JOY POV:
Mahigit isang linggo na ang nakalipas simula ng mangyari ang pangloloob sa bahay namin at pagnakaw ng ticket ko. Sa isang linggo na iyon hindi pa rin ako nakakaget over simula ng mangyari yun. Kaya heto ako ngayon malungkot pa rin.
Hayyy.... Ang malas talaga ng araw na iyon. Bakit kasi ako pa ang piniling malasin, wala naman akong balat sa pwet.
Aisshhh... Nakakafrustrate talaga.
"Hoy, ang lalim naman yata ng iniisip mo. Nakalimutan mo na yatang nasa klase tayo. Pag ikaw mahuli ni Mr. Bwang. Lagot ka talaga." Bulong ni Carla sa akin. Kaya napaayos ako ng upo.
Geez.. ayaw ko ngang matawag ng Baklang matandang yun. Terror pa naman itong teacher namin. Once na mahuli ka at matawag naku... Ang daming tanong regarding sa topic. Hindi ka talaga niya titigilan hanggat hindi siya satisfied sa answer mo. Kaya ganito nalang katahimik ang mga kaklase namin ngayon dahil takot kami sa matandang yun.
Bago ko pala kalimutan si Mr. Bwang ay isang MATANDANG BAKLA. Mahilig siya sa mga gwapong lalaki pero kung ano ang hate niya? BABAE. Shet siya =_=
Tinuon ko nalang ang atensiyon ko sa harapan. Mahirap na baka mahuli ako na hindi nakikinig.
Ilang oras pa ay sa wakas ay nag bell na hudyat na lunch time na.
"Be ready on next meeting we will be having an activity and recitation regarding to our topic today. I expect you all to answer my questions. Understand?!." Nakakatakot niyang tanong sa amin.
"YES MAAM!". Mga classmate ko na halatang kinakabahan.
Nagtataka kayo kung bakit ma'am ang tawag namin? Dahil yun ang gusto niya. Hayy wala naman kaming magagawa ikaw ba naman bigyan ng matatalim na tingin.
Grabe talagang matandang ito. Nakakasakit ng bangs.
"Class dismissed!." Tumingin siya ng masama sa amin bago siya lumabas ng room namin.
Pagkalabas ng teacher namin ay tsaka na nag ingay ang mga classmate namin at samut saring reklamo ang mga lumalabas sa bibig nila.
"Pigilan niyo ko sasaktan ko talaga yung baklang yun!"
"Nu bayan! May recitation na naman tayo!."
"Wahhhh nakakatakot talaga si sir!."
"Nakakainis naman yung matandang yun."
"Sasakalin ko talagang matandang yun! Arggghhhh!!!!" Gigil na sabi ni Vakla sa harapan namin ni Carla.
"Easy ka lang. Masyado kang hot!." Natatawang sabi ko.
"Hahahaha wag kang mag alala veks mas maganda ka dun." Naiiling na sabi ni Carla.
"I know duh?!." Maarteng sabi ni violet.
"Hey! Tara na baka maubusan tayo ng table." Napalingon naman kami kay Seff na nasa pintuan.
Lumisan na kami ng room namin at tsaka nagtungo na sa cafeteria para kumain ng lunch.
••Cafeteria••
"Sa Sunday na pala ang concert ng EG, sayang sold out na ka agad ang ticket." Nakangusong saad ni Carla habang nakatingin sa phone niya.
YOU ARE READING
MY IDOL IS A GHOST (On-Going)
SpiritualMeet Carlisle Joy Mortez, a girl addicted to her idol boyband superstar. She is just a simple girl with a dream in life, She has never met him in person, so she couldn't stop dreaming of going to the concert and seeing her idols in person, especiall...