Kabanata 3

35 6 0
                                        

Hate

"Oh my gosh.." I grunt when I feel the sweat on my forehead and also in my back, para akong humiga sa kama ni Satanas dahil super init talaga ng umagang ito.

Imbis na matulog ako ng matagal ay hindi ko magawang dahil parang apoy ang higaan ko na dahilan para umupo nalang ako. Kinusot ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang kwarto na punong-puno ng mga lumang gamit.

"I thought it was just a dream.." I mumbled to myself as I look around. Kung noon ay mala-palasyo ang kwarto ko pero ngayon ay nandito ako sa isang lumang bahay na tinirhan ng daddy ko.

Ang dating aircon ko ay naging electric fan nalang, ang dati kong closet na ngayon ay isang aparador nalang. Ang mga maleta ko na nakalagay sa isang gilid na hindi pa naayos.

Nagulo ko ang buhok ko dahil sa nandito nga talaga ako sa Gloria at ito ang unang araw ko mismo dito. Fuck! Bakit ba pakiramdam ko ay urat na urat na ako dito?

Kinapa ko ang likod ko na medyo basa ng pawis maging ang noo ko, tinanggal ko ang kumot sa binti ko at nag-lakad patungo sa mga bintana kung saan ay mga puno ang nasa labas maging ang kalangitan.

"W-Wow.." manghang sabi ko ng tuluyan na ngang makita ang magandang tanawin sa likod ng bahay namin.

Ito ng tinutukoy ni daddy na pala-isdaan niya? Kung saan niya kinukuha ang mga produkto niya ay dito nanggaling, fuck! This is big na para bang ilang mansion ng puwede kong ilagay dito.

"Mayaman talaga kami.." humahangang sabi ko habang naka-ngiti.

Kitang-kita rin ang malaking bundok na ilang layo lang rin sa pala-isdaan namin, kung dito tumira si daddy ay bakit hindi niya man lang nagawang ipaayos ang bahay niya e' mayaman naman siya.

I sighed as I realized that I'm not in Manila, that I'm not in my world for two months. Para sa iba ay bakasyon ito pero para sa akin ay isang problema ito.

I'm not into this kind of place, it's really new to me cause all I can see is the big buildings in Manila and also the restaurant but here it's different.

Halos walang kang makikitang matataas na gusali tanging mga bukid, pala-isdaan at mga hiwalay-hiwalay na bahay ang makikita mo.

Mahina rin ang signal hindi kagaya sa Manila na halos sumabog na ang phone ko dahil sa mabilis na internet. Iba ang pamumuhay nila dito kaysa sa akin the reason why I said to my dad that it's a stupid idea to bring me here.

Teka, hindi ko pa siya natatawagan simula kagabi at sana naman ay maayos ang signal dito dahil gusto ko na talaga siyang tadtarin ng mga salita ko.

Kinuha ko ang bag sa phone ko at halos mapa-mura ako sa umaga ng makalimutan na na lowbat na pala ito. Padabog kong kinuha ang charger at nag-hanap ng masasaksakan, I can't deal with this kind of living e' kahit nga pag-manage sa fishery ay wala akong alam.

Chinarge ko naman ang phone ko at muling nag-libot sa apat na sulok ng kwarto ko, it's really vinatage and old looking that is not totally my style. Mas aayos ito kung mas malaki ang kama ko at may magandang closet, tss.

Masama ko namang tiningnan ang electric fan na pinag-tiisin ko mag-damag "Wala kang ambag, tss" sabi ko at pinatay ito pero mabuti nalang at pumapasok ang hangin sa loob ng kwarto ko dahil sa malalaking bintana.

Bigla namang may kumatok sa pinto na dahilan para kumunot ang noo ko, kung noon ay wala silang pakielam kung anong oras ako magigising pero ngayon ay gising na ang diwa ko dahil sa sitwasyon ko.

I opened the door and I almost close it when I saw the man who made me mad last night, siya talaga ang bungad ko sa fucking umaga ko?

He's already wearing a white t-shirt and black jogging pants, medyo fit sa kanya ang damit niya na dahilan para makita ko ang matipuno niyang dibdib. Hindi naman ako mag-papalinlang kung gaano kaganda ang katawan niya kung bagsak naman sa ugali, tss.

Falling Isle (Provincial Women Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon