𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 3

24 7 5
                                    


IYA'S POV

~TUG DUG~ TUG DUG~ TUG DUG~ TUG DUG~ TUG DUG~ TUG DUG~ TUG DUG~ TUG DUG~ TUG DUG~ TUG DUG~ TUG DUG~ TUG DUG~ TUG DUG~ TUG DUG~ TUG DUG~ TUG DUG~ TUG DUG~ TUG DUG~ TUG DUG~ TUG DUG~TUG DUG~

Tibok ng puso ko yan! Wag kang ano!

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sa sobrang lakas baka nga lumabas na eh.

Hindi naman. OA lang yung author.

Nanlalamig ang aking kamay dulot ng matinding kaba. Pinagpapawisan narin ako kahit na hindi naman mainit.

"You okay? Parang kanina kapang balisa dyan." Nag-aalala tanong ng Prinsipe ko este- ng mahal na Prinsipe.

Eto na naman yung puso ko.

Kalma. Kalma. Kalma

Dahan-dahan akong tumango at sinuklian nya naman ako ng pagkatamis-tamis na ngiti.

Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Kaya tumungo na lamang ako para hindi nya ako makita.

Nabalot kami ng nakakabinging katahimikan.

Awkward-

"Nandito na tayo." Ang Hari.

Hay. Salamat!

Siguro ay umabot ng sampung minutos ang aming paglalakbay bago kami nakarating sa palasyo.

Malapit lamang ang Palasyo ng mga Royale sa mansyon ng mga Liberty kaya mabilis lamang ang byahe.

Inalalayan ako ng Prinsipe sa pag baba ng sasakyan.

"Salamat." Magalang kong sabi.

Tinanguan lamang nya ako at sinabayan maglakad papasok sa palasyo.

Nakita ko ang pagdating ng iba pang mga sasakyan. Maraming diwata ang nakapalibot sa amin hanggang sa makapasok kami sa palasyo.

Naglakad kami sa mahabang red carpet na ipinatong sa makintab at malinis na marmol.

Malaki ang palasyo, sa gitnang dulo nito ang trono at sa harap nito ay ang mahabang lamesa kung saan tumatayo ang mga hukom.

Iginiya naman ako ng Prinsipe sa Royale Garden, kung saan isinasagawa ang ritwal.

Kaya mo to Dainihya.

"Just look at me when your feeling nervous." Napatingin ako sa Prinsipe sa biglaan nyang pagsasalita.

Ngumiti lamang ako sa kanya at bumaling nang muli sa Hardin.

May lumapit sa aking isang magandang diwata.

"Ang tunay na-" naputol siya nang magsalita ang Hari

"Madamme Cynthia, simulan na ang ritwal sa Hera ng mga LIBERTY."
May diin nyang sabi.

Bumaling sa akin ang Madamme. "Halika." Hinawakan nya ang kamay ko at dinala sa gitna kung nasaan ang batis ng mga diwata.

Parang balisa ang Madamme ngunit hindi ko na lamang pinansin. Bumalik na naman ang kaba na kanina ko pang nararamdaman.

"Just look at me when your feeling nervous."

"Just look at me when your feeling nervous."

"Just look at me when your feeling nervous."

Naalala ko ang sinabi sa akin ng Prinsipe kanina.

Lumingon ako sa kanya at nakatitig lang din sya sa akin habang nakangiti. Nag thumbs-up pa sya nang makita nya akong nakatingin sa kanya.

Tumango at ngumiti ako sa kanya.

"Daihniya Fhaye Guisteco." Si Madamme

Lumingon ako sa kanya at malalim na bumuntong hininga. "Handa na po ako."

Tumango sya at kumaha ng tubig sa batis. Ibinigay nya sa akin ito.

"Inumin mo yan, nang mapabilis ang pagbawi mo ng iyong lakas sa sandaling masimulan na natin ang ritwal."

Kinuha ko ang tubig at ininom iyon ng dagliaan, may ilang takas ng tubig pa ang umagos mula sa aking bibig.

Huminga ng malalim ang Madamme at may kinuha sa likod nya.

Teka!

Punyal? Bakit may punyal?

Kaagad syang bumwelo at itinarak iyon sa aking dibdib.

"Arghhhhhhhhhhh!!!" Sigaw ko nang maramdaman ang punyal sa aking dibdib.

Napakabilis ng pangyayari.

Napapikit ako sa sakit. Tumulo ang luha sa aking mga mata naaninag ko pa si Prinsipe Theodore na nagwawala habang hawak ng dalawa nilang tauhan.

Bakit?

Napaluhod ako dahil sa panlalambot ng aking mga tuhod. Nawawalan na ako ng lakas.

Biglang nandilim ang aking paningin hanggang sa tuluyan na akong bumagsak sa lupa at naramdaman ang—

Ang unti-unting pagtigil ng tibok ng aking puso.

ANG PUSO KO!!!

𝗗𝗼𝗻'𝘁 𝗳𝗼𝗿𝗴𝗲𝘁 𝘁𝗼 𝘃𝗼𝘁𝗲!!!

FORCED (MAGIC SERIES #1)Where stories live. Discover now