Yvann Cedric Anong sa'tin? Bakit may pagbuo ng pangalan?
Nagbackread ako ng conversations sa Facebook.
Congrats! Sana all madaming time
Hindi mo ba itatanong kung anong conversation?
Hmm, sige, anong conversation?
Yung group chat niyo. Titos and Titas of Alabang.
Uhm,okay. Anong meron dun?
Nabasa ko yung sinend ni Abby na screen shot.
Maraming sinesend na screenshot si Abby dun.
Hmm, I know you know what I'm talking about. Is it true? Ikaw mismo nagsabi nun?
Ang alin ba?
That you like me? You find me "Gwapo, successful, mayaman, mabait, very funny, very sexy, very appealing, very hot."
Ahhh, yun ba? E di wow. Saya ka naman?
Seryoso ako. Ikaw talaga nagsabi nun? Na gusto mo rin ako.
😵😵😵
7:39 AM
Jamie?
Nabasa mo naman na di ba? It is what it is.
Gusto ko marinig mismo galing sa'yo.
Huhu di na ako makakalusot dito 😩 Fine! Hmp!
8:01 AM
Babe?
Teka, humuhugot lang ng lakas!
Okay, take your time. I'm willing to wait. 😘
Hmp!!!😫 Ito na, aamin na nga ako! Hindi ko naman na rin made-deny.
8:15 AM
Gusto kita, Ced. Hindi ko inexpect na magugustuhan kita ng sobra. Kasi sa utak ko, nakatatak na pinipilit ka lang ni Mama.
Sooner or later, makakalimutan mo rin ako. Lalo na kapag umalis ka na ulit.
Pero ewan ko anong ginawa mo sa'kin. Slowly, na-realize ko na okay ka naman pala. More than okay pa nga, eh! Masaya kang kausap. Enjoy kang kasama. Gentleman ka, mabait ka sa kapwa.
Hindi ako yung tipo ng babae na may standards pagdating sa lalaki.
Ang gusto ko lang naman is yung kaya akong pasayahin at papahalagahan yung oras na magkasama kami, yung maipaparamdam sa'kin na importante din ako sa kanya at na mahalaga din sa kanya yung mga mahal ko sa buhay.
And you never failed me in that aspect.
Sorry if pinagtatabuyan kita noon. Ayoko kasing ma-attach talaga. Kasi ngaaa, baka di ka naman seryoso. Basta, ang dami kong what ifs sa utak ko. Nasanay na rin siguro akong biglang naglalaho parang bula yung mga lalaking nagsabi na gusto nila ako. Haha. Mga paasa.
First time ko to na susugal sa isang tao kahit sobrang natatakot ako. Sana di ako magsisi sa huli.
And yes, this is me telling you that I really like you, Yvann Cedric Samaniego.
Fuck. 😳 Can I hug you?
Sige, mamaya kapag nagpunta ka dito.
Pwede kiss din?
Ha? Anong sinasabi mo diyan?
Kung pwede kiss kasama nung hug pag andyan na ako?
Kiss mo mukha mo. Hug lang. Dalagang Pilipina pa rin 'to, 'no. 😌
Hmm. Pwede ko na ba i-claim yung hug?
AGAD AGAD????
Kanina pa ako nandito sa labas ng bahay mo. 😁 Di ako mapakali sa nabasa ko kagabi kaya dumiretso ako dito pagkagising.
SERYOSO KA BA??? AAAAAHHHHHH!!!! BIGLA AKONG TINUBUAN NG HIYA SHUTA
I can see you peeking. 😉 Pwede mag-request?
ANO?
Pwede ko rin ba marinig in person yung confession mo?
PUTA!!!!!!
Ikaw, ang ganda ganda mong babae pero dumi ng bibig mo. Hahahahaha!
Ano, turn off ka na? Ge. Bye!
Hahahaha you're so cute, sunshine.
Tse! Bahala ka diyan. Maliligo na ako.
Let me in, babe. 😉
MANYAK KA! SINABI KO LANG MALILIGO AKO GUSTO MO NA PUMASOK?!
Hay, this girl. Pati isip mo yata nakulayan na rin ng mint green. 🤭
Wag mo nga ipaalala yang mint green! 😂
Hahaha! Papasukin mo na ako, babe. Promise, di kita papasukin sa banyo habang naliligo ka. May dala akong breakfast. Ipaghahanda kita para kakain na tayo after mo maligo.
Bakit parang diskumpyado ako sa'yo?
Babe, ikaw na nagsabi gentleman ako. Wala ka bang tiwala sa'kin?
WALA!!!
•
INSTAGRAM
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.