Dedicated to: rowelyn
Natatawa akong inakbayan siya pagkalabas na pagkalabas namin sa elevator. Natatawa parin ako sa kumakalam niyang sikmura.
Nung makarating na kami sa parking area ay inalalayan ko siya at pinagbuksan ng pintuan ng kotse.
"Thank you." she blushed.
"So where do you want to have dinner?" I asked.
"Sa fast-food nalang okay na siguro dun Zac." sagot nito.
"Sang fast-food? Are you sure? You don't want to go to any restaurant or other food stalls?
"Sa McDonald's nalang okay na ko dun magcrispy chicken ako hehe." tawang nahihiya niya sakin.
Kahit kelan talaga napakasimple niya at hindi mo makikitang mag-iinarte siya. Kaya naman habang tumatagal ay lalo ko siyang minamahal.
Dahil ayaw niya sa Popeyes,Wendy's at KFC sa McDonald's kami napadpad. Tinanong ko siya kung anong gusto niya at sinabi niya nga yung chicken meal nalang.
At dahil gusto ko magpapogi points and ayaw kong nagugutom siya. I ordered halos kalahati ng menu and also I ordered some stuff to make her happy .
Naupo na ako after kong makuha ang change and the crew told me na iseserve nalang.
Maya-maya pa'y dinagdagan ng crew ang table namin na nagpakunot sa noo ni Maire.
My girl is nagtataka.
Natatawa ako dahil andaming nilalapag na order ng crew at natatawa ako sa reaksyon ni Maire.
"6 pcs chicken ,4 extra rice, Two spaghetti,Two chicken burger,Bff fries,Two chicken fillet,Two mcfloat,Two mcflurry, and Two limited edition Hello Kitty stuff toy. Orders complete Sir." sabi ng crew sakin.
"Yes. Thank you." agad kong tugon saka tinuon ang atensyon sa babaeng mahal ko.
"Andami naman ng inorder mo parang may fiesta eh dadalawa lang naman tayo." nagtatakang sabi nito sa akin.
"Well if ever na hindi natin maubos then you'll take it home ayaw kong nagugutom ka."sinubuan ko siya ng fries para wala siyang masabi.
She enjoyed her meal though naiinis padin siya kasi anggastos gastos ko daw. Andami niya tuloy take home. Which I loved atleast diba may pangmidnight snacks sya where she can shared with Tita.
🏵️🏵️🏵️
Nasa kotse na kami at inihatid na naman ako ni Zac.
Naloloka ako kasi andami kong takeout parang may birthday. Kaloka talaga tong si Zac porket mayaman napakagastos. Pero deep inside kinikilig ako kasi sobra yung concern niya sakin. Kasalanan to ng sikmura ko eh. Hahahhaa.
Naihatid ako ng matiwasay ni Zac at nagpaalam muna siya kay Tiyang bago umalis.
Binanggit ko din kay Zac na may sasabihin ako sa kanya bukas.
🏵️🏵️🏵️
I never tried to have a better sleep after Maire told me that she will talk to me tomorrow. God what is it??? Holy Grail!
I'm so nervous kasi baka mabasted ako or what baka ano.
"Haynako Zac andami mong iniisip. Matulog ka na ngaaa!" sigaw ng utak ko.
I played a loud but instrumental song hanggang sa nakatulog ako.
Thank God my room is soundproof.🏵️🏵️🏵️
Maaga akong sinundo ni Zac although tingin kong hindi siya nakatulog ng maayos. Baka napuyat or baka may tinapos lang na paperworks.
After makadating sa office ay pinagtimpla ko na siya ng kopiko na kape dahil paborito niya na yun. Sinamahan ko nadin ng biskotso. Nabili ko yun sa panaderya ni Kuya Billy. Masarap yun sa kape eh.
Nang matapos akong ihanda iyon ay dinala ko na sa office niya.
"Sir Zac este Zac breakfast is ready." nginitian ko siya habang siya'y parang kabado.
"Thank you so much! I missed this coffee." humigop ito at papikit-pikit pa.
Kala mo talaga.
Maya-maya'y aalis na sana ako para bumalik sa cubicle ko kaso hinawakan niya yung kamay ko at itinabi ako sa kaniya.
"Maire can I ask what you will say to me. Remember yes ter day . . . " uutal-utal pa niyang sabi.
Maya-maya'y napangiti ako sapagkat nababatid ko na kung bakit ganoon nalang siyang parang hindi kaenergetic I'm sensing something huh hahaha.
Englishera ka ghorl! Pak!
Anyways ...
"Oh yung kahapon? May sasabihin ako pero kumain ka diyan nang hinanda ko para di ako magagalit. Ang putla mo kaya ayokong makita kang low energy. Kung kagabi ako binusog mo sa Mcdo ngayon kumain ka diyan." seryoso kong utos at agad naman siyang tumalima.
Humigop siya ng kape at tumitingin-tingin sakin, nag-aabang kung ano nga bang sasabihin ko.
"Well Zac its been how many months simula nung niligawan mo ako and I always feel everytime na nakakasama kita kung gaano ako kaespesyal sayo at nagagalak palagi yung puso ko ewan ko ba baka ginayuma mo ako." nakatitig lang ako sa kaniya at ganun din siya,kinakabahan. Napahigop bigla ng kape.
"So ayun I'm sorry kung minsan pasaway ako nor pinapagalitan ka kapag alam mo na pasaway ka din kasi minsan eh. Pero habang tumatagal hindi lang paghanga ko yung nadaragdagan. Nadarama kong lumelevel up yung pakikitungo ko sa'yo tsaka nararamdaman ko ding masaya ako palagi kapag kasama kita." tuloy-tuloy kong sabi habang nakatitig sa kaniya.
Aminadong kabado siya dahil bigla niyang hinagip ang kape at humigop doon mabuti't hindi siya napaso.
Nakikita ko ding sumusulyap siya sa biskotsong nasa platitong humahalina sa kaniya kanina pa.
Hindi ko nalang muna itunuon roon ang aking pansin bagkus tinuon ko sa gusto kong sabihin sa kanya.
"Zac ikaw yung lalaking papangarapin ninuman. Yung kikiligin maamoy palang ang mamahalin mong pabango. Ang mga salita mong nakakapagpalambot ng binti ninuman. Zac eto na ang desisyon ko after the time na naguumpisa palang tayong mag-kahulugan is never mong ipinaramdam sakin ang kakulangan ko sa buhay bagkus ipinaparamdam mo araw-araw ang halaga ko at ang mga pangarap kong minimithing abutin."
Dumampot siya ng isang pirasong biskotso. Natutuwa ako kasi nasasarapan siya. Best seller yun kala Kuya Billy kaya hindi ako mapapahiya sa hinanda ko.
Tahimik padin siya habang ngumunguya.
"Zac I'm madly in love with you. Zac Avanza salamat dahil ipinaparamdam mo sakin araw-araw kung gaano ako kaespesyal at kamahal-mahal. Salamat sa pagaantay mo at pagpupursigi.
Sinasagot na kita Zac at Mahal din kita." ngumiti ako sa kaniya pulang-pula ang pisngi ko di ko mawari kung gaano kapula pero biglang nabilaukan at naubo si Zac after kong sabihing mahal ko siya."Agad ko siyang dinaluhan at binigyan nang tubig.
Nang mahismasmasan siya'y bigla siyang yumakap sakin.
Bigla siyang natameme na akala mo inagawan ng kendi.
Napakasaya ko ngayon habang siya'y di padin makapaniwala.
Bigla siyang napasigaw Thank you Lord! Salamat Biskotso!
Humalakhak along napayakap sa kaniya.
🏵️🏵️🏵️
"Falling in love is like the rain .. It's unpredictable"
bayuletprincess
BINABASA MO ANG
Atelophobia
RomanceShe's a woman who says "The pain is there to remind me that I'm still alive."