Chapter 11

44.8K 1.7K 899
                                    

Chapter 11

"It's you, it's always you... I still love you..."

My lips parted. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Inilayo na niya ang ang kaniyang mukha habang nababakas pa rin sa 'kin ang gulat.

Mas lalo pang bumilis ang kabog ng puso ko habang nanatiling magkapako ang tingin naming dalawa.

"W-What?"

Habang pinagmamasdan ko siya, nakikita ko ang pagkakapareho nila ng anak namin. Mula sa kaniyang singkit na mga mata at sa manipis na mga labi.

Nasa harapan ko ngayon ang ama ng anak ko.

"Fuck."

Bigla na lang siyang napasabunot sa sarili at mariin na ipinikit ang mga mata.

"Oh god."

Nagulat ako nang bigla na lang niyang suntukin ang pintuan na nasa likuran ko. Napapikit na lang ako kasi hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon.

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat kaya iminulat ko na ang mga mata ko.

Nagtama ang tingin naming dalawa, hindi ko na mabasa kung anong nasa isipinan niya sa oras na ito.

Galit at sakit ang nakikita ko mula sa kaniyang mga mata.

"W-Why? Why are you doing this to me?!"

Humigpit ang hawak niya sa 'kin. "M-Marcus.."

Muling bumuhos ang mga luha mula sa kaniyang mga mata. Para nadudurog ang puso ko.

"Gusto kong magalit sa 'yo... gusto kitang sumbatan sa lahat ng pananakit mo..." his voice broke.

Yumuko na siya sa harapan ko. Hindi ko na napigilan bumuhos muli ang mga luha ko.

"I am sor-" he cut me off.

"Pero tangina... bakit? Bakit sa tuwing nakikita kita nawawala ang galit na nararamdaman ko sa 'yo?! It's been 6 years, honey, 6 fucking years! At hanggang ngayon..."

Muli siyang tumitig sa mga mata ko. Punong-puno na nang luha ang kaniyang mukha. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko kasi sobrang nasasaktan ako.

Sobrang sakit na ang lalaking iniwan ko ay nagdurusa pa rin hanggang ngayon nang dahil sa 'kin.

"...nasasaktan pa rin ako.."

Hinampas niya ang kaniyang dibdib. Mariin na ang kagat ko sa pang-ibabang labi para lang pigilan ang malakas kong paghikbi.

"S-Sana mapata-"

"P-Pagod na ako... pagod na akong marinig ang katagang iyan mula sa 'yo. Walang magagawa ang sorry mo para mabura ang sakit na nararamdaman ko simula noong nawala ka sa buhay ko..."

Tinuro niya ang kaniyang dibdib habang magkapo lang ang tingin naming dalawa. Sobrang pula na ng mga mata niya nang dahil sa sobrang pag-iyak.

Pakiramdam ko'y mas dumoble pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Lalo na habang nakatingin ako sa lalaking mahal ko.

"H-Hindi mo alam kung gaano kasakit ang naramdaman ko noong ipinagtabuyan mo ako sa iba... sa mismong araw pa ng kasal nating dalawa..."

Napatakip na lang ako sa mukha ko habang bumabalik sa alaala ko ang araw na iyon. Ang araw kung kailan tuluyan ko na siyang sinukuan.

Na hindi ko man lang inisip ang sakit na mararamdaman niya.

"A-Ang sakit, honey... sobrang sakit na sa tuwing gigising ako, ibang babae ang kasama ko... ibang babae ang nag-aalaga sa 'kin sa tuwing may sakit ako... ibang babae ang nagluluto para sa 'kin.. ibang babae ang kasama ko sa araw ng birthday ko..."

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon