One

15 1 0
                                    

SHE

"felicity ayusin mo trabaho mo tutulog tulog kase e"

Bulyaw sakin ni prof. Nang biglang magseizure yung pasyente ko sa kanya gusto kong sumagot sa kanya kaso nakalabas na siya ng locker namin.

Bakit kaya hindi ikaw yung umasikaso sa mga pasyente mo? Nagrereview ako para sa board exam o malamang kulang sa tulog, hindi pa naman ako totoong doktor dapat nga ginaguide mo ako hindi yung inuutusan mo akong parang aso!!!!!!

"okay lang yan ity, tuloy mo nalang pagrereview mo mas mahalaga pa yan kesa kay prof."

Nakangiting sabi ni nurse emily sakin nginitian  ko naman siya at kinuha na uli ang libro na kakailanganin ko sa pagrereview.

Pagkauwi ko sa apartment na tinutuluyan ko nagpalit ako ng damit at kumuha ng biscuit sa ref tyaka bumalik sa sala para basahin ang mga nakabalandrang mga libro sa harap ko.

Pagod ako pero para sa pangarap hindi ako susuko.

Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang calendar para tignan kung ilang araw nalang bago magboard exam paubos na ng paubos ang araw ko. Pero sa tingin ko naman kaya kong makapasa kahit hindi na topnotcher basta mabasa ko lang ang pangalan ko sa mga nakapasa ayos na ako.

Napatitig ako sa phone ko ng makitang apat na araw nalang bago magboard, excited na ako na kinakabahan kase halos pitong taon ko to pinaghirapan at magiisang taon na rin ako naghahanda para sa araw na ito.

Makakasama na rin ako sa tinaguriang clan of the doctors ng pamilya namin hindi na ako makapaghintay na mapakita sa kanila ang sarili kong nakasuot ng uniporme ng mga doktor habang dala dala ang apelyido ng angkan namin.

Ang saya siguro marinig sa kanila na binabanggit ang pangalan ko na Doc. Felicity Miller ayiiieeee excited na talaga ako.


__________________

Give it to me

__________________

R O O F T O PWhere stories live. Discover now