𝗜𝗬𝗔'𝗦 𝗣𝗢𝗩
"Dainihya!" Umaalingaw-ngaw na tinig ni Mama.
Napabalikwas naman kaagad ako sa aking pagkakahiga at kaagad na napatayo.
"Mama, bakit po?" Tugon ko habang nililigpit ang aking higaan. "Kagigising ko lamang po! Pasensya na!" Nilaksan ko ng bahagya ang aking boses upang marinig niya ito.
"Bumaba kana dito. Dalian mo!!!" Ewan ko ba kay mama palagi nalang syang excited kahit na sa maliliit na bagay lamang.
Napabuntong hininga nalamang ako at nag-ayos ng sarili. Humarap ako sa salamin at pinagmasdang mabuti ang korte ng aking mukha. Wala nalang talaga akong magagawa kung di ang magpasalamat sa Diyos na nang umulan ng kagandahan ay sa akin lahat napunta.
Sinuklay ko ang tuwid at mahaba kong itim na buhok. Pinagmasdan ko ang aking mukha mula sa malalim kong mata. matangos na ilong at mamula-mulang labi. Maputi rin ako kagaya ni Papa.
"Dainihya! huwag mona akong pataasin diyan dahil nasisigurado kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Natawa nalamang ako sa sinabi ni Mama dahil alam kong sa kabila ng baritonong boses nya ay alam kong nagbibiro lang sya.
Minabilis ko na ang pag-aayos ng aking sarili at bumaba na sa kusina upang kumain.
Ngunit di paman ako tuluyang nakakapasok sa kusina ay...
"SURPRISE!" nagulat ako sa sigaw nila. May sumabog na party poppers at maraming confetti sa aking harapan.
Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan sapagkat hindi man lang ako makagalaw dahil sa sobang pagkagulat.Ano toh? Bakit ganito?
Saka ko lamang napagtanto kung anong araw ngayon.
BIRTHDAY
Yes. Today is my Birthday. Im 16
Nakakatuwa. This is it pansit. The new beginning.
"Happy Birthday Sis" sabay yakap sakin ni Ate Ireene. Hinalikan nya rin ako sa pisngi at saka nginitian.
"Oy! Matanda kana" and here he comes
"Wala man lang thank you dyan." saad nya habang ginugulo ang buhok ko.Agad kong pinalo ang kanyang kamay na nasa aking ulo. "HAHA so your funny na?" pambabara ko sa kanya
Natawa sya ng malakas "Syempre naman. Ako lang naman si Mr. Funny Zach" at mas tumawa pa sya nag pakakalakas-lakas. Tss.
Baliw amp. Natinag ako sa biglaang pag yakap ni Mama. "Happy Birthday Hija!"
Dinaluhan kami ng yakap ni Papa at saka nya ako hinalikan sa ulo. "Happy Birthday baby." Sambit nya. Napanguso naman ako. Baby?"Pa, Im not a baby anymore. Yan oh si Zach" sabay turo ko sa lalaking nakatayo sa tagiliran namin. "He's your bunso kaya not me, so dont call me baby" singhal ko sa kanya pero sinisiguro ko parin na may pag-galang na naroon.
"Ok. Ok. If that's what you want" ngingisi-ngising sabi ni Papa.
Wala na akong nagawa kundi ang umupo na laman sa dining. "Hey." napasulyap ako kay Ate. "Do you wanna go with me?, tomorrow pa naman yun." naagaw nya kaagad ang atensyon ko.
"Where?" Interesadong tanong ko.
Napaisip agad ako. Wait!
"Magicá Minimus Academy?" Tuwang tuwa na tanong ko. Nakangiting tumango naman siya.Gosh! Gosh! Gosh!
Magicá Minimus Academy is school the school where you will legally learn Magic. It's Magic because we are—
YOU ARE READING
FORCED (MAGIC SERIES #1)
ФэнтезиMy life was normal but when I met you everything changed