ako dahil di siya pumapalya sa paghahatid sakin ng meryenda with the kopiko brand pala. I guess she's the cheerful one who will make your day happier than the rest of the years I've had. 

Naging seryoso man ako sa mga meeting namin and nakinig nang maigi sa mga reports ng ilang sales manager but my heart is pounding everytime mapapasulyap ako sa gawi niya para along nahihipnotismo at nababaliw sa mga sulyap at ngiti niya.

Nababaliw na ako sayo Maire!!!

🏵️🏵️🏵️

Hindi ako mapakali dito saking kinauupuan mga ilang metro mula kay Zac sapagkat after ng mg reports ng sales manager ay tingin siya ng tingin sakin tapos ngingiti. Baliw talaga toh sakin! Parang sira! Hahaha ggss tuloy ako. Ano ka ba Pat! Kumalma ka nasa trabaho pa. Mamaya ka na humarot sa kotse chour!!!

Natapos ang meeting after three hours. Nangawit ang pwet ko sa kakaupo.

Nang matapos ay pumunta na ako sa office ko at tumango naman si Zac. Sus kala mo talaga magkalayo eh pinagawan niya nga ako ng office malapit sa office niya. Ganun siya kabaliw sakin.

Pero bagaman andaming chismis sa office is wala akong pakialam sa kanila dahil totoo naman talaga. Yes ineenjoy namin yung courting stage namin tapos pamamanhikan na chour. Ambilis ng utak mo Pat! Advance mag-isip ganon?

Sa loob ng ilang buwan niyang panliligaw ay nadarama ko ang sinseridad at pagmamahal niya. Hatid-sundo ako palagi. Dinadalahan ako ng pagkain pag lunch para sabay daw kami tumaba. Tapos di siya nakakalimot magpadala ng 3 red roses a day sa cubicle ko kasi iloveyou daw everyday. Sobrang kilig ko nga palagi kaya hataw at magana ako lagi sa trabaho.

Hinahanda ko naman ang sarili ko para kung tuluyan mang magkahulugan kami ay handa ang puso ko. Matagal-tagal nadin mula nung pumasok ako sa relasyon  noon. Pero alam kong seryoso naman si Zac sakin at nadarama kong the best siya kesa sa mga naging ex ko. Kung di ka lolokohin, pagsasabayin ay iiwan ka ng walang dahilan.

Alam ko namang sinsero siya at hindi ko maipapagkailang nadadagdagan araw-araw ang nararamdaman ko.

Siya nga lagi ang nagbibigay saya sakin sa araw-araw.

Natapos ko na ang pagmumuni-muni ko kasabay ng pagtatally ng mga sales invoice and sales of the month.

Alas sais na pala. Hindi ko namalayan. Ganun talaga ako pag inspirado laging nakakalimutan ang oras at gustong magtrabaho magdamag.

Iba ka Pat! Hahaha dabest!

Ngumingiti akong iniligpit ang mga files saking mesa para makauwi na.

Maya-maya'y dumating na si Zac.

"Maire Tara na! It's 6 o'clock in the evening na masyado kang masipag magOT huh!" ngingiti-ngiti itong mokong na toh. Mang-aasar na naman.

"Well hindi naman sakto lang. Ikaw talaga." kinurot ko ang pisngi niya para ipakitang gigil ako. Hahaha landiiii! Hahaha

Tatawa-tawa kaming pumasok sa elevator at hinawakan niya naman ang kamay ko para along nakuryente na ewan. Di na ako nasanay. Super showy kasi talaga siya pagdating sa nararamdaman niya.

Maya-maya'y hindi na ata kuryente ang naririnig at nararamdaman niya. Naririnig niya at natawa siya ng malakas.

"My Maire Patricia is hungry. Let's eat later babe!" he chuckled while winking at me.

What the efff!!!!

Hindi ko alam ang irereact!

Mygoodnesss!!!

🏵️🏵️🏵️

"Don’t get so busy making a living that you forget to make a life."

bayuletprincess

AtelophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon