JOY POV:"ATE! MAGSISIMULA NA!"
Napabalikwas ako ng bangon sa aking pagkakahiga sa kama ng marinig ko ang sigaw ng kapatid kong babae malapit talaga sa tenga ko.
Shet! Muntik na ako matumba dahil sa pagmamadali ko. Sumabit pa ang kumot sa paa ko kaya inis ko itong tinanggal at itapon sa kung saan.
Hindi man lang tumunog ang alarm ko. Kainis magsisimula na.
Dali dali akong bumaba tsaka tumungo sa sofa kung saan nakaupo ang kapatid ko habang kumakain ng popcorn. Handa na siya sa lagay na iyan?.
Umupo agad ako sa tabi niya at tumingin sa tv.
"Kanina pa ba nagsimula?." Tanong ko.
"Nagsisimula palang ate." Sabi niya na tutok parin sa tv.
"Bakit kasi ngayon mo lang ako ginising di sana nakapaghanda ako." Singhal ko sa kanya tsaka siya kinurot sa bewang niya.
"Aray! Ate. Kasalanan ko bang tulog mantika ka!. Magpasalamat ka na lang at ginising pa kita kung hindi baka wala ka ng maabutan." Nakangiting sabi niya.
"Thank you ha?!" Sarcastic na sabi ko.
"Your welcome ate hahaha at tsaka di mo na kailangang maghanda pangit ka na talaga." Natatawang sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Kung hindi ko lang kapatid ito baka nailulob ko na sa imburnal.
Pakshet kasing alarm clock na iyan eh. Hindi man lang gumana.
Hindi ko pa tuloy nasusuklay ang buhok ko. Mukha tuloy ako wasak.
Tinuon na lang namin ang atensiyon sa tv ng magsalita ang mc.
{"Welcome to the Countdown Zone! Today the next performer is the legendary boyband star in the world. Please welcome the Extreme Gold!"}
{"Kyahhhhhhhhhhhh!!!"}
{"Woohhhhhhhhhhh!!!"}
- sigawan ng mga audiences"Kyahhhhhhhhhhhh!!!" Sigaw namin ng kapatid ko dito sa sala.
"Shhh.. ate baka magising sila mama." Saway ng kapatid ko.
Hating gabi na kasi ngayon kaya tahimik na sa labas. 12 kasi ang start nitong Countdown zone. Hindi kami pwedeng mahuli nila mama at papa na gising pa dahil tiyak na sesermunan lang kami ni Ella dahil may pasok kami mamayang umaga.
"Ayan na ihhhhh..." Pigil na tili ni Ella.
Nagsimula ng magperform ang extreme gold. Kaya todo tili kami dito ni Ella sa sofa. Ang gwapo nila! Grabe! Mahihimatay na yata ako.
Apat kasi silang members. 2 vocals and 2 rappers.
The blue hair guy is Xian Drake Harake, 20 yrs old. Half Filipino/Japanese. He is the youngest/ vocal and charming in the group.
The Gray hair naman ay si Eric Hyun, 21 yrs old. Half Filipino/Korean. He is the main dancer and rapper in the group.
The Brown hair naman ay si Zay Chen, 23 yrs old. Half Filipino/Japanese. He is the main rapper and the oldest in the group.
YOU ARE READING
MY IDOL IS A GHOST (On-Going)
SpiritualMeet Carlisle Joy Mortez, a girl addicted to her idol boyband superstar. She is just a simple girl with a dream in life, She has never met him in person, so she couldn't stop dreaming of going to the concert and seeing her idols in person, especiall...