II

18 2 0
                                    

Chapter II
{If There's no tomorrow}

II - may second chance ba na makita mo pa ang taong isang beses mo palang nakita?

One week ago after the festival

Hastine's POV

"whaaaa" hagulgol ko sa pag iyak dahil naiwala ko ang cellphone ko sa plaza last week.

"anong sabi sayo ng parents Mo?" tanong ni zed

"hindi na daw ako mag kaka cellphone ulit. Pang limang cellphone ko daw kasi yun e! Hyst!" hindi ko mapigilang mainis sa sarili ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayokong sumama sa ganon karaming tao.

"pero nag enjoy ka naman ata sa festival e!?" sabi ni josh

"teka nga, na try Mo na bang tawagan Yung phone Mo? Baka may mabuting tao ang nakapulot at sumagot kung tatawag ka" sabi naman ni tan.

Tumingin lamang ako sa kanila "Tama!" mabilis kong kinuha ang hawak na cellphone ni zed na kanina pa niyang ginagamit.

"wait lang naman ka chat ko pa si bimbim e!" reklamo ni zed dahil inagaw ko ito.

"bimbim?" sabay-sabay naming binanggit ito.

"bimbim means my loves! My jowa! My baby???" tinawanan nalang namin si zed dahil sa reaksyon ng kanyang mukha habang ine-explain sa amin ang meaning ng call sign nila nang kanyang girlfriend.

Okay. Ngayon tatawagan kona ang cel number ko na naka save sa phone contact ni zed.

(Phone's Dialing) "yess! Nag ri-ring" reaksyon ko sa sobrang saya.

"Hello" malamig na boses mula sa kabilang linya

"ahm. Hello kayo po ba ang naka pulot ng phone na ito? Ako po si hastine ang may ari ng phone" sabi ko

"okay! call me later I'm busy now"

end of call

"wtf. Pinatayan ako!" sabi ko habang nilalayo ang phone ni zed sa aking tainga.

Sawakas naman~ may pagkakataon pang ma balik ang phone ko, tatawagan ko nalang Siya ulit after class para makuha ko na din mamayang hapon at pasalamatan ang taong naka pulot nito.

" bakit kasi hindi Mo naisip tawagan noong araw na iyon!?" tanong sa akin ni josh, pero tama naman Siya bakit pinalipas ko pa ng isang linggo.

"sabi kasi ni kuya sa akin wala nang pag-asa, nandito tayo sa pilipinas at hindi na daw iyun isasauli." naniwala nalang ako sa sinabi ni kuya dahil bully talaga si kuya sa akin noon pa, hindi ko na naisipan tawagan ang phone ko noong araw na iyun. kaya, nitong bumalik na ang pasok namin sa school sa mga kaibigan ko lang sinasabi ang lahat.

Pero, Hindi sa sinasabi kong lahat nang tao may ganong pag-uugali. naka dipende parin talaga sa tao kung isasauli o hindi, gaano pa man ito ka mahal na bagay. Pera paman ito O materyales.

Awasan na at oras na para kami ay umuwi.
Hinintay ko talaga ang awasan kanina pa upang tawagan ulit ang phone ko. Nandito kami ngayon sa aming tambayan sa canteen kahit halos malapit na silang mag sara pina payagan kaming apat na mag tambay sa kanilang lugar, the table is always reserved for us. Dahil kilala namin ang may ari nito at dahil dito nag t-trabaho ang nanay ni zed, palagi kami inaasikaso ng nanay niya at madalas na may libreng pagkain.

My Senyorito SeichiiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon