12

57 4 0
                                    



"Ang galing parin talaga" bungad ni madam cha ng makabalik ako sa table, nginitian ko ito tsaka ko kinuha ang iniabot ni Ellaye na tissue

"Salamat po madam cha" ngiti ko habang nagpupunas ng pawis sa noo

Ano bayan beh ang init dito!

"Pwede tayong lumabas" Nagugulat kong nilingon ng may biglang mag salita sa likuran ko

"H-ha?" Nagugulohan kung nausal nalang dito, hindi ko alam kung ako nga ba ang kausap nito pero parang ako nga dahil obvious naman at sakin pa to nakaharap. Ngumiti ito saka bahagyang natawa!

Mukha ba ‘kong nag papatawa?

"We can go to the veranda so you can have some fresh air" ani nito saka ngumiti ng pagkatamis tamis, sarap.

Pero bago paman ako makasagot ay agad ng nag salita si Ellaye

"Uh excuse me Jared pero kasi-hoy gaga hinahanap ka ni sir Max!" Nagugulat ko itong nilingon ng biglang mag iba ang boses nyang tulak sakin!

Grabe naman iyan! Pabebe voice to brusko voice abay kay sama ng ugali ay!

"Ano bang sinasabi mo dyan? Ah sige tar-"

"Ahhhhh sige Jared pasensya na next time nalang ha!" Tulak ni Ellaye sakin habang hawak ng dalawang kamay nya ang magkabilang balikat ko, kinawayan nya pa ng patalikod si Jared habang inaakay ako papuntang...

"Tangina Ellaye dito rin pala punta natin bat hindi mo pa sinama si jared-"

"Ang tigas ng ulo"

Natigil ako ng biglang may sumulpot muling boses sa gilid ng pinto!

Bat ang hilig nilang sumulpot nalang bigla, dinaig pa nila ang mga daga at ipis sa bahay jusko

"Hoy Ellaye! San ka pupunta-hoy teka sandali hintay!" Hahabulin ko na sana si Ellaye ng bigla ako nitong talikuran at mabilis na maglakad papalayo pero sa kasamaang palad eto at hawak na naman ako sa pulsuhan ng boss kong potange-mabait,oo sobra!


"A-aray ano ba!" Asik ko dito ng bigla ba naman akong kaladkarin at ibagsak sa upuan!


"Dyan ka lang Babae!" Banta nito na ikinaikot lang ng mata ko sa kanya




Tumayo ako at marahang inilibot ang paningin sa veranda ng bar ni Zeke, sobrang ganda halos kita ang magandang tanawin mula dito, medyo madilim ngalang sa pwestong kinatatayuan ko ngayon dahil walang ilaw at tanging ang ilaw lang sa loob ang nagsisilbing liwanag mula dito sa labas

May kakaunting tao rin ang nakatambay dito halos mag jowa na naman

Nye sanaol

Napa ubo ako ng malanghap ang Isang mabahong usok na nagmumula sa yosi ng dalawang mokong na dito pa talaga nag pausok sa tabi ko!

Ayos din pala tong dalawang to ih! Eh kong tusukin ko kaya ng yosi ang mga butas ng mala gorilla nilang ilong-


"Hey! May smoking area don! don nga kayo mag hithitan, idiot. " Sita ng leader nilang idiot, si Zeke.

"Ano bang ginagawa natin dito-potangenanoba!" Bulyaw ko dito ng bigla nalang nyang inabot sa mukha ko ang jacket!

Mukha bang may mga kamay ang mukha ko para sa mukha ko nya iabot? Bobo naman tong si sir

"I heard you kanina" wika ni Zeke saka sumandal ng patalikod sa railings malapit sa kinatatayuan ko


"Edi congrats may tenga ka" bored kong tugon dito habang nag lakad at umupo sa kinauupoan ko kanina


I'm The Boss Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon