Two

12 1 2
                                    

SHE


List of Passers
Althea fatallo
Alleya jasmine primavera
Ash brizuela
Arianne mendoza
Arlene santos
Aeya gonzales
Airlayne gomez
Axl natividad
Benj eric payo
Benedict losanagad
Benie fowler
Benjie falcon
Bonie grande
Barley homer
Ben gizmo
Bea dominez
Catherine gonzaga
Cat kimono
Denise montes
Dori gonzales
Dean romero
Ericka joy cemanes
Ej balbaboco
Faith pagasa
Faye ginemez
Felix more
Felicia fabregas
Finn jonas romero
.................
................
...............
..........

Wala ang pangalan ko.

Naglalakad ako ngayon pabalik ng apartment na pinipilit na ipitin sa mga mata ko ang mga luhang gustong gusto ng lumabas bawat paginit ng aking mga mata pinupunasan ko ito agad para hindi na tumuloy pang bumagsak ang crystal na tubig galing sa puso ko. ilang beses na ba ako tumingala wag lang bumuhos ang daang daang luhang gustong kumawala. Hindi ko na mabilang pa

Hindi ako makapaniwala na mangyayari to.

Bakit?

Anong mali sakin?

Anong problema at kahit manlang sa mga nakapasa walang pangalan ko.

Walang Felicity Miller.

Baka nakalimutan lang?

Baka...

Baka..

Bak...

Ba..

B

.

Napaupo nalang ako sa sahig at napayuko dahil hindi na kinaya pa ng mata ko na pigilan ang mga nagiinitang luha na dumaloy patungo sa mga pisngi ko. Wala na akong pake kung ilang tao ang nakakakita sakin wala na akong pake kung ilang tao na ang dinadaanan ako at nagtataka kung bakit nakaganito ako

Wala na akong pake.

Nang makarating ako sa bahay nilibot ko ang mga mata ko tinignan ang mga nakadikit sa pader na kung ano ano na may kinalaman sa pagdodoktor ko. Ayoko dito. Ayoko makita ang mga yan. Alisin niyo ako dito. Hindi ko kayang makita ang mga yan na nandyan.

Binitawan ko ang bag ko at dumiretso sa lugar na alam kong walang makakakita sakin, sa lugar na walang magtataka kung bakit ako umiiyak, sa lugar na walang manghuhusga kung bakit ako ganito ngayon.

Sa lugar na malalabasan ko ng nararamdaman ko.

Rooftop.

Maaliwalas ang hangin, tanaw mo ang ilaw ng mga naglalakihang gusali pero mas gusto kong tinignan ang mga kumikinang na maliliit na ilaw sa itaas na sinasabayan ng liwanag ng buwan.

Mas gusto kong tignan ang langit. Makipagkuwentuhan sa mga bituin makipagtitigan sa mga ulap at makiiyak sa buwan.

Ngayon ako lang. Sarili ko lang. Ako.

Ang langit lang ang nakakasaksi sa tunay na ako ngayong gabi sinisinagan ng liwanag ng buwan at kumikinang ang repleksyon ng bunga ng pagiyak ko ang mga luhang pinakawalan ko na.

Ngayon hindi na ako nahihirapan na ipunin ang sakit na nararamdaman ko ngayon nakakahinga na ako ng maluwag dahil hindi ko na pinipigilan ang sarili ko, ngayon malaya kong naipapahayag sa mundo na naghihinagpis ako malaya ko nang naipapakita sa napakalaking mundo na ito na masama ang loob ko.

R O O F T O PWhere stories live. Discover now