JOY POV:
Nang matapos ang klase namin ay dumiretso kami ng cafeteria para kumain ng lunch.
Naghanap kami ng table para sa aming apat nang makakita kami ng pwesto sa gilid. Mabuti nalang dito ang pwesto namin sa glass window.
Nagsiupo na kami sa pang apatan na upuan magkatabi kami ni bakla habang kaharap ni bakla si Seff at kaharap ko naman si Carla na nagpipindot sa cp niya.
"Umorder kana sipon. Same order. Here's my cash. Thanks." Sabi ni bakla sabay abot ng cash kay Seff.
"Seffoon nga eh! Hindi sipon!. Nakakairita ka ng bakla ka!." Asar na sabi ni Seff sabay hablot ng pera kay beks.
"Whatevah! Pinaganda pa ang pagbigkas ng Seffoon kaysa sipon eh. Ang arteh!." Sabi ni bakla sabay irap.
"Bwisit ka! Victorio!." Nangaasar na sabi ni Seff kay beks.
"My God! Shut up sipon. Don't ever call me that name! Kadiri yuck!." Maarteng sabi ni beks sabay himas niya sa mga braso niya.
"Gaga! Wag kang maarte! Kahit anong gawin mo! pangalan mo pa rin yun. Hahahaha yun parin ang order ko Seff." Natatawang sabi ko sabay abot ng pera.
"Ayaw mo ng Victorio bakla? Pang macho ang dating." Sabi ni Carla na busy parin sa pagpindot sa cp niya.
"Ganun pa rin sa akin Seff." Sabi niya sabay abot rin ng pera.Ano bang meron sa cp niya? Kanina pa siya pindot ng pindot diyan eh.
"Isa ka pang babaita ka! Violet ang pangalan ko naiintindihan niyo?! My god my wrinkles." Sabi niya sabay himas ng noo niya.
"Wag kang maarte VICTORIO.!" Nakangising sabi ni Seff tsaka tumakbo papuntang counter.
"Wahhhhh!!!!!!! Sipon! Comeback here! Sasabunutan talaga kita!." Gigil na inis ni bakla.
"Ang oa mo!." Sabi ko sabay sabunot ng hibla niyang purple na hair.
"Aray! Masakit ah." Singhal niya sabay kurot sa braso ko kaya ginantihan ko siya ng palo sa braso.
"Mukhang busy si madam Carla." Bulong ko kay beks sabay nguso sa gawi ni Carla na busy parin sa cp niya.
"Hoy! Bakla! Gusto mong ipakain ko sayo yang cp mo?. Kanina kapa pangitingiti diyan akala mo naman makintab yang ngipin mo." Singhal ni beks sabay kuha ng phone.
"Uy! Ibalik mo nga yung cellphone ko." Sabi ni Carla na pilit inaagaw ang phone niya kay beks.
"Wait! What is this?!" Nakakunot ang noong sabi ni beks kaya nakitingin din ako.
"Oh gosh! Is this real?!" Sigaw ko na makita ko ang nilalaman ng phone ni Carla tsaka ko inagaw Kay beks ang phone.
"My god! Kyahhhh may chance tayong makakuha ng free tickets and free backstage passes! Kyahhhh!!!!" Nagdidiwang na sabi ni beks.
YOU ARE READING
MY IDOL IS A GHOST (On-Going)
SpiritualMeet Carlisle Joy Mortez, a girl addicted to her idol boyband superstar. She is just a simple girl with a dream in life, She has never met him in person, so she couldn't stop dreaming of going to the concert and seeing her idols in person, especiall...