THEODORE'S POVMahigit isang oras na syang walang malay.
Nandito ako sa tabi nya simula ng tumigil ang pagtibok ng kanyang puso. Sobra akong nag-alala ng biglaang itanarak ng Madamme ang punyal sa kanyang dibdib.
Kaya naman tumakbo ako sa kanya nong mga oras nayon ngunit pinigilan ako ng mga tauhan ng Hari.
Ang sabi ng manggagamot ay titibok na ulit ang kanyang puso sa oras na tumalab na ang ipanainom na tubig na mula sa batis.
Ngunit ang ipinagtataka ko lamang ay ang ritwal na ginawa sa kanya. Hindi iyon tulad ng karaniwang ritwal na ginagawa sa aming tribo.
Ganoon ba talaga ang ritwal kapag may dugo ka ng Liberty?
"Zeus Theodore." Napalingon ako kanya ng tinawag nya ang aking pangalan.
Nakita ko ang bahagyang pagmulat ng kanyang mga mata. Hinawakan ko ang kanyang puso at pinakiramdaman iyon.
Tumitibok!
Tumitibok nang muli ang kanyang puso.
Nginitian ko sya. "Maayos kana ba?" Bahagya syang tumango. "Tara na?" Tiningnan nya ako na parang nagtatanong.
"Ibinilin sa akin ng Madamme na sa oras na magising ka ay ihatid kita sa kanya." Nagkaroon naman sya ng ideya ng sabihin ko yon. "Ito na ang huling bahagi ng ritwal."
Tumango sya at bumangon na sa pagkakahiga.
Inalalayan ko sya hanggang sa makarating na kami sa hardin.
"Were here!" Usal ko na nakatawag ng kanilang pansin.
"Tapusin na natin ang ritwal." Balisang wika ng Madamme.
Parang kanina pa syang hindi mapalagay.
Hindi ko na lamang pinansin yon dahil baka masama lamang ang kanyang pakiramdam.
Kinuha ng Madamme ang kamay ni Dainihya.
Lumingon pa sya sa akin. "Salamat."
Pumunta sila sa harap ng batis at sinimulan na ang huling bahagi ng ritwal.
Bahagya akong lumapit sa Hari.
"Ama, mauulit ba ang nangyari kanina?"
"Huwag kang mag-alala. Manood ka na lamang."
Sinunod ko na lamang ang kanyang ini-utos.
Nakita kong kumuhang muli ang Madamme ng punyal kaya agad akong na-alarma sa aking kinatatayuan ngunit pinigilan ako ni Ama.
"Manood ka nalamang!"
Napabuntong hininga na lamang ako dahil mukhang wala na akong magagawa.
"Gigilitan ko ang iyong palapulsuhan at sa oras na dumugo ito ay kaagad mong itapat sa iyong bibig." ang Madamme.
"Bakit po?" Tanong ni Dainihya.
"Ito ang makakapagpalabas ng iyong kapangyarihan."
Tumango si Dainihya at inilahad ang kanyang kamay.
Kaagad ng pinadaan ng Madamme ang punyal sa palapulsuhan ni Dainihya.
"Ahhhhhhhhhhhhh!" Sigaw ni Dainihya.
Nanatili lamang akong nanonood ng itinapat nya ang palapulsuhan sa kanyang bibig. Nakita kong may tumulong dugo mula sa kanyang kamay.
Biglang nagliwanag ang kanyang paligid.
Nakita ko mula sa kintatayuan ko ang pagbabago ng kulay mg kanyang mata, mula sa itim ay naging—
Berde?
Bakit?
Bahagya kong kinusot ang aking mga mata at tiningnan syang muli ngunit hindi na berde iyon.
Asul
Asul katulad ng sa Liberty at Royale.
Baka namamalikmata lamang ako kanina dahil hindi maaaring berde iyon.
Oo! Namanalikmata lamang ako.
Bumuntong hininga na lamang ako at tiningnan ang susunod na mangyayari.
IYA'S POV
Ramdam ko ngayon ang panlalamig at paglinaw ng aking mga mata, ang pagtalas ng pandinig at ang pagkabuhay ng aking katawan.
Isa na ba ako?
Ganap na ba akong isang tunay na diwata?
"Binabati kita!" Magiliw na bati ng Madamme.
"Dainihya, Isa ka ng ganap ng diwata." Masayang usal ng Hari.
"Mabuhay ang Hera ng Liberty!" Ang Reyna.
Napatingin ako sa Prinsipe pero hindi sya nakitingin sa gawi ko kaya nilingon ko kung saan sya nakatingin, may nakita akong lalaki sa madilim na bahagi ngunit hindi ko makita ang kanyang mukha.
"Dainihya." Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng Prinsipe.
"Malalim na ang gabi, Ihahatid nakita."
Tumingin pa akong muli sa gawi ng lalaki kanina ngunit wala na sya doon.
Hindi ko na lamang pinansin iyon at bumaling na sa Prinsipe.
"Salamat Mahal na Prinsipe."
"Salamat?, ilang beses kanang nagpasalat sa akin ngayong gabi?" Bahagya pa syang tumawa. "And by the way, just call me Thor." Ngumiti sya.
Thor?
Parang wala pa akong naririnig na may tumawag sa kanya ng ganoon.
"S-Sige, Thor." Naiilang na sabi ko.
Naglakad na kami patungong labas ng palasyo.
"Dainihya."
Napalingon ng may biglaang tumawag sa akin.
Ang Reyna.
"Mag-iingat kayo." Malambing nyang sabi.
Tumungo ako sa kanya at nag-bow bilang pag-galang bago umalis.
Dumiretso na kami sa sasakyan, muli na naman akong inalalayan ni Prisip—este Thor.
Tahimik lamang kami sa sasakyan hanggang makarating sa mansyon.
"Pupunta ka bukas?" Biglang saad ni Prinsip— Thor.
Bahagya ako naguluhan sa sinabi nya.
"Sa MMA." Dagdag nya.
Ahhhh!!!
Akala ko pa naman iimbitahan nya akong lumabas.
Napasimangot ako.
"Why are you frowning?"
Bigla akong ngumiti.
"U-Uhmm, Oo kasama ko si ate Ireene."
"Okay."
Ay!!! Ang cold!!!
"Sige na, gabi na." Sabi nya.
Pinapaalis na ako! Huhuhuhu!
"Sige." Walang buhay na sabi ko.
Binuksan ko na ang pintuan at bumuba na ng sasakyan.
Hmp. Nagtatampo ako.
Nagsimula na akong maglakad.
"Goodnight!"
Napalingon ako sa likod at nakita ko si Prinsip— Thor sa bintana ng sasakyan at kumakaway pa sa akin.
Napangiti ako at kumaway nalang din sa kanya bago tumalikod.
Okay di na ako nagtatampo.
![](https://img.wattpad.com/cover/232177157-288-k149349.jpg)
YOU ARE READING
FORCED (MAGIC SERIES #1)
FantasíaMy life was normal but when I met you everything changed