9

3K 112 28
                                    

Messenger

Cedric Samaniego

You and Cedric aren't connected on Facebook

July 22, 2029 AT 7:11 PM

Hi! 👋

Hoy, uso matulog!
Ano ka bampira?

Good evening din sa'yo, Jamie.
Ang gwapo ko namang bampira? 🧛‍♂️

Good evening din.
Seriously, natutulog ka ba?
Bakit parang 24 hours kang online?

Ang sweet mo naman.
Concerned ka pa talaga sa sleeping habits ko.

Eh kasi naman mula pagkagising ko kanina hanggang sa pag-uwi ko galing trabaho, nakikita kitang online dito.

Wow, binabantayan mo ba ako? 🤭

Harhar.
Saya mo no?

Hahahaha! Tama nga si Tita Gigi.
You're one interesting woman.

Jusko, mahabagin.
Na-brainwash ka na talaga ng nanay ko. 😥

I'm fully capable of deciding on my own, thank you very much. 😌

Pssh, okay lang naman umamin.
Di ako magagalit, srsly.
I know how pushy my mom can get.
Alam ko kinukulit ka niya na i-chat ako.
Di kita isusumbong kay Mama,
so you can quit talking to me if you want.
Alam ko namang busy kang tao.

Haha! Kulit mo rin, 'no?

Luh, mama ko makulit. Hindi ako.

E di mana ka pala sa mama mo?

Hay ewan ko sa'yo.
Matulog ka na nga, bampira. 😫

Masyado pang maaga dito para matulog ako.

Ay, oo nga pala, wala ka sa Pilipinas.
Nasaang lupalop ka ba ng Earth
at anong oras na diyan?

It's currently 7:24 AM here in Tampa, Florida.

Ahh, okay. You're getting ready for work?

Nasa trabaho na ako, actually.

Ha? Nasa trabaho ka na pala, eh!
Mamaya ka na magchat huy!
Di ka ba mapapagalitan ng boss niyo?
Ay ikaw pala yung boss, no? Hahahaha!

May free time pa naman ako bago talaga magsimula yung trabaho ko. Nilulubos ko lang din kasi ilang araw din bago kita makausap ulit.

Asus, if I know tuwang-tuwa ka
kasi may excuse ka na hindi magchat sa'kin.
Hindi ka na rin kukulitin ni Mama.

May nanggo-ghost bang nagpapaalam? 🤔

Promise, di ako magagalit kung
di mo na ako kakausapin after nito.
Hindi rin talaga kita isusumbong kay Mama.

Grabe ka naman sa'kin, Jamie. 😔
Bakit ayaw mong maniwala na I genuinely want to talk to you?

Baka nga kasi napipilitan ka lang.

I promise, hindi ako napipilitan lang.
I'm interested in getting to know you more.

Nakakadala na kasi yang mga ganyang linyahan. 😑

Ibahin mo ako sa kanila.
Mawawala lang ako ng ilang araw kasi babiyahe na kami mamayang gabi, pero I'll message you once I can.

Hmp, di na lang ako aasa.
Baka talkshit ka, eh.

Hahahaha! Paano kapag nag-message nga ako?

E di wow! Di ka paasa.

Hmm, can we have a deal?

Ano naman yan?

Kapag hindi na kita ulit kinausap, ipakulam mo na lang ako.

Hahahahaha! Ay, us2 q ean. 👉👈

You're so adorable, Ms. Licauco. 😂

Of course! 😏
Eh, kapag kinausap mo ako?
Anong reward nun para sa'yo?

You'll have to go on a date with me pagbalik ko ng Pilipinas.

😳

Oh, natulala ka na diyan?
It's a deal, okay?

Matagal pa naman siguro 'to, no?
Next year ka pa naman siguro babalik dito.

We're on the last leg of our voyage, Jamie.
I'll see you in few month's time. 😉

July 23, 2029 at 6:46 AM

Hi, Jamie. Good morning! 😁
I just want to say paalis na kami in a few hours.
I'm gonna be busy, so I'm giving you a heads up ngayon pa lang. Baka hindi na ako makasagot sa messages mo. Talk to you in a few days, Ms. Licauco!

Bon voyage, Cedie ang Munting Prinsipe!

Aga mo magising, ah?

May trabaho mamaya.

Okay, ingat ka!
Yung deal natin ha? Wag mo kakalimutan.
Wag mo ako masyadong mamimiss! 😉

Heh! Kapal ng mukha mo!
Sino ka ba? 😒

Baka lang naman future husband mo...
Sabi ng Mama mo at ng Mama ko. 😌

HOOOOOOOY?!?!?!?!

Later, babe. 😉
Seen 7:00 AM

Don't Forget About MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon