2

4.6K 119 54
                                    

Mother Earth 👩

June 10, 12:00 PM

Nak, ano?
Nakita mo na ba FB ni Ced?

Sinong Ced?

Yung anak ng Tita Elsie mo nga.
Yung sabi ko irereto ko sayo.

Push mo talaga yan, Ma?

Oo, nak. Nakausap ko na Tita mo.
Hinahanapan din pala ng girlfriend si Ced.
Sabi ko ikaw na lang. Magkasing edad lang yata kayo.

Sus, Mama.
Ayaw ko ng mga arranged marriage.
Madala na tayo sa nangyari kay Cheantal.

Di ko naman sinabi pakasalan mo agad, nak.
Boypren lang ba. Nang maranasan mo naman nak.
Napag-iiwanan ka na, eh.
35 ka na, di ka pa rin nadidiligan.

36 NA AKO, MA!

PERO BAKIT KA GANYAN????
MAMA BA TALAGA KITAAAA????
😖😖😖

Hhaha gusto na namin ni Papa mo ng apo.
Sige na nak, kahit apo na lang.

MAMAAAAAAA!!!! 😣
Di ko alam if nanay ba talaga kita o Mama-san.
Binubugaw mo ako!!! Child abuse. 😭

Ewan ko sayo, nak.
Oh, ito yung Fb nya.
I-add mo ah?
fb.com/ced.samaniego

Busy ako, Ma! 🙄
Wala ako oras sa ganyan.

Puro ka trabaho.
Sige, ako na lang magchat kay Cedric.
I-send ko pic mo ha?

1:45 PM

Nak!!!
Akalain mo yun gusto ka daw makilala ni Ced!
Hahahaha magkakaron na yata ako ng manugang!
Sabi ko kay Ced, i-add ka at nahihiya ka mauna.

2:12 PM

JUSKO PO KA, MAMA!!!
FAKE NEWS KA!!!
AYAW KO NGA KASI. 😭😭😭

Wag ka na maarte, Jamira.
Thank me later.
Luv u nak! 😘

Don't Forget About MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon