Eight

4 1 0
                                    

SHE

"KRRRIINGGGG KRRRIIINNNGGG!!!!"

Nakakunot ang noo ko at medyo nakapikit pa ng marinig ko ang ringtone ng phone ko kinapa ko ito sa tabi ng unan ko at tinignan kung sino ang tumatawag pinatayan ko naman siya ng malaman kong si yoongi pala.

Aga aga nangingistorbo.

Babalik na ako sa pagtulog kaso tumunog ulit kaya napamura nalang ako bago sinagot ang tawag.

"ano ba yun ha?"

"gising ka na?"

Kalmado ang boses ng kausap ko yung tipong hindi pa bumabangon at tinawagan lang ako pagkagising na pagkagising niya.

Tumawa ng mahina si yoongi bago nagsalita ulit.

"nagising ba kita?"

"ano sa tingin mo?"

"sorry na lutuan mo kong almusal dali nagugutom na ako bukas na yung pintuan don't worry"

"ano ka? Bata? Lumpo? Pilay? Walang kamay? Ha?"

"dali na"

"putangina"

"Edi wag! Wag na! Wag ka na pumunta dyan ka nalang"

End Call.

Bigyan niyo nga ng napkin yung isang yun.

Tamad akong bumangon sa higaan ko at tyaka naglakad na parang zombie papunta sa cr naghilamos ako at nagpalit ng long sleeve bago kiniha ang phone ko tyaka dumiretso na papunta sa nirereglang kapitbahay kong lalaki.

Pinihit ko ang doorknob tyaka pumasok ng hindi naman nakalock ito. Nadatnan ko si yoongi na nakadapa sa sofa niya at nakapikit parang kakabalik lang sa pagtulog. Hindi ko na siya pinansin pumunta nalang ako sa kusina at naghanda ng almusal ng hinayupak na to.

Nagsalang na ako ng rice cooker at nagpainit na ng pan para sa lulutuin kong pancake habang pinapainit ang pan tinignan ko muna ang mga pictures na kinuhanan ko kagabi.

Nanlaki ang mga mata ko at napangiti ng makita ang mga selfie ng bangtan. Sabi na e parang may gumalaw sa cellphone ko pero okay lang naman.

Napatigil ako sa isang picture na nadaanan ng mga mata ko nawala ang ngiti sa labi ko ng clinose up ko ang mukha ni yoongi na katabi si jimin. Napatulala ako kase pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko.

Ang lakas nito parang kayang marinig ng buong mundo, dumadagundong, yumayanig, naguunahan sa pagtibok, bumalik lang sa reyalidad ang pagiisip ko ng may magsalitang lalaki sa gilid ko, tinignan ko siya.

"ba't nandito ka?"

"bakit ayaw mo?"

"hindi kala ko di mo na ako pupuntahan e"

Tumalikod ako dahil hindi ko mapigilan ang pagngiti ko. Hindi ko na siya pinansin hanggang sa lumabas na siya ng kusina. Pagtapos ko magluto ng almusal para sa aming dalawa pinuntahan ko na siya sa sala inalis ko ang mga lata ng beer na walang laman at dineretso sa basurahan.

R O O F T O PWhere stories live. Discover now