X. The Stadium

59 31 2
                                    

~ºRogueº~

It was an intense battle, but everything went well. Sa luob ng bente minutos ay natalo nila ang higanting halimaw na inakala naming kakain sa'men ng buhay.

We were there watching the whole time hanggang sa tuluyan nila itong natalo. Wala naman kaming nagawa kundi ang panuorin lang ang lahat. Mabuti nalang at may mga nakabantay na grand knights sa lugar na'to.

Isa sa kanila si Miss Sharina na kanina lang ay kasama naming dumating dito sa Grand Tree. She was one of the main healers. Isa siya sa mga miyembro ng isang squad na tinatawag nilang Green Mantis. Kaya naman bigla siyang naging abala sa panggagamot sa mga sugatang knights.

Umalis siya sa tabi namin na kasama si Sky. Sa dahilang hindi ito maaaring isama sa gaganaping pagsusulit. Lalo pa't hindi naman ito parte ng kapangyarihan ko.

"Ruru! Ano ba? Pakibilisan naman kasi! Alam mo bang isang minuto nalang ang natitira at magsisimula na ang recruitment?!" sigaw ni Aira na ngayon ay halos hindi alintana ang dami ng tao sa sobrang pagmamadali.

Binilisan ko pa lalo ang paglalakad baka sakaling maabutan ko siya. Pero talagang ang bilis niyang tumakbo, halos nga nakalutang na siya sa ere eh.

"Ayun na ang Door A! At mukhang may kasabay tayong papasok! Bilisan mo kasi mamang pagong!"

"Shuttup! I'm coming okay?!"

Halos gayahin ko na ang ginagawa niyang paglutang sa ere nang mga oras na'yun. Kailangan kasi naming umabot sa itinakdang oras. Kapag kasi hindi kami umabot sa DOOR A, ay tuluyan na itong magsasara at kakailanganin muli naming maghintay ng susunod na taon para muling makapasok.

"Magdi-deactivate na ang pinto! For. Petties. Sake!"

Hindi paman natatapos ang sampung segundo ay narating namin ang naturang pinto. Napansin ko ang isang lalaking nag-aabang sa pagbubukas nito.

"Whew! I'm glad we made it! Ikaw naman kasi Ruru! Your super duper extra mega slow!" reklamo nito sa'ken na hindi halos maipinta ang mukha.

Sasagot pa sana ako nang bigla kong napansin ang masamang tinginan ni Aira at nitong lalaking kasabay namin.

"IKAW?!" tela pareho silang nasurpresa nang makita ang mukha ng bawat isa.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Walang tigil hanggang sa muntik na akong mahilo. Kapansin-pansin ang tela naglalabang kuryente sa pagitan nila ni Aira.

Natigil lang yun nang dumako ang lahat ng atensiyon namin sa biglang pagtunog ng pinto.

"Tara na!" turan ko sa dalawa na tela naistatwa sa liwanag na iniluluwa nito. Agad ko silang itinulak papasok nang mapansing unti-unti na itong nagsasara. Halos maipikit ko pa ang aking mga mata sa nakabubulag na liwanag.

"What's your problem ba?!"/ "What's the big idea bro?!"
Sabay nilang reklamo nang tuluyan na kaming makapasok sa loob.

Pero lahat ng reklamo nila ay biglang naglaho nang mapagtantong nasa loob na kami ng Door A. At isang kakatwang tanawin ang bumulaga sa aming lahat.

"WELCOME TO THE 20th ANNUAL GRAND KNIGHT SELECTION EXAM!"

Isang masigabong palakpakan at nakabibinging ingay ang biglang dumagundong sa buong lugar. Then I realised, that we were actually standing at the center ground of an amazingly huge stadium. There were hundreds---no, there were actually atleast a thousand participating visitors around here. But compared to the number of non-participating visitors, who's currently occupying the rows of seats above, there were ten folds of them. Sa sobrang dami ng manunuod ay hindi ko agad napansin ang isang kumpol ng pitong magagarang upuan na nakapwesto sa pinakamataas na kanlurang bahagi ng stadium.

Grandina: The Black Tale (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon