Chapter 3

3 1 0
                                    

Chapter 3 — Lunch

May fifteen minutes break kaming nakalaan bago bumalik sa practice. Kaharap ko si Coach at may sinasabi siyang technique para mas lalong mapalakas ang depensina namin.

"Kapag hindi niyo kayang pigilan yung bola sa ere, dapat malakas ang pondasyon niyo sa pagtatangap nito," tinuro ni coach yung cardboard at may sinabi siya tungkol sa formation namin. We all nodded.

Balik agad kami sa practice. Next week ay quarter final na, kailangan naming magdoble sipag para mag-advance sa next tournament.

"Brecero, atras ka pa." tukoy ni Coach kay Ava.

Umatras si Ava katulad ng sabi ni coach. "Sorry, coach,"

Hinati kami sa dalawang team, Team kami nina Ava, Billie, Lin at dalawang lalaki. Team B naman si Cap Lea, Yan, Gelay, Sasha at katulad namin may dalawa ring lalaki. Nagpatuloy ang laro pero sa huli ay talo kami at nabigyan ng parusang magsit-up.

"Lakas pa rin ni Cap Lea," komento ni Ava. Nasa paa ko siya at tinatapakan iyon bilang suporta.

"Kaya 'pag graduate na siya, mahihirapan na siguro 'tong team natin." sumang-ayon ako sa sinabi ni Lin.

May karapat-dapat namang sumunod bilang captain kapag graduate na si Cap Lea pero mahihirapan kaming mag-adjust dahil nasanay na kami sa mga utos niya.

Nagpagpag ako ng damit pagkatapos ng sit-up. Sinamahan ako ni Ava at Sasha na pumunta ng canteen para bumili ng snacks.

"Walang consideration si Ma'am Avilar, 'pag bagsak, bagsak ka talaga," biglang sabi ni Ava, same course kaming tatlo.

Kinabahan rin ako para sa grades ko ngayong sem. Hindi nga kino-consider ni ma'am avilar ang pagiging club member namin kaya kapag may test siya ay kailangang naming lumiban muna sa practice kasi wala siyang special consideration.

"Hindi pa naman ako pumapasok simula nung prelims," saad ko.

Hindi pa break time pero may mga studyante nang nakatambay sa canteen, probably ditching classes. Well, I feel them, lalo na kapag subject ni Ma'am Avilar minsan.

"Tatlong juice at sandwich po, ate." ngumiti ang tindera sa akin bago tumalikod para kunin ang order namin.

"Girl, haba talaga ng hair mo." biglaang sabi ni Ava sa likod ko. Napalingon ako sa kanila at napagtanto kung bakit.

The guy from the other day, iyong nagbigay ng letter sa akin. "Hi..uhm, lunch tayo mamaya?"

The guy is a bit shy and entroverted. Nakayuko at nasa lupa ang tingin tapos pulang-pula ang tenga, magkasing-tangkad lang kami pero payat siya ng kaunti.

"Sige, nasa gym lang ako." I politely said before receiving the tray that Ate handed.

"Thank you, po," tumalikod na ako at naghanap ng mauupuan namin.

"Nakapagdinner na ba kayo 'non?" saad ni Sasha.

Umiling ako at nilapag ang tray sa lamesa bago umupo. "Ayaw nga ni kuya na nagagabihan ako, dinner pa kaya?"

"Sabagay, kaya paunlakan mo na yung lunch. Sayang naman, gwapo sana pero mahiyain." umiling si Sasha.

Ewan ko kung bakit big deal sa kanila ang imperfection ng tao. It's fine with me kung ano ka, basta respetuhin mo lang ako, then we'll vibe.

Unang kagat ko pa lang sa sandwich ay nakita kong pumasok si Cap Lea sa canteen habang nakasunod sa kaniya si Lev na medyo naiinis. Agad nahanap ng tingin niya ang direksyon namin saka lumapit.

"Leave me alone, asshole." Cap Lea exclaimed.

"Mag-uusap tayo." mariing sabi ni Lev. Napairap si Cap bago kinuha sa akin ang sandwich at kinagat iyon.

Terrible Things | Club Series #1Where stories live. Discover now