Malakas ang simoy ng hangin ngayon at talaga namang maganda at makinang ang lugar na dinaraanan ko hindi ko lubos maisip na ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang lugar sa mundong ito.
Sa sobrang pagkamangha ko sa bawat bahay na madadaanan ko eh di ko namalayan
" Aray! nako naman ineng tumingin ka nga sa dinaraanan mo hindi yung para kang tanga dyan na tingin ng tingin sa mga bahay bahay dito siguro magnanakaw ka noh? talamak pa naman ang ganon dahil pasko" mahabang litanya sakin ng matanda.
" Nako nay hindi po ah namangha lang ako dahil ang liwanag po dito at nakakagaan sa pakiramdam ang simoy ng hangin"
" Ang dami mong sinasabi makaalis na nga tse!"
Nakakainis naman yun pinagkamalan pa kong magnanakaw sa ganda kong to? jusmiyo! makauwi na nga.
Habang naglalakad uli ako naabutan ko si totoy na nasa labas ng bahay, actually hindi nila ako tunay na anak kasi napulot lang ako sa tae ng kalabaw heheheh ewan ko ba bat don ako banda hinulog may kasalanan kasi ako bat napunta ako dito tahimik lang kayo ah hehe
"ate batit nakayulala ta daan?" sabi ni totoy na nabubulol pa, 7yrs old na sya pero bulol pa din ewan ko ba sabi nya bat nakatulala ako eh iniisip ko nga yung pangyayareng kinaiinisan ko yung tae huhuhu
" bat nandito ka sa labas? diba sabi sayo ni nanay na wag kang lalabas pag wala ako o ang kuya andrei mo? makulit ka talaga tara na sa loob jusko ka" panenermon ko sa batang makulit na to
"oh pilia? bakit nasa labas pa kayo? pumasok na nga kayong dalawa"
"eh ma ito kasing si totoy pasaway nagagaya na sakin ayaw maglaro sa loob ng bahay" nakabusangot kong sabi
" wag ka ng bumusangot dyan at pumasok ka na para makakain na tayo pauwi nadin ang papa nyo kasama ang kuya andrei nyo kaya wag na kayong makulit lalo ka na pilia"
"opo ma"
Kung nagtataka kayo pilia talaga ang pangalan ko what i mean is (umeenglish ako noh muwahahaha) ito na nga magpapakilala nako!
Ako nga pala si Annie Pilia Cruz, 16yrs old at nag aaral ako sa public school ang Pedro Jose Highschool bilang 2nd yr hs.
"Piliaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!"
Galit na naman si mama jusme.
____________________________
AN:/ Sana po suportahan nyo ang unang kabanata ng story ko hindi pa po ako pro hehe bago palang ako kaya sana po magustuhan nyo!
YOU ARE READING
8 Different Types of Love
RomantikMagagawa kaya ni Annie na mamuhay sa mundo ng tao at magpapalit palit ng katauhan? Magagawa kaya nyang ipamulat sa mga tao ang kahulugan ng pagmamahal? Hindi lamang sa pamilya,kaibigan maging ang klase ng pag ibig na mararanasan ni annie sa isang t...