tapusin ko muna si PJ. sa mga naghihintay kay Baby Zee, chill. focus muna ako kay Pajama para matapos na. pero kung makakapagsingit ng update, gagawin ko. ilang chapters ba ito? hindi ko rin alam😅😂🤣🤣🤣 hindi uso sa akin ang outline. wala talaga akong sinusunod na mapa. bahala na si Wonderwoman😂😂😂
malay niyo mag-enjoy ako masyado, abutin ng one hundred chaps🤭🤭🤭 o kung bitin kayo sa one hundred, gawin nating two hundred! 'yong additional na one hundred special chapters lang 'yon🤣🤣🤣
Chapter Twenty-Six
ILANG ulit diniinan ni PJ ang buzzer sa labas ng bahay ni Roxanne ngunit tahimik na tahimik at walang ingay siyang naririnig mula sa loob. Dalawang araw na siyang pabalik-balik doon. Nang magtungo naman siya sa opisina ng dalaga ay walang konkretong maisagot ang taong nakausap niya. Nasa labas daw kasi ang assistant nito at matatagalan pa iyong bumalik kaya hindi na siya nakapaghintay. Ngayon nga ay heto siya, maagang-maaga siyang dumaan sa bahay ni Roxanne para kung sadyang iniiwasan man siya nito ay madadatnan niya ito roon. Napansin niya rin sa garahe ang sasakyan nito na wala noong nagdaang araw kung kaya't tiwala siyang naroroon pa ito at hindi pa nakakaalis.
"HI!" Lumabas mula sa katabing unit si Jiraa.
Apologetic siyang ngumiti rito. Naka-istorbo pa yata siya.
"Good morning," itinaas niya ang isang kamay bilang pagbati rito. "Pasensya na kung na-istorbo kita."
"Hindi naman. Napansin ko kasi ang pagdaan mo noong nakaraan. Mukhang hinahanap mo si Roxanne."
"Um, oo. Do you have any idea where she might be?"
"Ang totoo ay magtatatlong araw ko na siyang hindi nakikita mula nang umagang umalis siya na may bitbit na isang maliit na maleta. Hindi naman kami nakapag-usap pa busy rin ako no'n sa paghahanda ng umagahan naming mag-ina."
Nahagod ni PJ ang buhok. Maleta. Kung may bitbit itong bagahe saan ito posibleng nagpunta? Umalis ba ito para maiwasan siya?
"Sinubukan mo na bang puntahan sa work niya?"
"I did."
"Mukhang malaki ang atraso mo, ha?"
Hindi na nagtaka si PJ kung paano nitong nalaman ang tungkol doon. May palagay siyang nasaksihan nito ang eksenang nangyari noon sa harapan ng bahay ni Roxanne may ilang linggo na rin ang nakakaraan. He hates to admit it, but he definitely looked an utter fool after Roxanne kicked his balls.
"Thanks, Jiraa."
"Good luck."
He tsked. Kakailanganin niya yata talaga iyon. Dahil ang susunod na taong kakausapin niya ay mainit na ang dugo sa kanya. Lumulan na siya ng kotse. At habang nagmamaneho patungo sa susunod niyang destinasyon ay tinawagan niya ang kanyang ama. He asked him to take over in his stead. Hindi na siya makakarating sa importanteng meeting na mangangailangan ng kanyang presensya. And since his father had been taking care of things while he was recuperating, hindi na magugulat ang mga kausap niya kung ito man ang darating sa pagpupulong.
"Thanks, 'Pa."
"Anytime, son. Break a leg."
Isang tunog-kahol na tawa ang kumawala sa mga labi niya.
"I mean it figuratively, of course," dagdag pang saad ng kanyang ama.
He chuckled. "Gotta go, 'Pa."
"You take care. And by the way your mother is worried. Bakit mo raw iniwan ang bodyguard mo? Hayun at sinasabon nang walang banlaw ang pobre."
"It wasn't his fault. And I can take care of myself, huwag po kayong mag-alala."
BINABASA MO ANG
Man of Her Dreams
RomanceSPG-18 Mula nang unang makita ni Roxanne si Paul John dela Costa ay nahulog na ang loob niya rito. For years ay iningatan niya ang damdamin para sa lalaki kahit pa nga ang totoo ay ni hindi nito alam na nag-i-exist ang isang katulad niya. Until one...