________________________________________________________________________________________________
Tumatalon talon at umiikot-ikot ako sa ilalim ng ulan kasama ang aking mga kaibigan. Wala akong nararamdaman ngayon kundi ang saya dahil kasama ko sila lalo't higit ang lalaki na aking pinaka-mamahal.
"Dex" pabulong kong sambit sa kanya
Napalingon naman agad sya sa akin at dahan dahang hinaplos ang aking pisngi."Mahal Mahal kita Iya" malambing nyang sabi na dahilan ng pagkatunaw ng puso ko. Nginitian ko sya at sinabing "Mahal na Mahal din kita". Nagtama ang aming mga paningin at sa isang iglap at hindi ko na mawari kung ilang sentimetro nalang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa. Napapikit na lamang ako pero agad ding napamulat.
"Iya!" Malakas na tawag ni Tana. Si Tana ang bestfriend ko. Napatingin naman ako sa kasama nya si Ina. Sila ang matatalik kong kaibigan simula pa ng pagkabata.
"Bakit ba?!" Pasigaw ko ring tugon. Kung makatawag naman kase parang gumawa ako ng napakabigat na kasalan pero keri yan sanay na eh.
Patakbo akong lumapit sakanya nadapa pa ako ng bahagya pero agad din akong naalalayan ni Dex."Salamat" sambit ko. Tinanguan nya naman ako.Nagpatuloy nalang ako pero sa pagkakataong ito ay lumakad na lamang ako dahil baka mamaya ay mas malala pa ang abutin ko kung tatakbo na naman ako.
"Bakit ba?" Singhal ko sakanya
"Anong "bakit ba?"" Pag-gaya pa nya sa akin at hindi pa nakuntento ang loko, inirapan pa ako.
Ito talagang babaeng to napakataray walang naman ginagawang masama sa kanya o baka dahil wala lang syang lovelife kaya ganyan.
"Tara na kase" singit ni Ina.Nagsimula na siyang maglakad papalayo"Ano tara na?" Napatingina ko sa likuran ko matapos magsalita ni Dex. Tanging tango lamang ang naitugon ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang mood ko ngayon kaya maski ako ay nagtataka sa sarili ko hindi naman ito dahil sa pagtataray ni Tana dahil nasanay na ako sa kanya...
Itinigil ko na ang pag-iisip at nagsimula ng maglakad kasabay ni Dex. Nauna na sina Ina at Tana palagi silang ganyan pag magkasama kami ni Dex sila na ang humiwalay kapag narito sya. Pinagmamasdan ko silang dalawa habang naglalakad pero may itim na tao ng humara sa aking paningin.
Agad akong napahawak sa bisig ni Dex "D-Dex" natutuliro kong sambit.Hinawakan nya ang aking kamay na nakakapit sa kanya at hinaplos iyon upang ako'y pakalmahin.
Tiningnan ko ang taong nasa harapan ko ngayon ngunit hindi ko makita ang kanyang mukha kaya mas lalo akong natakot. Sumulyap ako sa direksyon ng mga kaibigan ko ngunit wala na sila at siguradong nauna na.
Nangangatal na ako sa takot nang magtanggal ng saklob ang lalaki at unti unti nitong iniluwal ang kanyang mukha.
May kung anong kirot ang naidulot nito sa aking puso ngunit hindi ko naman alam kung bakit.
"T-thor" nahihirapan kong usal. Nagulat na lamang ako sa nasabi ko dahil nasisiguro kong ngayon ko lang nakita ang lalaking ito hindi ko rin sya kilala at maski ang pangalan niya ay hindi ko alam pero isa lang ang nasisiguro ko nasabi ko ang kanyang pangalan ng mula sa puso.
"Iya tara na" biglang sabi ni Dex.Hinatak nya kaagad ang aking kamay na nakahawak sa kanya at dali daling naglakad ngunit hindi paman kami nakakalayo ay nahuli na ng lalaki ang aking palapulsuhan.
Agad na nabuhay sa aking loob ang matinding kaba.Unti-unti akong humarap sa kanya pero pilit parin akong hinihila ni Dex upang makalayo.
"Sandali lang Dex"saad ko
"Iya tara na! , hindi natin sya kilala!" May bahid ng inis na sabi nya
"Sandali nga lang!" Sigaw ko at binalingan ang lalaki. " Ano bang kaylangan mo?"."Mahal kita Dainihya. Mahal na Mahal. Hindi ko kayang wala ka pinilit ko pero nabigo ako.Patawarin mo ko sa mga nagawa ko .Ang lahat ng yon ay may dahilan kung bakit ko nagawa. Nais ko sana na hayaan ka nalang na maging masaya sa piling nya" sabay sulyap kay Dex "Pero alam ko sa sarili ko na may kulang" tiningnan nya ako ng diretso sa mata. ".At i-ikaw yon" malambing nyang sabi at tumalikod bago nagsimulang maglakad papalayo.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung maniniwala ba ako sa sinabi nya o hindi pero kanina kitang kita ko ang sinseridad sa mga mata nya.
"Iya" nag-aalalang bulong ni Dex at iniabot sa akin ang puting panyo , hindi ko na namalayang lumuluha pala ako.
Hinaplos ni Dex ang aking likuran at inalalayan, sumulyap sya sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Nginitian nya ako "Tara na?" Tumango na lamang ako bilang tugon.
At naglakad kami pabalik sa aming bahay hindi ko namalayan na tumigil napala ang pag-ulan
Pero may biglang pumasok sa aking isipan kasabay ng sunod sunod na pag tulo ng mga panibagong luha sa aking mga mata."Even if your mind forgets me, your heart will never stop loving me"
YOU ARE READING
FORCED (MAGIC SERIES #1)
Viễn tưởngMy life was normal but when I met you everything changed