V. Mysterious Sky

70 38 3
                                    

~ºRogueº~

'...the time is ri...take my pow...r...together...together... together.."

Hindi ko mahanap ang tunay na pinagmumulam ng tinig na'yon. Ngunit para akong mabibingi sa paulit-ulit nitong sinasabi. Sino siya? Ano ba ang nais niyang ipahiwatig?

Ilang ulit pa hanggang sa unti-unting nawala ang misteryusong tinig. Nilamon ito ng walang hanggang dilim...

Patuloy akong naglakad sa gitna ng kadiliman. Walang katapusan at walang kapaguran.

Hanggang sa bigla nalang akong napabalikwas ng gising. Isa nanamang werdong panaginip. Agad akong bumangon at kukuha na sana ng maiinom nang makarinig ako ng kakaibang ingay sa kung saan.

Agad kong hinanap ang pinagmumulan ng ingay.

"Sa ilalim ng kama!"

Dahan-dahan akong yumuko at sinilip ang kung ano mang bagay ang maagang nambulabog sa gising ko.

"What the--"

Bakit may nagliliparang gamit sa ilalim ng kama ko?!
Bigla akong nakaramdam ng kung anong malagkit na bagay na tumalsik sa mukha ko. Agad ko naman itong inamo'y.

"Chocolate?"

Saan naman kaya galing to?

"Oh no!"

Kukunin ko na sana sa ilalim ng kama ang bag ko pero ipinagtaka ko kung bakit parang may kakaiba.

Malambot? Sobrang lambot? It feels like cotton. Panung naging ganito kalambot ang bag ko?!

*Gulp

Kinabahan ako nang biglang gumalaw ang kung anong bagay sa ilalim ng kutson. Agad ko itong sinilip, pero halos mapatalon ako sa nakita.

"Kruuuh!"

Hindi ko inakalang tatalon ito papunta sa'ken kaya't bigla akong nadulas na naging dahilan para bumagsak ang pwetan ko sa sahig.

"Aray... He-hey, w-wait stop! teka lang!"

It licked my face na para bang masayang-masaya siyang nakita ako.

"Ruru! Gising ka na!"

Nabaling bigla ang tingin ko sa babaing kadarating lang. Pero wala paring tigil sa kakadila itong munting nilalang na nakasakay sa dibdib ko.

"Hey! Will you please healp me here?"

"Aw.. look at him Ruru, His really into you. I'm so jealous."

Nagtaka ako sa sinabi niya, wait, kilala niya ba ang nilalang na'to?

She rolled her eyes heavenward bago magsalita, "Hindi mo ba talaga siya natatandaan?" Lumapit siya sa'ken at kinuha ang maliit na nilalang na masayang isiniksik ang sarili sa'ken.

"You know it? At anong sabi mo?HIM? Ano ba talagang nangyayari? What is this thing?  What happened last night? And how did you know its HIM?"

Kunot noo siyang tumingin sa'ken sa sunod-sunod kong tanong.

"Oh no! Don't tell me," she said with exaggeration.

"Tell you what?" kusang nagsalubong ang kilay ko.

"Ruru! Tell me, tell me my beautiful name!"

"What? Ano bang pinagsasasabi mo? Did you just bump your head somewhere?"

"PLEASE RURU! I'm just worried."

"Worried? About what? Stop it Aira! Ginugulo mo naman ang utak ko eh!"

Grandina: The Black Tale (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon