4

375 28 0
                                    

"Arayy! ate masakit!" pagmamaktol ni Kyzer dahil pagkarating ng bahay agad kong hinila ang tenga nya at hindi parin binibitawan

"Ay jusko mga batang to! Margaux anak ano ba iyan? bitiwan mo na ang kapatid mo at baka matanggal ang tenga nya" saad ni mama

kaya binitiwan ko na

"Ma! salamat ikaw talaga ang superwoman ko mama" wika ni Kyzer at yumakap pa kay mama

"Nako anong nangyari dyan sa labi mo ha? at bakit ka may sugat? ang sabi mo mag lalaro kalang?" tanong ni mama kay Kyzer ng mapansin nito ang sugat sa labi

"Ma k-kasi--"

"Ma kasi yang anak mo maglalaro na lang ng basketball kailangan pang makipagpustahan e sa kayabangan wala naman palang ipupusta kaya ayan nasuntok!" singit ko sa kanila at naupo sa sala "kinginang yan hindi na tuloy mainit tong kape ko!" sigaw ko pa ng tingnan ko ang hindi naubos kong kape

"Ipag timpla nalang kita ulit anak!" Saad ni mama "at ikaw umupo ka don at kukuha ako ng yello para dyan sa sugat mo! jusmiyo" wika ni mama at pumuntang kusina

"Grabe ate ang galing mo alam mo bang sinuntok ko din yon kasu hindi manlang matamaan tapos ikaw..woah isang suntok lang tumba na--"

"Ikaw wag mo kong mabola dyan at baka tamaan ka din saken!" putol ko sa kanya. "Anong araw ngayun? ha Kyzer lee!"

"Sa-sabado" nakayukong sambit nito

"Anong sasabado? at sinong kinakausap mo dyan? tingin mo ba sasagot yang sahig sayo?" wika ko at agad itong tumingin ng deritso sakin

"Sabado po ate" deristong sabi ni Kyzer habang nakatingin sakin

"Sabado..at araw ng?"

"Labada" mahinang tugon nya

"Alam mo naman pala! at bakit hinayaan mo si mama na maiwan dito at maglaba ng mga damit nyo? labandera nyo ba si mama ha?" galit kong tanong at umiling lang ito

"Hindi ko marinig" mahinahong sambit ko

"Hindi ate..sorry po"

"Oh anak tama na yan" wika ni mama at inilapag ang kape sa harapan ko at tumabi ito ng upo kay Kyzer at ginamot ang sugat

Kinuha ko naman ang cellphone kong nakapatong sa mesa at tinawagan si Aria

Aria~

"Hello ate?" sagot nito

"Nasan ka?" tanong ko at sumimsim ng kape

"N-nasa bahay po ng classmate ko ate g-gumagawa ng group p-project" kabadong sagot nya

"Anong oras ka uuwi? tanghali na san ka mag lalunch?"

"Ah. uuwi po ako ate dyan po ako kakain ng lunch"

"Okay" pinatay ko na at si Justin naman ang tinawagan ko

Justin~

"Ate!" sagot nito at ang ingay pa

"Nasan ka?"

"Nasa computershop--pucha!" sagot nito kaya agad kumunot ang noo ko

"Anong pucha? minumura mo na ko ngayon ha Justin ace?" sigaw ko dito kaya napatingin sila mama sakin. tapos na palang gamutin ni mama ang sugat ni Kyzer

"Ate! ah hindi po nag l-laro po k-kasi ako" paliwanag nya

"Umuwi kana"

"Opo tapusin ko lang to ate--tangina bobo kakampi!" sigaw pa nya

I'm The Boss Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon