Kinabukasan ay maaga kaming nagising at ginawa ang kauna-unahan naming aktibidad. We did tree planting and environmental clean up.
After everything ay pinag-bihis muna kami ng coordinator namin at naghanda para sa closing program. We prepared and then pumunta na sa camp ground kasi dun gaganapin ang huling aktibidad na aming gagawin.
Medyo natuwa ako sa aking nakita kasi may mini stage na siya tsaka talagang pinaghandaan ang program na 'to. Well, it's our last day kaya di bihirang mag-effort sila sa huling araw. Umapak na si Mr. Torres sa mini stage habang hawak-hawak ang mikropono.
"Good morning, lakandula students and welcome to our closing program for today's educational journey. I know some of you are sad that this is going to end but don't worry because today, wala tayong ibang gagawin kundi ang mag-saya" he said cheerfully.
Nagpalakpakan at hiyawan naman ang mga estudyante dahil sa sabik na sila sa magaganap.
"Pero bago tayo magsimula, gusto ko lang sabihin sa inyo na salamat sa inyong kooperasyon at pagbigay-oras sa aktibidad natin na ito. I hope that you all learn a lesson on what we did yesterday and today. I am grateful for the opportunity to be a part of your educational journey, and I'm excited to see where life takes each of you. Let's make these last day memorable and finish strong together. Enjoy lakandula students and have fun"
We all clapped as he ended his speech. Bumaba na siya ng mini stage at kasunod nun ang pag-pasok ni Felix. He's performing? Hawak-hawak niya ang gitara at inaayos nito ang microphone stand.
"Hi guys, I'm Felix and I am here to perform a song for all of you" bukambibig niya.
Is this real? I never heard of him sing live.
"This song reminds me of that one person who's very special to me" nabigla ako sa sinabi niya. Didn't expect those from him but I kept listening.
"That person is very special, to the point that I'm so afraid I might lose him. If you're listening, I just want you to know that I can never find someone like you"
He started strumming his guitar and then the crowd started clapping.
(We can't be friends by Ariana Grande).
Patuloy lang siya sa kanyang pag-kanta habang sumusulyap ito ng tingin sa akin. Nagtatama ang aming mga mata pero hindi na ako umiiwas at maging siya. He has this sweet-calming voice na mas lalong nagpapa-attractive sa kanya.
My heart is now going crazy. It feels like I can't even hear Felix anymore because how loud and fast it is. What is this feeling? Do I like him?
The program ended at andito ako ngayon sa view deck. I'm all alone admiring the beautiful view in front of me. Tapos na akong mag-impake at hinihintay nalang namin yung bus na dumating. The event was nice and the performances by different students were good and entertaining. Pero isang tao lang talaga ang mas tumatak sa isipan ko.
Felix.
The way he sang. I can feel his emotions. Parang nadadala ako sa kanta niya at parang hinihipnotismo ako ng boses niya. That thing that I felt earlier and until now, it was so good and real. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong pakiramdam.
Naisip ko tuloy kung sakaling hindi ko iniiwasan si Felix...What will happen at this time, right here in this moment?
Out of nowhere ay bigla nalang akong nakakita ng rainbow. Napangiti ako dahil sa sumasabay yung kagandahan ng bahaghari sa magandang tanawin na nasa aking harapan. I grabbed my phone to take a photo when a folded paper fell. Pinulot ko 'to at naalala 'yung sinabi ni Mr. Torres kagabi.
"After that, I want you all to fold it and keep it with you. Buksan niyo ito bukas after the program, okay?"
This was the paper last night. Binuksan ko ang papel at tumambad sa akin ang mensahe ni Ivan. He's the first person that wrote on my paper.
'Be strong. I'm just here anytime you need me'.
Napangiti ako sa aking nabasa. Ivan is a genuine person. I'm so glad I met someone like him. Napadako naman ang tingin ko sa ibabang parte ng papel kung saan hindi ko maintindihan ang nakasulat dito.
我喜欢你
It's written in Mandarin Chinese and I know that this belongs to Felix kasi dalawa lang naman sila ni Ivan ang nagsulat sa papel ko. Ivan's message has his initials on it kaya hindi 'to galing sa kanya. Nakakunot ang aking noo habang tinitingnan ng maigi ang nakasulat.
What does this mean?
"That means I like you"
Nagulat ako sa isang pamilyar na boses mula sa aking likuran. Nilingon ko siya at nakita ang nakatayong si Felix sa aking harapan. His looking at me directly na para bang kinukulong niya ako sa kanyang mga titig.
My heart is running fast again. I swallowed hard. This is unexpected. I think hindi ko pa siya kayang harapin sa ngayon.
"And don't you ever try to run away from me again" he said.
He really knows me so well. Dahan-dahan siyang lumapit kung saan ako nakatayo.
"I made myself clear at hindi ko na kailangang mag-paliwanag pa"
"Felix-"
"I like you, Miguel" pag-amin niya sa akin. I can't believe that this is happening. "I really do kaya nasasaktan ako sa tuwing iniiwasan mo 'ko" he said. "Pero alam mo, naiinis ako sa sarili ko. Gusto kong magalit sayo pero di ko magawa" pagpapa-tuloy niya. "Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin at hindi kita makalimutan. You've been staying in my head all the time"
"Felix-"
"I know I sound so stupid right now" sabat niya at natawa nalang sa sariling sinabi. "Pero wala eh. Putang ina gustong-gusto kita. Ayoko namang pigilan 'tong nararamdaman ko at itago nalang habang buhay. Pinag-isipan ko ng mabuti 'tong pagkaka-taong 'to and I know that this is the right time to tell you" he sighed heavily like it was a big relief that he let those words out from him.
"I talked too much. I'm sorry. I think I did the right thing 'cause I feel better now. Thank you for listening" he said and partly smiled.
He then started walking away from me. He just confessed yet I'm here standing looking like a statue na wala man lang sinabi o ginawa. I hurt him so bad and I'm such an asshole for it. I need to do something right once in my life. Hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan.
"Akala mo ba ikaw lang yung nahihirapan?" I finally talked and he stopped walking. He faced me again. "Akala mo ba ikaw lang yung may iniisip palagi?"
"What?" he asked, puzzled.
"Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko sayo. Nagdadalawang-isip pa ako sa umpisa kung sigurado ba ako dito pero bahala na. Masaya akong nakikita ka. Nabubuo yung araw ko kapag kasama kita. Pakiramdam ko nakakalimutan ko lahat ng problema ko kapag kausap ka"
At this moment, I just want to be true and honest to him. Sa kung ano talaga 'yung totoo kong nararamdaman sa kanya. I don't want to lie to myself anymore.
"I think I also like you" I finally let it out. I felt so great and it felt so good that I finally told him what I really felt. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. That is the purest, charming, and sweetest smile I've ever seen in him. Mabilis niya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit.
The warmth of his hug made me felt that I'm the luckiest person in the world. Nararamdaman ko ang malakas na tibok ng kanyang puso. He hugged me tightly na parang ayaw niya na akong pakawalan. Ganito pala 'yung pakiramdam kapag gusto niyo ang isa't-isa.
"Thank you. I'm never going to let you go ever again" he said promisingly.
Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Even though this happened really fast and unexpected, I can surely say that this is the most memorable moment that happened in my life. I didn't think I liked him, but now I realize I do.
To be continued.

BINABASA MO ANG
FALLING
RomansaMiguel and Felix have always been inseparable, sharing laughs, secrets, and dreams. But as their bond grows stronger, Miguel starts to feel something more. In the quiet moments between them, their friendship begins to shift, gently blurring the line...