Chapter 30

39.6K 1.3K 1.3K
                                    

Chapter 30

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

I pouted. Kanina niya pang hindi sinasagot ang tanong ko. Wala talaga akong ideya kung saan ba kami pupunta.

"Gianna..."

Inis ko siyang nilingon na kasalukuyan na nasa daan ang atensyon. Panay rin ang sulyap niya sa 'kin, malapad pa ang ngisi.

Please lang, Marcus, huwag kang ganiyan. Mas lalo akong nahuhulog.

"Ano?"

"I love you..." he said softly.

I bit my lower lip. Mabilis din akong nag-iwas ng tingin sa kilig na nararamdaman. Bakit kasi ang sweet niya? Natatakot ako na baka hindi ko na magawa pang umalis sa tabi niya.

Mariin akong pumikit. Muling bumalik sa isipan ko ang nangyari kanina.

"Hello baby, I am your Daddy..."

Hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan habang panay pa rin ang pag-halik niya sa aking tiyan.

"Mahal na mahal ko kayo ni Mommy mo..."

Tumingala siya upang magtagpo ang tingin naming dalawa. Nababakas ang lubos na kasiyahan sa kaniyang mukha sa oras na ito.

I knew it, he was just pretending.

Mukhang nasaktan ko na naman siya kasi hindi ko nagawang sabihin sa kaniya ang tungkol sa batang dinadala ko. Ang bunga ng pagmamahalan naming dalawa.

"H-How did you know?"

Tumayo na siya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Marahan niya rin na pinunasan ang mga luha ko.

"Shooter ako, honey, kaya hindi imposi—" I cut him off .

"Ewan ko sa 'yo."

Mabilis ko siyang tinalikuran kasi hindi ko na kaya pang labanan ang titig niya. Alam kong peke ang ngiting pinapakita niya kasi ang totoo'y nasasaktan siya.

Nasasaktan siya kasi pilit kong itinatago sa kaniya ang katotohan.

"Noong araw na nawalan ka nang malay... I was scared that time. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya mabilis kitang nilapitan noong oras na iyon, pero hinarangan ako ng gagong iyon. Hindi niya ako hinayaan na makalapit sa 'yo..."

Gulat ko siyang nilingon. Nakakuyom na ang kaniyang mga kamao sa galit na nararamdaman.

"Sinundan ko kayo sa ospital pero hindi nila ako hinayaan na makita ka. Wala akong nagawa kundi ang maghintay sa labas habang ang gagong iyon ang kasama mo sa loob na nararapat na ako..."

Hindi ko alam ang magiging reaksiyon sa sinabi niya. Naiintindihan ko si Asher kung bakit niya nagawa iyon pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nakararamdam ako ng inis sa kaniya?

Na rapat hinayaan niya na lang na manatili sa tabi ko si Marcus kasi ito ang mas kailangan ko noong araw na iyon.

"That night, honey, alam ko sa sarili ko na meron na... kaya kinausap ko ang Doctor na nag-asikaso sa 'yo..."

Lumapit siya sa 'kin at ipinaglapat ang noo naming dalawa. Mariin akong pumikit.

"You're pregnant, honey, You're bearing my child. Sobrang saya ko noong malaman ko ang balitang iyon..."

I bit my lower lip. "I-I am really sorry, sorry kung pilit kong tinatago sa 'yo ang katotohan na magkaa—"

Hindi na niya ako pinatapos na magsalita kasi siniil niya ako ng halik. Maingat ang galaw ng kaniyang mga labi na para bang natatakot siya na masaktan ako.

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon