IX

0 0 0
                                    

Chapter IX

Author's pov

Ikalawang linggo matapos makilala ni hastine ang mga senyor at ito ang araw para sa darating na pag takbo!

Sa dami ng mga estudyante sa Marcchand academy hindi mag pumayaw ang mga ito sa dami ng aktibidades para sa dadarating na election para sa mga SSG, gusto ng mga kamag aral ni hastine na siya ang maging representative ng kanilang baitang, subalit tumanggi Siya sa pag representa dahil may pinaplanong iba si hastine sa araw na ito. Plano niyang mag hanap ng trabaho bilang sideline niya upang matustusan ang pangangailangan niya sa pag aaral. Subalit, paano niya ipag sasabay ang mga ito kung siya ang gusto ng mga guro at kamag aral niya na tumakbo bilang grade 11 representatives.

Nag ka sakit kasi ang kanyang ina kung kayat nais nitong mag trabaho, isang fish vendor lang kasi ang ina niya sa palengke at wala naman ang kanyang ama dahil sa mindanao pa ito nag tatrabaho simula pa noong maka lipas ang limang taon at ang panganay naman ni hastine na kapatid na si Jethro ay nag aaral lang sa university at walang balak na mag hanap ng trabaho.
Mahal na mahal ni hastine ang nanay niya, hindi niya gustong makita itong napapagod sa palengke kung kayat siya ang tumutulong tuwing pag awas niya sa paaralan.

Sa ganda ng panahon ngayon habang nag lalakad si hastine papasok sa malaking gate ng kanilang paaralan, hindi mag pumayaw ang mga estudyante sa pag abot ng mga suppliers para sa mga tatakbo sa election. Gulat na gulat si hastine sa mga nakikita niya dahil sa nais ng mga ito na manalo, mga desperada at desperadong manalo sa posisyong kanilang nais.

Habang nag lalakad si hastine may isang lalaki na lumapit sa kanya, si Jayp Ninia.

Inabot niya ang papel at naka sulat dito na iboto Siya at tatak nito ang mukha niyang ganap ang pansin para sa atensyon ng lahat.

"Sana po iboto niyo ako bilang vice president sa darating na election. Hihintayin po kita sa gymnasium mamayang 3pm para sa speech ko, sana makarating ka. Salamat" sabi niya kay tine at marahang tumango bago lumipas ng alis

Walang namuo sa mukha ni hastine dahil hindi siya interesado. Hindi siya interesadong pumunta sa takay na gusto ng lalaki na lugar

Pumasok si hastine sa silid nila at agad na sumalubong ang kanyang kaibigan na si Yulo at sherille para alamin ang sinabi ni jayp Ninia sa kanya kanina.

"mag sitigil muna kayo pls, may iba akong iniisip!" hindi makausap si tine sa buong mag hapon at napansin ng dalawang kaibigan niya na maputla ang labi nito. Naging busy kasi ang schedule niya sa buong linggo habang ang lahat ng mga estudyante sa marcchand ay hindi mag pumayaw.

Ito ang mga gawain ni hastine sa loob ng ilang mga linggo,

paaralan

Gawaing Bahay

Trabaho

Hindi na siya tulad noong aktibo sa pag aaral at naging tahimik nalang siya sa loob ng silid tuwing may klase. Napapansin ito ng kanyang mga guro at ng kanyang mga kaklase lalo na sila Yulo at sherille na kanyang kaibigan. Napapansin nila na palaging pagod si hastine tuwing papasok sa school, kung hindi siya tulala natutulog naman kung minsan sa klase.

Isang beses nang oras na para sila ay mag tanghalian at si hastine ay planong mag tungo nalang sa palengke para mag trabaho dahil wala naman silang klase mamayang hapon at ang ganap lang mamaya sa school ay bibigyan ng pagkakataong makapag speech at mag bigay handa o oras ang mga kalahok sa eleksyon.

Habang siya ay naglalakad gawing kaliwa ng kanilang gusali naka salubong niya si Jayp Ninia sa tabi ng kalsada at hindi niya ito binigyang pansin, na nag wawalis ng mga dahong nahulog mula sa mga puno at tila nililinis ang paligid ng school habang may binibigkas na mga salita.

My Senyorito SeichiiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon