68

2.4K 116 36
                                    

Mother Earth 👩

December 20, 10:34 AM

Nak, dito na kami ni Papa mo sa Davao.

Okay, Ma. Pahinga muna kayo ni Papa.
Ang aga niyo umalis kanina.

Ok, nak.
Kaw ba paalis na rin?

Di pa, Mama. 1pm pa ako aalis pa-NAIA.
4PM pa flight ko pa-Japan.

Mag-iingat ka dun, ha?
Wala kang kasama pra alalayan ka.
Wag masyado maglilikot at baka mapano ka.
Pagdating mong Amerika, text mo agad kami ni Papa mo para alam namin nakarating ka maayos dun.
Sabihan mo rin si Cedie nang masundo ka sa airport.

Luh si Mama kala mo bata ako. 😔
Kaya ko naman sarili ko, Mama.

Aba, syempre kelangan mo mag-ingat.
Maselan pa yan sa lagay na yan.
Hindi lang sarili mo ang dala-dala mo, kundi pati ang anak niyo ni Cedie.

Hahahaha Mama bakit pag ikaw nagsabi talagang ramdam kong totoong-totoo na!

Aba'y anong gusto mo?
Di joke ang pagbubuntis, Jamira.
Umayos ka nga!

HINDI KASI MAMAAAA!!!
Ang ibig kong sabihin, mas ramdam kong legit!
Like magiging Mommy na talaga ako. 😍
Di pa kasi nagsi-sink in nang todo sa'kin.

6 weeks pa lang naman kasi.
Antayin mong lumaki pa yan,
ewan ko na lang kung di mo pa rin ramdam.

11:12 AM

Nak, sa totoo lang naluluha ako habang iniisip na magkaka-apo na ako sa'yo.
Kala namin ng Papa mo, tatandang dalaga ka na talaga.

HALA GRABE SIYA!!!
PERO MAMA AKO DIN AKALA KO
FOREVER ALONE NA AKO. 😭

Excited na kami ni Papa mo, nak.
Salamat at napagbigyan mo na kaming magka-apo.
Siguradong spoiled yan sa lolo't lola niya.

FEELING KO NGA!!! HAHAHAA!
Mas excited pa kayong mga grandparents
kaysa samin ni Cedric. Hahahaha!

Diyos ko! Laking tuwa at pasasalamat ko
sa batang iyan.
Alam mo ba, nak, malapit na tlga kami
sumuko ni Papa mo sa'yo noon.
Pero buti na lang at dumating si Cedric sa buhay mo ulit.

Ha? Ulit?
Tanda mo pa siya na ka-batch ko
noon hanggang HS?

Oo naman. Mula yata elementary ka,
nagpapaalam na iyan na liligawan ka.
Nawala lang nung college kayo.
Kaya di ko rin talaga yan makalimutan.
Siya pa nakaisip na ireto ko daw siya sa'yo.
Biruin mo't patay na patay sa'yo.

WEEEEH????
BAKA NILOLOKO MO LANG AKO MAMA 😱

Oo nga! Ba't ayaw maniwala?

LUUUUH HUHUHUHU
MAMA!!!! BAKIT SIYA GANUN? 😭

Mahal na mahal ka ng isang yun.
Kung ako sa'yo, nak, wag mo na pkawalan pa.
Bibihira ang ganyang lalaki na mula noon hanggang ngayon, iisa ang babaeng mahal na mahal.

Botong boto ka ah!
Kaya siguro di ka na umangal
nung sinabi namin na buntis ako. 🙃

Aba eh wala naman nang maipipintas kay Cedric.
Talagang gusto ko siya para sa'yo.
Kaya wag mo na pakawalan, nak.

Hindi na talaga Mama! 😍
Pang-forever na talaga 'to.

Don't Forget About MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon