10

381 31 10
                                    

Kung nakakabaon lang ng buhay ang pagtitig ko baka bumaon na sa lupa tong si ate na mukhang endorser ng canvas

"Hello ate! Nag hihintay po ako ng sorry!" sarkastiko kong sigaw sa mukha ni ate habang nakangiti pa

"Excuse me?" sagot nito at tinaasan pa ako ng kilay aba ang yabang ah kala mo hindi drawing ang kilay!

"Bago kita padaanin mag sorry ka muna" pabalang na sagot ko dito

"Bat naman ako mag sosorry? Duh dance floor to!" sigaw nya rin sa mukha ko kaya bahagya kong nahilamos ang palad ko dahil sa tumalsik nyang laway! kadiri si ate

"Kahit na mag sikuhan pa tayo ng dibdib dito dahil sa pesteng dance move mo importante parin po yung manner ate" sarkastiko ko paring tugon na halatang ikinagalit ni ateng ubod ang kapal ng make up dahil handa na itong manampal kung hindi lang pinigilan ni zeke ang kamay nya

"I own this bar so kung gusto mo pang makalabas ng humihinga, leave." cold na sabi ni zeke na agad namang sinunod ni ate na nagkanda uga uga sa pag takbo

Ganon nalang ang gulat ko ng biglang pagharap ni zeke sakin na may matalim na titig! So kaya naman pala na takot si ate hindi lang dahil sa matalim na tingin ni zeke kundi sa bakulaw pa nitong pagmumukha mwahahaha!

So here we go again! Hinila na naman nya ako ng walang pasintabi jusko day!

Habang hila hila na naman ako ni zeke hindi naka ligtas ang mata ng mga babaeng baliw kay Zeke! well hindi ko naman sila masisisi eh sino ba naman ang hindi mapapalingon pag dumaan ang gwapong nilalang nato! Inaamin kong gwapo naman talaga tong si sir Zeke kaso kabaliktaran naman ng paguugali nya, kung gaano siya ka gwapo ganon naman ka pangit ang ugali nya psh!



"Aray ko naman!" singhal ko sakanya ng pabalang nya akong bitawan kaya bahagyang tumama ang likuran ko sa pinto ng kotse habang siya nama'y nasa harapan ko na

Ni hindi ko man lang napansin na nasa parking lot na pala kami ng bar at medyo madilim na sa parting ito pero kahit na ganon ay marami paring nakatambay at mas lamang lang ang mga nag fifling sa tabi tabi

"Ano bang problema mo" tanong nya! Siya pa talaga ang may ganang mag tanong nyan? sure ka sir?

Gwapo nga tabingi naman utak, juice ko die!

"Seryoso ka dyan sa tanong mo?!" pasigaw kong tanong sa mukha nya "ikaw nga tong bigla biglang nanghihila kanina nataponan tuloy ako ng beer!" dagdag ko pa ng maramdaman ang lamig ng beer sa tyan ko, nakayuko ko itong pinupunasan ng tissue

"Kasalanan mo yan kung bat ka kasi umiinom ng hindi nagpapaalam" asik nya na ikinaangat ng ulo ko at tiningnan siya ng naka taas ang kilay

"Kasama pa pala yon sa trabaho ko sir?" sarkastiko kong tugon na ikinamaang nya, nginiwian ko siya tsaka ako nag patuloy sa pagpupunas

"Bat mo kasama si Jared?" seryosong tanong nya pero embis na sagutin ko iyon napa padyak ako sa inis ng pati yong tissue na ipinangpupunas ko sa damit ko at jacket ay dumidikit na rin don!

"Nakakainis ka sir!" singhal no dito na ikinagulat nya, wala sa sariling na ihubad ko ang jacket ko at ginamit iyong pampunas sa damit ko pero ganon nalang ang pagtataka ko ng magangat ako ng tingin ay naka talikod na si Zeke

"Hoy anong ginagawa mo?" tulak ko dito na para bang ang close close namin! kingina ka Margaux!

"Ang tanga mo talaga!" asik nya habang hinuhubad ang jacket nya pero nanatili itong naka talikod parin sakin

Ngayon ko lang napagtanto na kahit nakatalikod ang gwapo nya sa porma nyang black jeans na pants white t-shirt na pinatungan nya ng nike jacket at vans shoes nya

Nagugulat ko itong tiningnan ng bigla nalang siyang humarap kaya napaatras ako, kinuha nya ang jacket ko na hawak hawak ko tsaka nya ito isinampay sa balikat nya! At mas lalong napa maang ako ng isinuot nya sakin ang jacket nya!

Napapamaang ko itong tiningnan habang abala sa pag suot nya sakin ng halatang mamahalin nyang jacket na may tatak pa itong check sa bandang gilid ng dibdib

Matagal pa bago rumihestro sa isipan ko ang ginagawa ni zeke sadyang hindi ko lang maintindihan lalo na at ma imagine! Slow na kung slow

Eh ikaw ba naman parang nong kailan lang ay muntik na akong masagasaan ng mokong nato at muntik naring mag karoon ng world war 3 sa daan tapos ngayon ito at sinusuot sakin ng mokong Zeke ang mamahaling jacket nya!

Tsh sa yabang pa naman ng hayop nato buti nalunok nya yong pride nya! Dapat lang yan kasalanan naman nya ih sana nga nito hindi ko na ibalik pa tong jacket nya, benta ko nalang mwahahaha!

Natigil lang ako ng isara nya ang zipper ng jacket na padabog! pisting yawa

"Ano ba!" singhal ko sa kanya ng isara ba naman nya yong zipper ng jacket hanggang leeg! Halos ulo ko masali na! dapat isinali na nya, nahiya pa si sir psh

Lumapit siya sakin dahilan para muli akong mapa atras! lumapit pa siya ng lumapit habang ako naman ay parang timang ng atras ng atras hanggang sa tumama na ang likod ko sa malamig na pinto na kung sino man ang may nag mamayari ng pisting kotse na to

Bat ba kasi dito pa ipinark! Wala na tuloy akong maatrasan

Inilagay ni zeke ang dalawang kamay nya sa mag kabilang dulo ng jacket sa leeg ko tsaka ito dahan dahang ibinaba ang zipper!

Omaygas! Wag sir uwu

Nakagat ko ang sariling labi ng magbaba ito ng tingin sa mga labi ko shet! Saka nya muling ibinalik ang tingin sa mga mata ko, ano bayan!

"Stay away from that guy" seryoso at mahinang wika nya at sa sobrang lapit ng mukha nya saakin ay naamoy ko pa ang mabangong hininga nya!

Strawberry na parang may mentol.. pisti ka Margaux na hulaan mo pa yon?!

"At bakit?" sigaw ko rito ng ilayo na nya ang mukha nya saakin ngunit sa halio na sagutin ang tanong ko ay ang mokong muli na naman akong hinila!

"Just stay away and don't ask" sagot nya sabay hila nanaman saakin! yawa ka sir

I'm The Boss Of My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon