Chapter 3💜My Bad luck

173 8 3
                                    

JOY POV:

Grabe hindi talaga ako makapaniwala na hawak ko ang malagintong ticket sa kamay ko.

Kung ibebenta ito siguradong malaki ang halaga nito. Ang swerte ko dahil sa 5 years ko bilang fan ng EG ngayon lang ako nakahawak ng ticket ng concert nila at mas maganda pa dahil may free backstage passes. Makikita ko na at mahahawakan ang EG at syempre si Reiddon ko! Kyahhhhh!!!!.

Dahil may ticket na ako, siguro ang ipon namin ng kapatid ko na pambili sana namin ng ticket ay ipapabili ko nalang ng ticket para sa kanya. Tutulungan ko na lang siyang mag ipon pa para makabili rin siya ng ticket tutal malaki laki rin ang naipon namin. Ayoko naman na ako lang mag isa ang a-attend, syempre gusto ko kasama ko ang kapatid ko. Pangarap namin yun eh.

Ang mga bestfriends ko naman?...hmmm...Wala naman dapat akong ipag alala sa kanila dahil kaya naman nilang bumili ng ticket. Mayaman kaya silang tatlo pwera lang sa akin. Pero hindi naman sila matapobre tulad ng ibang mayayaman na estudyante sa skwelahan namin. Scholar lang naman kami ng kapatid ko sa isang sikat na skwelahan na pinapasukan namin. Bestfriends ko na sila Violet, Carla at Seff simula noong bata pa kami.

Dahil hindi maalis ang tingin ko sa hawak kong ticket ay kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko at tsaka ako nagselfie kasama ang ticket na hawak ko.

Alams na remembrance hehehe...

"Hala siya oh! Hindi makaget over sa ticket si ateng. May paselfie-selfie pang nalalaman." Nakacross arms na sabi ni beks sa harapan ko habang naglalakad patalikod. Nang marinig ko ang sinabi niya ay binelatan ko siya.

"Ano ka ba vakla! Hayaan mo na siya! Ito kaya ang first time niyang makahawak ng ticket ng EG. Wag kang epal." Ani ni Carla.

"Oo nga, shut up ka nalang diyan." Sabi ni Seff sabay akbay kay beks.

"Get off your hands on me sipon. May kasalanan ka pa sa akin. Akala mo nakakalimutan ko?." Nakataas na kilay na sabi ni beks kay Seff.

"Huh? Sa pagkakaalala ko wala akong kasalanan sayo." Nagtatakang sabi ni Seff kay beks.

"Sa pagkakaalala ko meron." Nakangiting sabi ni beks na animo'y may binabalak.

"Ano nga yun?" Tanong ni Seff sa kanya.

Ano bang sinasabi ni vakla? Promise wala akong maintindihan sa kanila.

"Wala ka talagang maalala sipon?. O gusto mong ipaalala ko sa iyo?." Sabi ni beks sabay patunog ng kanyang kamao.

"Seffoon nga! Not sipon!. Nakakarami kana Victorio ha." nakasimangot na sabi ni Seff sa kanya.

"Sabing huwag mo akong tatawaging Victorio eh! Kanina ka pa tawag ng tawag ng Victorio sa akin! Simula ng nasa school pa tayo pati narin kanina sa raffle draw. Ilang ulit ko bang dapat sabihin sa iyo na Violet ang pangalan ko!." Asar na sabi ni beks sabay sabunot kay Seff.

"Ikaw nga nakakarami kana sa akin!" Sabi ni Seff tsaka sinabunutan si vakla.

Hanggang sa nagsabunutan na sila sa harap namin ni Carla.

MY IDOL IS A GHOST (On-Going)Where stories live. Discover now