I was happy living my life. Risking everything and making no regrets until I am satisfied. I would go out often with boys, partying at clubs, spending my money and all this bratty teenage doing nowadays.
I don't want to settle in a serious relationship because I am not ready to be caged, well. Sa aking pananaw, kapag nagka-boyfriend na ako, dapat ay araw-araw kailangan lagi siyang updated sa mga ginagawa ko, lagi kaming magkasama at magkausap, tapos mag-aaway dahil sa isang walang kwentang bagay, at selosan. Which are the things I really hate. Okay lang namang hindi magsettle sa ganoong relasyon as long as kasama ko ang dalawa kong kaibigan.
The shy and entroverted Cian Hermosa pero kapag kasama kami kabaligtaran, and Niko Barcelon who's been supporting my shits.
Masaya kaming tatlo. Supportado namin lahat ng kalokohang ginagawa ng isa't isa. We party, of course. Rebelde kami pero responsableng mga studyante at anak. Sadyang nababaliw lang talaga kapag kasama ang isa't isa. But everything changed in just a snap.
Malawak ang ngiti ko habang tinitignan si Cian sa salamin. She looks so pefect with her wedding gown. Naka-braid ang buhok niya. Ang salamin niyang soot-soot dati ay pansamantalang inalis at pinalitan ng contact lens. She looked so good without her glasses. Hindi nakatakas ang isang luha sa pisngi ko, na agad ko namang pinunasan.
I looked at her with awe, "Kahit kailan talaga, ang ganda mo," napasimangot ako at niyakap iyong envelope.
She smiled at me. Thank you."
Hindi ko na napigilan at doon na ako tuluyang naiyak. We've been through thick and thin, she was there when the world was turning it's back on me. Siya lang yung kaagapay ko sa lahat. I never decided to enter a relationship kasi sagabal lang iyon sa akin. I stayed single and will forever be.
"Wag kang umiyak, masisira make up mo, sige ka. Papangit ka niyan," hindi niya maitago ang pagkabasag ng boses niya. Inirapan ko siya at niyakap ng mahigpit.
"Ang dali-dali ng panahon 'no. Dati sa school booth lang kayo kinakasal ni Lance, tapos ngayon sa simbahan na talaga."
I am happy. Masayang-masaya ako pero parang may kulang. When everything change in a snap, pakiramdam ko may nawala sa akin. Parang may kulang, at may nabutas sa parte ng puso ko. Yes, I am happy, pero hindi ko man lang magawang sabihin iyon sa sarili ko.
"Pupunta daw siya," I got the hint and only smiled.
"Syempre, pupunta yun. Kasal mo eh. Hindi niya pwedeng ma-miss yung kasal ng bestfriend niya. Ilang taon nga siyang MIA tapos sa mismong kasal mo pa, MIA pa din? Wow," tumawa pa ako. Nakatanaw lang siya sa akin at parang nag-alala at nalulungkot.
There is no time for recalling the past. Kung ano ang nangyari sa nakaraan ay mananatili lang hanggang doon. I've learn my lesson, at sapat na yun para mamulat ako sa katotohanan ng pag-ibig.
I gave her an assuring smile.
"We're cool naman. Walang samaan ng loob. Ilang taon na rin ang nakalipas, Im sure moved on na siya, diba?" I shrugged and composed myself.
"Mag-enjoy ka sa araw ng kasal mo. I am happy for the both of you. Bumuo kayo agad, ha, para naman may mag-aalaga sa akin kapag tumanda na akong dalaga," I joked. Natawa na rin siya at bahagyang namula. I kissed her cheeks before going outside.
Pagkasara ko ng pinto ay nanghina ako. We're not cool to be honest. Hindi na kami muling nag-usap simula ng araw na yun. Hindi ko na siya muling nakita at nakausap. We lost communication. Nawala na lang siya na parang bula. Hindi ko na tinanong si Cian kung nag-uusap pa ba sila kasi natakot ako. Natakot ako na baka ako yung sisihin niya sa lahat ng nangyayari, na ako ang dahilan kung bakit hindi na namin siya nakakausap.
YOU ARE READING
Terrible Things | Club Series #1
Ficção AdolescenteThere is no greater agony than bearing an untold feelings to someone. Shoko Calista, a volleyball club member. And Niko Barcelon, a very supportive bestfriend. "Everytime I want to let you go... You show me more care and concern, making me fall f...