XII. His Grudge

70 28 3
                                    

~ºRogueº~

Isang malakas na sigaw ang gumambala sa tahimik na kagubatan. Tila puno ito ng pasakit sa bawat sugat na natatamo. Agad akong kumilos at hinanap ang pinagmumulan nito.

Sa ilang hakbang ay hindi naman ako nabigong tuntunin ang kinaruruonan nito. Mula sa di kalayuan ay may limang kalalakihang pinagtutulungan ang isang dambuhalang nilalang.

Sa anyo ng nilalang ay masasabi kong isa itong class A monster, na ang katumbas ay isang daang puntos. Pruweba ang nakapintang marka sa sugatan nitong likod; A-100.

Ilang sandali nalang at tuluyan na itong babawian ng buhay. Ngunit sa limang kalahok, kanino kaya mapupunta ang isang daang puntos? Tch. Nagsasayang lang sila ng oras.


Binalewala ko ito at agad naglakad palayo upang ipagpatuloy ang paghahanap. Sa nakalipas na lima't kalahating oras ay malaki-laki narin naman ang nakuha kong puntos. Ngunit, sa nakaraang anunsiyo ay nasa mahigit walongdaan na ang nakakuha ng kani-kanilang slot. Kung hindi ako magmamadali ay siguradong tuloyan nang magwawakas ang pag-asa kong makapasok sa susunod na pagsusulit.

"Contistant Alexus Olivar had finally reach 500 points! Giving him the 90th slot for the next round!"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang anunsiyo ng master of ceremony sa buong kalangitan. Alexus Olivar? Siya ba yung kapatid ni Miss Sharina?

"We now have our 91st placer! In the name of Aira Gamevil! She is now qualified to enter the next round! Therefore, only nine slots remaining!"

Halos lumuwa ang mga mata ko nang marinig ang pangalan ni Aira. Pero hindi ko rin naman napigilang mapangiti dahil sa galak na matagumpay niyang naipasa ang unang pagsusulit.

Dahil dito'y mas lalo akong naging determinadong maghanap ng halimaw upang buuhin ang nawawalang puntos sa aparatus na nasa kanang kamay ko.

"Ahhhh!"

Nabura bigla ang malalim kong pag-iisip nang marinig ang sigaw na 'yun. Sinundan ito ng kakaibang ungol mula sa di kalayuan. Agad akong kumilos upang hanapin ang pinagmumulan nito, at bumungad sa'ken ang isang nakagigimbal na tanawin.


Dead bodies.

There were dead bodies laying everywhere. With their own blood showered upon them, they were obviously murdered brutally. Nangamoy kalawang ang paligid dahil sa nagkalat na dugo. Tila isang bangungot ang tanawing ito.

'What the hell happened here?' I ask myself.

Aalis na sana ako nang muli kong marinig ang kakaibang ungol.
Parang nag-unahan sa pagtayo ang mga balahibo ko sa katawan, na sinundan naman ng matinding kaba.

Pero hindi ron natapos ang gulat ko, dahil sampong talampakan mula sa kinatatayuan ko'y isang kakaibang nilalang ang bumungad sa'ken.

It was a weird bipedal fox-like monster with crimson and black accents. It has a pointed snout and ears with red insides. The arms have spiky extensions of fur at the elbows, and it has red claws on its hands and feet. His eyes are red-rimmed with light blue irises.

It was intently looking at me, as if thinking on how he'll torture me to death. Its claws were painted with blood.

In an instant, I was taken aback, it suddenly dissappeared on thin air.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Grandina: The Black Tale (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon