Chapter 47

45.1K 1.3K 1.9K
                                    

Warning: R-18

Chapter 47

"Is something bothering you?"

Marahan niyang pinisil ang aking kamay. Kasalukuyan siyang nagmamaneho at wala akong ideya kung saan ba kami pupunta.

Hindi na rin ako nag-abala na magtanong pa. Hindi pa rin talaga mawala sa isipan ko si Gennica. Pilit niya kaming ipinagtutulakan kahit na alam kong hindi niya naman kakayanin na mag-isa.

Mukha ayaw niya rin na tumira kila Papa dahil alam kong kahit na tanggap na niya ang bagong asawa nito. Hindi pa rin talaga niya maiwasan na masaktan kasi nagawa kaming ipagpalit ni Papa nang dahil dito.

"Gennica..."

I sighed. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Naiinis ako sa sarili ko kasi wala man lang akong magawa para sa kaniya.

Alam kong durog na durog na siya sa loob pero pinipilit niya pa rin na maging masaya para lang huwag na kaming mag-alala pa.

"What's with her?"

I looked at him. Nababakas na sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Napalapit na rin siya sa kapatid ko kaya siguradong nag-aalala rin siya.

"She can't live without me... Kahit na ipinagtatabuyan na niya ako, alam ko na hindi niya kakayanin na mawala ako sa kaniyang tabi. Kami na lang talagang dalawa ang nagdaramayan sa tuwing naiiwan kami ng mga mahal namin sa buhay. Kami ang palaging magkasama sa lahat. Marami na kaming pinagdaanan pero hindi namin nagawang sumuko kasi hawak kamay naming nilalampasan ang lahat ng problema."

Nag-init ang bawat sulok ng aking mga mata. Bumabalik sa alaala ko ang mga pinagdaanan naming dalawa simula pa noong iniwan kami ni Papa.

Namuhay kami na kami lang dalawa sa isang tahanan. Nakaya namin ang buhay dahil meron kaming isa't isa.

Sobra kaming nasaktan noong iniwan na rin kami ni Mama. Wala man lang kaming nagawa para sa kaniya.

Tanging si Gennica rin ang aking naging sandalan noong nagbubuntis ako. Hindi niya ako sinukuan, hindi niya rin ako nagawang husgahan.

Mas hinigpitan niya pa ang kapit sa 'kin para mas lalo kaming matatag sa lahat ng problema na aming kinakaharap. Ako ang panganay pero siya pa ang nag-alaga sa 'kin.

"Hindi ko rin kakayanin na mawala siya tabi ko kahit na madalas pa kaming mag-away... Mahal na mahal ko ang kapatid ko."

Tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha. Inihinto niya ang sasakyan sa tabi at mabilis akong ikinulong sa kaniyang bisig.

"Hush, honey... It's okay, naiitindihan ko kung hindi mo kayang malayo sa kapatid mo... Puwede naman natin siyang isama sa bahay natin o kung ayaw niyang umalis sa hacienda, mananatili tayo roon at hindi natin siya iiwan..."

Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa 'kin. Isinubsob ko naman ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Hindi ko mapigilan na mapangiti sa kaniyang sinabi.

Hindi ko talaga kakayanin na maging masaya kung ang kapatid ko'y maiiwan na nag-iisa.

Walang kahit sino ang puwedeng maghiwalay sa aming magkapatid.

"B-Bakit tayo pumunta rito?"

Hindi niya ako tinugon. Bumaba na siya sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Mabilis ko namang tinanggap ang kaniyang kamay.

Muli kong tinanaw ang ospital kung nasaan si Zairus. Nagtungo naman si Marcus sa compartment ng sasakyan para may kuhanin.

Lumapit siya sa 'kin na bitbit ang isang basket at kaagad na hinawakan ang aking kamay.

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon