Five

10 1 0
                                    


"HOY MISS!! PUTA ANONG GAGAWIN MO??!!!!"

______________________________________________________________________________________________________________

SHE

Tatalon na ako mula sa mataas na gusaling to, kahit may sumigaw sa likod ko. Pero bago pa ako mahulog may humawak na sa kamay ko at yumakap sakin ng mahigpit.

Sobrang higpit.

Parang ayaw niya ako pakawalan.

Sobrang higpit na parang ayaw niya ako mawala.

Nung mga oras na yun, wala akong maramdaman deretso lang ang tingin ko. Lutang ang pagiisip ko. Hanggang sa nakaramdam ako ng sakit. Kakaibang sakit na sobrang sakit. Parang pinipiga ang puso at lalamunan ko parang pinupukpok ng martilyo ang baga ko.

Para na mang buhos ng ulan ang mga luha kong sunod sunod na bumabagsak. Humagulgol ako sa lalaking nakayakap sa akin. Kanina pakiramdam ko sobrang saya ko na, pero ngayon hindi ko na alam kung dapat ko pa ba ulit maramdam yun. Hindi na ako makahinga ng ayos dahil sa pagiyak ko ng todo, hindi naman tumigil sa pagpapatahan ang lalaking nakayakap sa akin ngayon.

Hindi ko siya kilala.

Pero niligtas niya ako.

"i'm here, you're safe andito na ako"

Binalot niya ako sa mga bisig niya, umiiyak ako habang sinusuntok ko ang balikat niya. Gusto kong isigaw sa kanya na "SINO KA BA?" "TANGINA BA'T MO PA AKO PINIGILAN?" "ALAM MO BA ANG NARARAMDAMAN KO?!" "TANGINA MO!!"

Pero masakit na ang lalamunan ko at napakabigat na ng paghikbi ko kaya kung magsalita man ako malamang hindi niya rin maiintindihan.

Wala namang nakakaintindi e.

Ilang minuto kaming nakatayo at magkayakap dito sa rooftop bago ako tumigil sa pagiyak, pero hindi ibig sabihin na tumigil na sa pagbagsak ang mga luha ko ay tumigil na rin ang sakit na nararamdaman ko. Walang nagsasalita sa aming dalawa pero magkatabi kami ngayon na nakaupo habang pinagmamasdan ang mga ulap na nagbabadya nang malakas na pagulan.

Wala kaseng mga bituin.

Nakatulala ako ng marinig ko siyang bumuntong hininga bago nagsalita.

"tanga ka ba? Ba't mo ginawa yun? Ba't mo gustong gawin yun ha?"

Ano bang pake niya?

Hindi ako sumagot, hindi ko siya tinignan. Wala akong panahon para magkuwento sa isang taong alam kong hindi naman ako tutulungan pasanin ang bigat na nararamdaman ko.

Nanatili akong tahimik at walang imik pero nagsalita ulit siya.

"hindi mo pa nga nababalik yung panyong pinahiram ko sayo tapos magpapakamatay ka?"

At dahil sa sinabi niya napatingin ako sa gawi niya, siya naman itong nakatingin at nakatulala sa kawalan. Kumurap sya ng ilang beses bago nagtama ang mata naming dalawa tapos nagsalita uli siya.

"yung kotse ko? Tatakasan mo?"

At yun ang gabing hiniling kong sana hindi na nangyari.

R O O F T O PWhere stories live. Discover now