Chapter 2

3 1 0
                                    

Chapterb2 — Rest well, Shoko

I got sick for three days, hindi naman gaanong masama ang pakiramdam ko pero pinipilit talaga ni Niko na dapat akong magpahinga. Pumupunta naman sila sa bahay kapag gabi, pagkatapos ng school. Tawanan at ingay ang laging laman ng tatlong gabi ko, pagkatapos ay aalis na sila para makapagpahinga naman ako.

"Calista!" Captain Lea's scream made Ava and my other teammates' attention diverted to me. Nakasimangot ako habang tinatakbo nila ang pagitan ng court at pintuan.

"Kawawa naman ang baby girl natin. Nilagnat na nga hindi pa nakainom. Hindi muna dapat pagodin at baka mabinat," inalalayan nila ako papuntang bench.

Wala akong magawa kung 'di matawa at hayaan sila. Malaki ang gymnasium na pinaglalaruan nila Lea ngayon, mayroong ding basketball player na nag-w-warm sa gilid, hinihintay na matapos ang laro nina Cap.

Lumapit si coach sa akin, "Kamusta ka, Shoko?"

Ngumiti ako kay coach saka pabirong pinakita ang masigla kong katawan, "Malakas pa rin."

Umiling siya at hindi na nagsalita. Nanood na lang ako sa laro nila Cap.  Bawal pa raw ako maglaro kasi baka mabinat at lagnatin 'uli. I don't have any other choice but to sit my butt beside coach.

Dumapo ang tingin ko sa pintuan ng gymnasium, nakahilig si Niko sa hamba habang si Cian naman ay winagayway ang kamay niya. Sumimangot ako at pumunta sa kanila.

"Ang dami mong hahabulin na topic," bungad ni Cian sa akin na mas lalong ikinasimangot ko.

"Photocopy nalang ako,"

Umiling siya at nilahad ang gabundok na notebook sa harap, "Written dapat, sabi ni ma'am."

"Hindi ba excemption yun sa 'kin? May excuse letter naman ako, eh," still pouting I turn my gaze to Niko. Ikinakunot ng noo ko ang pagpipigil niya ng ngiti.

Tinapakan ko ang paa niya, "Hey, what's your problem, ha?"

Tumikhim siya bago umayos ng tayo, "Lunch tayo, libre ko."

Parang bituing kuminang ang mata ko, hindi rin makapaniwalang lumingon si Cian kay Niko, "Really? What's gotten in to you? Nabagok ka ba? Naka-apak ka ba ng tae?"

"Cian!" I snapped at her. Bigla nalang magsasalita ng tae, eh, nakakadiri kaya.

Tumigil siya at inayos ang eyeglasses na parang may nadiskubreng  himala katulad ng mga bida sa anime. "May kasalanan to sa'tin, Shoko,"


Ayan na naman tayo sa pagiging detective niya. "Kapag ang isang tao ang gumawa bigla ng mabuting bagay para pambawi—"

"Wala akong kasalanan, hindi naman ikaw ang lilibrehan ko. Si Shoko lang kasi nanalo siya sa prelims nila," Nalaglag ang panga ni Cian at nagsisisi pa sa mga pinagsasabi.

"Ang daya naman," sumunod kaagad siya sa amin noong hinawakan ni Niko ang palapulsuhan ko.


"You accused the wrong person," I jokingly said.


Masama na ang tingin niya kay Niko at sumunod nalang, nag-McDonalds kami kasi iyon lang ang pinakamalapit na fastfood sa school. Ako ang naghanap ng mauupuan namin habang si Niko ang nag-order ng food.



"Ang daya ng mundo! Bakit kapag nakasimangot ka ang ganda pa rin tignan, tapos ako mukha ng tanga." I snorted. Natawa si Cian at hinintay namin si Niko na hawak na ang dalawang tray sa magkabilang kamay.

Pabirong hinampas ni Cian ang libro niya kay Niko. Akala niya talaga na hindi siya bibilhan ni Niko ng pagkain. I smiled with the thought of Niko and Cian being together. Si Cian na tutok sa pag-aaral tapos si Niko na medyo barumbado, hmm. Just like those ideal love story on books, mapapaamo ng babae ang lalaki.


Terrible Things | Club Series #1Where stories live. Discover now