Break It To Me Gently

21.3K 933 200
                                    

Chapter Four

NAPAPITLAG si Roxanne nang biglang gumuhit ang matalim na kidlat sa madilim na kalangitan. It was already past midnight, pero ni pikit ay hindi pa niya nagagawa. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nagpatulog siya ng lalaki sa kanyang bahay maliban sa Kuya Tor niya. Maski noong nag-aaral pa siya ay may mga pagkakataon na nakakasama niyang mag-overnight ang ibang mga kaklaseng lalaki kapag meron silang group project.

But you don't have a huge crush on them. 

She blew a loud breath. Idinipa niya ang dalawang kamay sa kama atsaka tumitig nang walang kurap sa ceiling. Hoping her eyes will eventually give in and grant her the sleep that seemed to elude her.

Muli siyang napabuga ng hangin. Habang siya ay dilat na dilat pa ang mga mata, ang bisita niya ay siguradong mahimbing na ang tulog sa guest room sa ibaba. Kinapa niya ang tablet sa ibabaw ng kanyang side table. Since she couldn't sleep, she will just review the files her assistant sent her. Pero nagtaka siya nang walang makapang tablet doon.

She groaned in annoyance. Naiwanan niya sa sala ang kanyang bag. Napilitan siyang bumangon at bumaba ng kama. Hinagilap niya ang pambahay na tsinelas ngunit isang paa lang ang nahagip niya. Nang hagilapin niya iyon ay nasa ilalim ng kama ang isa. Nasipa niya siguro pagsampa niya ng kama kanina.

"Damn it."

Hindi na lang siya nagsuot ng indoor slippers at lumabas na ng silid. Hindi na rin siya nag-abalang patungan ng robe ang suot na sleepwear dahil sigurado namang tulog na ang guest niya at sandali lang naman siya. Agad niyang nakita ang kanyang bag sa pinagpatungan niya. Hindi na muna niya kinuha iyon at tumuloy na ng kusina para magtimpla ng gatas. She is no longer a kid but it still works for her. A glass of milk will definitely give her a sure way to dreamland.

"'Can't sleep?"

"Ay, butiki!"

Gulat na nabitiwan ni Roxanne ang kinukuhang tasa mula sa cupboard sa biglang pagsulpot ni PJ sa may tagiliran niya. Bumagsak iyon sa sahig at nabasag. Kamuntik pang matamaan ang kanyang mga paa. Ngunit napasinghap siya nang may tumalsik na bubog at mahagip ang binti niya.

"Uh, shit. Don't move." Lumuhod sa may paanan niya si PJ para tingnan kung saan siya nasaktan.

"I-I think it's just a small cut."

"Yes. Pero kailangan pa ring magamot kaagad."

Sa gulat niya ay binuhat siya nito at iniupo sa countertop. Napakagat-labi siya para awatin ang munting tili na kamuntikan ng humulagpos sa mga labi niya.

"May gamot ka ba para sa mga small cuts na ganyan?" turo nito sa maliit na galos sa binti niya.

Bigla siyang naasiwa at imboluntaryong napagdikit ang dalawang braso sa tapat ng kanyang dibdib. Wala siyang suot na bra! At ang suot niya ay manipis na sando lamang at maikling cotton shorts.

"I-it's over there," itinuro niya ang top drawer sa dulo ng countertop na kinauupuan niya para lamang mailayo sa kanya ang mga mata nito. Shit, this is so embarrassing!

Hinila nito ang itinuro niyang drawer at kinuha mula roon ang maliit na medicine kit.

"Ako na lang ang maglalagay ng gamot," mabilis niyang sabi rito. "Pero kung puwede pakikuha naman ng dust pan at sweeping broom ko. Baka dalawa pa tayong maaksidente ng mga bubog."

"Where?"

Itinuro niya rito ang kabinet na lagayan niya ng mga cleaning tools.

"Okay, I'll clean it."

"Thanks," iyon na lang ang nagawa niyang sabihin. 

Umisod siyang palapit sa faucet at sumahod ng kaunting tubig sa kamay at nilinis ang kaunting dugo sa kanyang sugat. Pagkatapos ay pinunasan niya iyon ng paper towel bago nilagyan ng medicated cream. By the time she finished treating her cut PJ was sweeping the floor. He was wearing the indoor slippers she gave him. She loves indoor slippers. Kahit sa opisina niya at sa working room ay lagi siyang may nakatabing indoor slippers dahil madaling mangawit ang kanyang mga binti sa pagsusuot ng heels. At nakasanayan na rin niya na kapag may bisita siya ay may nakahanda na siyang indoor slippers para sa mga ito.

Man of Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon