Chapter 2

14 4 0
                                    

KEMP POV

Pagkatapos magbigay ng go signal ng emcee, nagkanya kanya ng takbo ang mga contestant papunta sa market area para kumuha na ng kanilang mga kakailanganing sangkap para sa kanilang recipeng gagawin. Binigyan lamang sila ng dalawang minuto. Bilisang galaw ang ginawa nila para makaumpisa nang magluto. Pero kapansin-pansin ang mabilis na kilos pero swabeng galaw ng isa sa kanila, di mo mapapansin sa kanya ang pagmamadali di gaya ng kaniyang mga kasama na mapapansin mong nagmamadali sa pagkilos. At mukhang pamilyar ang kaniyang pigura at pati na rin ang kaniyang maamong mukha, di ko malala kung saan ko siya nakita.

Ang criteria ng cooking contest ay dapat may skills ka sa pagluluto, bilis ng galaw sa pagluluto, malinis na area, walang nasayang na mga sangkap na ginamit,  natapos ng tamang oras, may magandang presentasyon sa iyong niluto para lang iyan sa unang criteria.

Ang pangalawang criteria naman ay para naman sa tamang lasa ng pagkain (measurements of ingredients, edible ingredients, a natural flavor), tamang luto ng mga pagkain (overcooked or half cooked), ang appearance ng pagkain (like the garnish of the food, color, food portion), at ang kalidad ng nilutong pagkain (the food quality).

May siyam na mga recipeng gagawin ang mga kalahok pero sa loob lamang ng binagay na apat na oras. Ang siyam na recipe ay dapat meron ng canapes, appetizer, sandwiches, vegetable salad, starch dish, soup dish, main dish, side dish and desserts. Lahat yan ay meron dapat, walang kulang ni isa para hindi matanggal sa naturang contest.

Nagsimula nang magluto ang mga kalahok. May naghihiwa na, may naghahalo ng mga sangkap, nagsimula nang maghanda ng gagamiting gamit, at ibang pa.

Lahat kaming mga hurado ay ino-obserbahan ang bawat kilos at galaw ng mga kalahok. Magagaling sila lahat pulido ang mga galaw nila sa pagluluto. Kung kanina halata mong may mga kabado pero ngayon hindi na. Pero isa lang ang nakuha ng atensyon ko yun ay ang babaeng swabeng ang mga galaw.

Mararamdaman mong tinsyunado ang mga manonood sa ginagawa ng lahat ng kalahok. At makikita mo rin sa mukha nila ang pagkamangha at bilib sa panonood.

"Nakakabilib talaga ang ating mga kalahok! Masyado silang pokus sa kanilang pagluluto. Makikita mo talagang pursigido silang lahat na manalo. Sa tingin niyo? Sino sa kanilang labing-lima ang makakapasok sa top 3 mamaya?" Ani ng emcee habang pinagmamasdan ang mga kalahok.

"NUMBER 3 KAYA MO YAN!!!"

"SI NUMBER 7 NA!!!

"LOVE U NUMBER 12!!!"

"GO! NUMBER 1!!"

"BEAT THEM NUMBER 5!!!"

"ANG GALING MO NUMBER 2!!"

"NUMBER 13 BABY KO!!!"

"IKAW NA NUMBER 11!!!"

"THE BEST NUMBER 15!!!"

"GOO!! NUMBER 6 & 9!!!!"

"GALINGAN MO NUMBER 4!!!"

"YOUR THE ONE NUMBER 14!!!"

"GANDA MO NUMBER 10!!!!"

Kanya-kanyang sigaw ng mga manonood para sa kanilang mga pambato. Naging maingay ang buong ground floor dahil sa kanilang sigaw para sa supporta sa kanilang pambato.

"TANGINA NIYO!!!! HINAAN NIYO BOSES NIYO!!!! MASAKIT NA SA TAINGA!!!! WALANGYA KAYO!!! "

Pagkatapos ng kanilang sigawan at ingay, bilang tumahimik ang buong lugar yung parang dinaanan ng anghel dahil sa sigaw ng isang manonood-------

"GOOOO ALI!!! GOO CAPTAIN!!!
NUMBER EIGHT BEAT THEM!!!!
YEAHHH!!! HOOOO!!!! CHIEF!!
GOO MOMMY ALI!!!"

Nilingon ko yong mga taong sumigaw sa making likorad kasi don't nanggaling. Tatlo silang mga lalaki na ka-edad ko lang, di ko inaakala na isa sa kanila si Mr. Yaxley tapos may kasamang batang babae na nasa edad 3-4 na nakisabay din sa pagsigaw nila na parang mga baliw.

Your Under ArrestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon