Chapter 4 — Pregnant
"Nasa bahay ka na ba?" tanong ko kay Cian na nasa kabilang linya. Malikot ang nasa kabilang linya, may mga lapis na nililipat sa lamesa.
"Oo, hinatid ako ni Lance."
"Sino si Lance?" nanliit ang mata ko at mariin ang boses habang hinihintay ang sagot niya.
"Nakilala ko lang sa isang assessment." simpleng sabi niya. Naghintay pa ako ng karugtong pero wala na siyang dinagdag.
Napabuntong-hininga ako at hinayaan nalang siya. Binaba ko na ang tawag at humiga na sa kama para matulog.
Three days nalang ang preparation para sa quarter finals. Wala kaming sinayang na oras at puspusan ang pagpractice.
Maaga kaming pinapapunta ni coach kasi may limang oras lang kaming magp-practice dahil matitigil kami kasi time ni Ma'am Avilar iyon at bawal kaming mag-absent.
Spiking drills muna ang ginawa namin. Si Yan ang maghahagis ng bola sa ere tapos papaluin naman namin hanggang malampas ito sa net. Pinapanood lang kami ni coach at inoobserbahan ang galaw namin.
Napatingin ako kay Cap na medyo mahina at matamlay. Nasa gilid niya si Ava at inalalayan ito.
"Cap, ayos ka lang?" tanong ni Lin. Napahawak si Cap sa ulo niya at kumukuha ng lakas gamit ang hawak ni Ava.
"Medyo nahihilo lang," saad ni Cap. Pero mukhang hindi lang hilo ang nararamdaman ni Cap kasi bigla itong bumagsak sa braso ni Ava at nawalan ng malay.
"Hala! Coach si Cap Lea!" nataranta kami. Lumapit din kaagad si coach sa amin.
Hinawakan ni Coach ang palapulsuhan nito at ni-check ang pulso. Namumutla si Cap at matamlay na matamlay. Ngayon ko lang nakita ng malapitan ang mata niya. Pula ang balat at medyo maiitim ang ilalim.
"Guerrero, sa clinic!" tawag ni coach sa isa sa mga basketball player doon. Agad namang lumapit iyong lalaki at binuhat si Cap.
Naiwan kami sa court kasi sabi ni coach na ipagpatuloy lamang ang practice. Nakailang drills na kami, nakailang-tanaw na din kami sa pinto pero walang coach o cap ang bumalik.
"Ayos lang kaya si Cap?" saad ni Billie. Nasa tabi niya si Sasha at Lin.
Dumapo naman ang tingin ko kay Ava na nasa gilid at malalim ang iniisip. Kagat niya ang kuko at tila kinakabahan rin.
"Ava, ayos ka lang?" lumapit na ako. Hindi niya ako napansin kung hindi ko lang hinawakan ang balikat niya.
"Ha? Uh...oo, ayos lang." she cleared her throat and stood up. Niyugyog nya nang paulit-ulit ang kamay bago malakas na bumuntong-hininga.
"Ayos lang ako." ngumiti siya sa akin.
Nanahimik nalang din ako. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si coach ng bumalik siya sa gym.
"Si Lea, coach?" bungad ni Ava. Kinuyom niya ang nanginginig na kamay.
Napabuntong-hininga si coach at malungkot na ngumiti. "Leanie is pregnant."
Nalaglag ang panga namin si narinig. Pumikit nang mariin si Ava at alam na ang dahilan kung bakit nahimatay si Cap kanina.
"Shit! Sabi na nga ba!" padabog niyang sinipa ang bola at lumabas ng gym para puntahan siguro si Cap.
"Paano yung quarter final, coach, kung buntis siya?" tanong ni Sasha. Umiling si coach at nanghihinang umupo sa bench.
Nagulat din ako sa nabalitaan. Buntis si Cap. Buntis siya! I am not sad or disappointed for her pregnancy, I am happy. But, I am worried about our game.
YOU ARE READING
Terrible Things | Club Series #1
Teen FictionThere is no greater agony than bearing an untold feelings to someone. Shoko Calista, a volleyball club member. And Niko Barcelon, a very supportive bestfriend. "Everytime I want to let you go... You show me more care and concern, making me fall f...