Chapter 50

52.2K 1.6K 2.2K
                                    

Chapter 50

"Look, Mommy, she held my hand..."

Hindi ko mapigilan na mapangiti habang pinagmamasdan silang dalawa. Pilit na inaabot ni Margaux ang mukha ni Kayren. Panay rin ito sa pagtawa habang nakatingin sa kaniyang kapatid.

"Honey..."

Naramdaman ko na lang ang pagyakap nito sa aking likuran habang marahan na dinarampian ng halik ang aking balikat.

Hindi ko naman magawang alisin ang tingin sa mga anak namin. Nakaupo sa gilid ng kama si Kayren habang nilalaro ang kaniyang kapatid.

Napakasarap nilang pagmasdan na dalawa. Nasisigurado ko talaga na magiging mabuting Ate si Kayren sa kaniyang kapatid.

"Pansinin mo naman ako, honey..."

Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa 'kin. Hindi niya talaga magawang tantanan ang aking balikat kasi panay pa rin niyang pinapaulanan iyon ng halik.

Mabuti na lang busy si Kayren sa kaniyang kapatid kaya hindi niya nakikita ang kalandian ng kaniyang ama.

"Hmm..."

Mariin kong nakagat ang aking pang-ibabang labi nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa aking tainga.

"Sundan na nat- shit."

Nagtatalon ang loko nang bigla kong sipain ang kaniyang binti. Napalingon tuloy sa amin si Kayren na nababakas sa mukha ang pagtataka.

Kaya bago pa magtanong si Kayren ay hinila ko na palabas ng room namin si Marcus.

"Baliw ka ba, ha? Isang buwan pa lang ang anak natin gusto mo na aga-"

Hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin nang bigla niya akong siniil ng halik. Pilit ko naman siyang itinutulak palayo pero hindi ko namalayan na gumaganti na pala ako sa bawat galaw ng kaniyang mga labi.

"Isang barangay, honey, isang barangay ang bubuuin nating mga anak..."

Bumaba ang halik niya sa aking leeg habang mariin na ang kagat ko sa aking pang-ibabang labi.

Hindi ko namalayan na nakapasok na pala kami sa isang silid. Mabilis niya akong itinulak pahiga sa kama at muling inangkin ang aking mga labi.

"Oh gosh, Marcus! Not here!"

Mabilis ko siyang itinulak palayo nang mapagtanto na nasa loob kami ng room ni Gennica. Siguradong bubuga iyon ng apoy sa galit sa oras na makita kaming dalawa na narito.

"Don't you remember?" he smirked.

Nakaupo na ako sa gilid ng kama habang nakatayo naman siya sa aking harapan. Nanatili pa rin ang ngisi sa kaniyang mga labi.

"Anong sinab-"

"Gennica's room before..."

Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Muling bumalik sa isipan ko ang nangyari noon. Kung saan tuluyan ko nang ibinigay sa kaniya ang sarili ko sa mismong kuwarto pa ni Gennica.

Napahampas na lang ako sa aking noo sa kahihiyan. Siguradong magwawala sa galit ang babaeng iyon sa oras na malaman niya ang bagay na iyon.

"Let's go somewhere..."

Hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinila na palabas sa lugar na iyon. Mabuti na lang hindi kami nakita ng babaeng iyon kasi busy ito sa panonood ng TV sa ibaba.

"Fuck."

Hahalikan na sana niya ako nang marinig namin ang malakas na pag-iyak ni Margaux. Pinigilan ko naman na mapangisi sa kaniyang reaksyon. Halatang bitin na bitin ang loko.

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon